7: Midnight Mayhem

23.8K 492 18
                                    

He called me a princess.

Matagal na ring walang tumatawag kay Raven nang title na yon. Hindi niya alam kung bakit kaya parang nakakakilig noong nanggaling yon sa hunter na ito.

At inangkas pa siya sa Ducati. A fucking Superbike 899 Panigale. Ducati.

Minus two turn off points na!

Big time ba masyado ang pagiging hunter ni Kiel kaya nakabili ng ganto ka-astig na bike?

Pero kahit gaano katulin ang motorsiklo, traffic padin. It's past midnight, pero traffic sa highway. Kanina pa sila sumisingit sa mga sasakyan para lang makausad. 

"Are you alright?" tanong nito ng sandali silang tumigil. "Katatapos lang ng ulan kaya trapik."

Tumango nalang siya.

Nilabas niya ang phone para tawagan uli si Isabelle. Wala parin.

Huminga nalang siya ng malalim. Kanina parin niya tinatawagan ang kaibigan pero di ito sumasagot. Nakailang text na din siya. Nakatulog na yata. Basta kailangan niyang maialis ang kaibigan sa lugar na iyon bago dumating ang mga huma-hunting sa kanya. Di na dapat ito madamay sa kalokohan niya.

Kasalanan ko ito, naisip-isip niya.

"May aksidente. We ha-"

That smell.

Faint but she can recognize that smell. Kilalang-kilala niya, di siya pwedeng magkamali.

"Kiel! Tigil!" Utos niya pagkatanggal ng helmet. Bumaba siya sa motorsiklo at lumakad sa may yellow tape na nakakordon sa gitna ng daan.

Total wreck ang kotseng nasa harapan niya. Walang mabubuhay. Basag ng windshield ng kotse at yuping yupi ang harap.

Naamoy niya parin kahit halos wala nang bakas ng dugo sa paligid. It was Isabelle's blood, and someone else's. Someone very familliar.

"Boss, ano nangyari dito?" Bumaba din pala si Kiel. Kinausap ang traffic enforcer na nakabantay sa lugar. 

"Nabangga sa ten wheeller." sagot nong mamang nagbabantay.

"Asan yun sakay?"

"Walang makapagsabi, wala dito pag dating namin. Baka sinugod na sa hospital. Kilala nyo ba?"

"Kiel," tawag niya. Lumingon ito bigla.

"We have to go," aya niya. "NOW."

"Sige boss, salamat," paalam nito sa traffic enforcer. "Kamukha lang siguro."

Tumango lang ang traffic enforcer saka bumalik sa trabaho.

"May problema ba, Raven?" Tanong agad ni Kiel pagbungad sa kanya. "Kilala mo ba yung naaksidente?"

Umiling siya. "It's nothing. Kailangan na nating umalis. Bilis."

Kailangan niyang makasiguro kung totoo ang hinala niya.

Tatlong minuto narating na nila ang apartment. Wala nang traffic paglampas ng lugar ng aksidente. Agad niyang napansin ang bukas na gate.

Iniwan niyang nakasara ito. Kapag umaalis naman si Isabelle, hindi nito iniiwang ganto ang ayos ng apartment nila.

Tumuloy-tuloy siya sa loob ng. Nakabukas din ang pinto.

Damn. No. No.

"Ish?"

Walang tao. Wala rin sa kwarto. Bukas ang ilaw. Naiwan and cellphone ni Isabelle sa lamesa. Nakastandby ang TV sa sala.

Sh*t.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon