64: Lunacy

11.9K 305 24
                                    

Hindi na nyang magawang matulog uli. Hindi na siya dinalaw pa nang antok. Gulong gulo ang utak niya ngayon.

Shet, Isabelle. Anong gagawin mo?

Mahal mo na ba talaga? Tama ba talaga si Sofia?

Hindi. Naaakit lang siya sa dugo ni Alejandro. Tulad nga ng sinabi sa kanya ni Pierre. Yun lang yun.

Pero kahit anong tangi niya, wala rin. Lalo lang nitong pinapatindi ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Hindi, hindi pwede." Ginagawa lang niya plano ni Pierre diba?

Nagpalakad lakad siya sa loob ng library. Umalis muna siya sa kwarto niya. Kailangan niya ng lugar na walang tao at tahimik. Natatakot siyang bumalik si Sofia o pumunta si Carina at maabutan siya sa ganitong ayos. Aligaga at di kinakabahan. Baka maghinala na sila.

'I'm coming to get you, Ish.

Wait for me'

Pierre.

Ito ang laman ng sulat. Dadating na si Pierre. Huminga nalang siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Anong gagawin ko ngayon?" mahina niyang bulong. "Ilalayo na ba ako ni Pierre dito?"

Makakasama na niya ang pamilya niya. Pero si Raven. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang lahat sa kaibigan.

"Alam mo bang nakakaistorbo ka ng nais magbasa ng matiwasay sa aklatang ito?"

Boses ng babae.

Napatingin siya sa likuran. Sa may hagdan. Hindi niya napansing may tao pala dito.

Babae nga. Mahaba ang alon along nitong buhok na itim na itim. Nakasuot ng puting damit long sleeves at hanggang sakong. Medyo kayumangi ang kulay ng balat. Kakaiba sa kutis ng mga nakikita niya sa bahay na to.

Ang ganda. Kung totoo ang kwento tungkol sa mga diwata, ang babaeng nasa harap niya ang perfect example.

Naalala din niya, ito din yung babaeng nakita niya noon dito noong manyakin siya ni Giovanni.

"Pasensya na po." sagot niya

Ngumiti ito sa kanya. Hindi masyadong mahaba ang pangil ng babae.

Bampira rin kaya ito?

"Hindi naman ako galit, Isabelle ang iyong pangalan hindi ba?"

Tumango nalang siya. Kapareho ng pattern ng salita ni Carina ang isang ito. Medyo lutang ang pagkakasabi sa kanya. Masyadong mahinahon. Parang nagsasalita ng 'Time space warp, ngayon din.'

Ano ba Isabelle, ang dami mo na ngang iniisip, naiisisingit mo pa ang mga kalokohan mo.

"Sino po sila?" Kailangan niyang gumalang. Simula ng binanggit ni Sofia ang totoong edad nila, alam na niyang karamihan sa mga nandidito ay mas nakakatanda sa kanya. Saka baka bigla nalang siyang mangisay dito, naalala pa niya yung ginawa nito doon sa lalaking manyak.

"Bulan ang pangalan ko." sagot nito. Bumaba ito ng hagdan at simulang lumapit sa kanya. "Kumusta, mukha ka yatang balisa?"

Kakaiba yung pangalan. Parang pang katutubo. San nga ba niya narinig yun? Sabagay, hindi nga ito mukhang foreigner.

"Ok lang po ako," sagot niya. Ngumiti siya ng tipid. "Pasensya na po sa istorbo, lalabas na po ako." Yumuko na siya at tumalikod.

Nakakahiya. Nagmomoment siya, may tao palang nakakakita.

"Sandali, hindi kita pinapalabas," pigil nito sa kanya. "Ikaw ang kasintahan ni Alejandro hindi ba?"

Kasintahan na naman. Pareho sila talaga ni Carina. "Hindi po."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon