47: Higher Than Hope

13.3K 271 4
                                    

"Good morning, Raven," bati sa kanya ni Vicky paglabas ng kwarto. Nakaupo ito sa couch habang may hawak ng tasa. "Oh, how's your sleep?"

Bakit ba andito to? Akala niya sa basement ito tumutuloy ngayon.

Bugtong hininga nalang ang sagot niya.

Nakaayos na si Vicky ngayon. Naka miniskirt and jacket, naka coif ang blonde na buhok. Naisipan na yatang pumasok sa opisina.

"Coffee again, Vicky?" tanong niya. Alam niyang hindi pa ito nagpapahinga. Makapal ang make up nito, tinatago ang eyebags at maputlang balat. Nararamdaman niya ang panghihina nito. Mukhang di pa umiinom ng dugo.

Gannon ba talaga ito kabusy?

"Nagpapakamatay ka na ba talaga?"

Nilapag na nito ang tasa sa glass table. "Madami akong ginagawa. Bukod sa company, may mga pasaway din sa teritoryo ko." Kinuha ang broadsheets at binasa. Malang naibalita na nga yung shoot out sa fastfood kahapon. Sakop pa yon ng teritoryo ni Vicky.

Lumingon siya sa paligid. Ayos na pala dito sa penthouse. Malinis na. Parang walang nangyari gulo. Maski yung kitchen counter ayos na rin.

Gaano ba talaga sya katagal nakatulog?

Dumiretso nalang siya sa ref at kumuha ng tubig. Pakiramdam niya naubusan siya ng liquid sa katawan dahil sa panaginip na yon. Nanginginig parin ang kalamnan niya. Hanggang ngayon nadidinig parin niya ang mga sigaw ni Raffy at ni Kiel, sa utak niya.

Dinikit niya ang malamig na baso sa noo. Kahit papaano nakakapagkalma ang lamig sa kanya. Sumasakit ang ulo niya. Parang may kumukurot sa loob noon. 

"Bakit mo pinaalis si Kiel. Fafable na, pinakawalan mo pa?" tanong sa kanya ni Vicky.

The hell with that term. Fafable? Ano yun? San ba nakukuha ni Vicky yung mga pinagsasabi niya?

"I don't need your lecture Vicky. Sinabi mo sakin na 'stay away from him'. I did." Uminom nalang niya ang malamig na tubig.

"I'm just protecting you, Raven," sagot nito. "You're a magnet for bad guys, kung hindi rapist, killer, kidnapper--"

"Shut it, Vicky." Bakit kailangan pa bangitin lahat ng yon.

"And hunter si Kiel. Baka target ka niya dahil sa reward money mo per--"

"I said shut it. Hindi masamang tao si Kiel."

Tinaasan lang siya nito ng kilay.

"Mabait pala para sayo, ba't mo pa pinakawalan? Bahala ka nga. Ang gulo mo."

Ako pa ang magulo?

"Sayang naman kasi, willing na yung tao na risk yung buhay niya sayo. Wala na akong makukuhang empleyadong ganun, kahit ilang milyon pa ibayad ko,"

Tumayo na ito at lumapit sa kanya. May kinuha sa bulsa. "By the way, pinabalik na niya yan,"

Yung pendant. Pinatong ito ni Vicky sa counter.

So he did left.

"Seryosong usapan nga. Aminin mo, natatakot ka bang mapahamak siya ng dahil sayo?" tanong nito. Hindi niya napansing umupo na si Vicky sa kitchen counter. Sa tabi niya.

Mapahamak.

Matagal nang napahamak si Kiel ng dahil sa kanya diba?

Kung alam lang ni Vicky.

Huminga siya ng malalim. "Ayoko lang ng may inaalala pa. Not now, may mga problema pa ako. Sabay sabay naman kasi. Si Isabelle. Si Daddy," Napagat siya ng labi. "Ang High Council."

Naalala niya sina Rico and Mariana. Malamang iiuutos din ng High Council na ipapatay si Kiel pag nakarating dito ang relasyon nila. Kahit pagpapanggap lang ang lahat.

"So natatakot ka nga. Ayaw mo pang aminin."

Napasandal siya sa ref. Makulit din talaga si Vicky.

"Oo na nga, natatakot na ako. Hindi lang sa High Council, kay Alejandro din. Kung si Casimir, muntik na niyang mapatay si Kiel, paano pa kaya siya. And hawak pa niya si Isabelle. Ayoko nang may masaktan pa ng dahil sakin," napayuko nalang siya. "Hindi ko rin alam kung matatanggap niya ang mga nangyari noon sakin.."

"So we're back to your ex," nguso ni Vicky sa kanya. "Di ka makamove on?"

Napangiwi nalang siya. Palibasa kasi walang problemang ganto ang babaeng to kayang ang daling magsalita.

"He have Isabelle, Angie." Sabi ni Vicky.

Yun pang nagpapasakit ng ulo niya. Bakit ba kasi kailangang kunin ng demonyong yun ang kaibigan niya? Bakit hanggang ngayon tinatago parin nito si Isabelle? Wala tuloy siyang magawa. Di siya makakilos.

"Alam ko. I have to get her back. Baka saktan siya noon."

"Don't you think you're worrying too much about her? Di siya magagawang saktan ng ex mo."

Napalingon siya dito. May naramdaman siyang kakaiba sa sinabi ni Vicky. "And why wont he?"

Napatikom lang ito ng bibig. "Just a hint, Rave." Bumaba na ng kitchen counter saka tumalikod. Naglakad papalayo.

"Syempre di niya sasaktan ang kaibigan mo, kung gusto niyang bumalik ka sa kanya, di niya gagawin yun. And kasama naman si Pierre diba?" Paliwanag nito.

May kakaiba talaga. May tinatago ang babaeng to.

Bakit nga ba kasama si Pierre? Alam niyang matalik na magkaibigan ang kakambal niya at si Alejandro dati. Pero hanggang ngayon? After all that he did?

"Anong alam mo dito?" Sinundan nalang niya Vicky sa sala.

"Nothing dear." Kinuha na nito ang bag at mga folders na nakalapag sa table. Binitbit. "But what if, type niya pala yung friend mo? Anong gagawin mo?"

Kinabahan na talaga siya sa mga tanong ni Vicky.

Sh*t. Wag naman si Isabelle.

Umiling siya. "He won't do that."

Tao si Ish. Mababa ang tingin ni Alejandro sa mga ito. Mas inaalala niya na baka gawing pagkain ang kaibigan niya. 

"Well, malay mo. Anong gagawin mo pag nagkataon?"

"I rather see her dead,"

Natigilan si Vicky sa sinabi niya. Naramdaman niya ang biglaang pagkabalisa nito.

"Ayokong lang maranasan pa niya ang nangyari sakin. Hindi niya kakayanin. It was worst than death. You know very well what I went through."

Napalingon siya dito nang nagtanong ito uli.

"What if she fall in love with him?"

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon