76: Take to Somewhere

11.1K 225 5
                                    


Naabutan ni Raven si Kiel na may kausap sa cellphone nang umakyat siya galing kusina. Nakabihis na. Inaayos na din nito ang mga gamit nila. Mukhang bumaba ito ng kotse at kumuha ng extrang damit. May napansin din siyang envelop at malaking bag na nakapatong sa kama.

Agad din naman itong binaba ang phone ng makita siyang pumasok. Napatingin ito sa dala niyang mangkok.

"Ummm.. breakfast," nakangiti niyang sabi dito. Nakakahiya naman. Ito lang ang alam niyang lutuin. "Eggs."

Agad itong nag bugtong-hininga. Kinagat ang labi at napakamot.

"I'm allergic to eggs, Rave. Sa manok din." Sabi nito sa kanya.

"Oh," sh*t naman, palpak. Marami pa nga siyang hindi alam tungkol kay Kiel. "Sorry."

Tumawa lang ito. "It's ok. At least nag effort ka,"

Hinila na siya nito papalapit at pinulupot ang kamay sa bewang. Kinuha nito ang dala niya at nilapag sa lamesa.

"That was sweet of you. Salamat." marahan siya nitong hinalikan sa noo.

Hindi niya alam kung may kung anong kuryente na naman ang dumaloy sa katawan niya sa ginawa nito. It so sugary sweet. Feeling niya lalanggamin na siya. Di siya sanay.

"Sino yung kinausap mo?" Tanong niya at hinaplos ang pisngi nito. Mukhang kakashave lang din. Pinigilan niya ang sarili na panggigilan ito.

"It was Vicky. Hinahanap ka na niya."

Napababa siya ng tingin. Saka kabila ng ginawa niyang pagtraydor dito sa dating mate, hinahanap parin siya?

"Anong sabi? Anong kailangan niya?"

Dinig niya ang paghinga ni Kiel bago nagsalita. "She wants you to leave this place. Dadating na daw ang Daddy mo dito. Kailangan na nating makaalis within a week."

Saglit siyang natigilan. Paano na si Pierre? Kailangan siya ng kapatid niya ngayon.

Umiling siya. "No Kiel. Kailangan ko nang makausap si Alejandro. Haharap na ako sa High Council."

"I will not let you do that." Kumalas nang akap si Kiel sa kanya at pumunta na uli sa may kama. Bumalik ito sa pag-aayos ng gamit. Isinukbit na nito ang baril sa holster likod. Chineck isa-isa ang laman ng envelop. Nakita niya ang mga passport doon na may pictures nila. Pati na rin ang ilang credit cards at cash. Isa-isang nilalagay sa bag.

Pinaghandaan ba ito? Kelan pa?

"Kiel,please. Kailangan ako ng kapatid ko. I can't just leave him like that. Hindi ako papayag na magsilbi lang siya sa Valerius habang buhay."

"Alam ko ang pwedeng mangyari kapag bumalik ka sa kanila. Baka pilitin ka nilang bumalik sa hayop na yon," humarap si Kiel sa kanya at huminga nang malalim.

"Ayokong mangyari yon, naiintindihan mo ba? Raven, kailangan din kita."

Sh*t na yan. Kinikilig siya sa mga sinasabi nito. Yumuko siya at nagsalita.

"Hindi ako mawawala sayo. Haharap lang ako sa kanila. Sasabihin ko na lahat ng nangyari sakin. Sa amin. Ayoko nang takasan pa ito Kiel. Ang dami nang nadadamay."

Kung di yon matatapos ngayon, habang-buhay nalang silang magtatago. And she can't risk that. Not with Kiel.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang balikat niya. "Sasamahan kita."

"No, you can't. Alam mo naman ang batas namin diba? They can kill you if they found out that--"

"I'm your mate," nakatitig ng mga mata nito sa kanya. Parang hinihigop na naman ng kaluluwa niya. "Nagsisisi ka na ba na ako ang pinili mo?"

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon