"Lovers?"
And sakit sa dibdib, hindi siya makahinga.
Napansin siguro Carina ang reaksyon niya. Tumawa lang ito habang pinupulot ang mga piraso ng bubog sa lapag. Marahan itong itinapon sa malapit na basurahan.
"We were, past tense Isabelle. That was a long time ago." linaw nito. "Magkaibigan nalang kami ngayon. Kapatid na lamang ang turing sa akin ni Alejandro."
Bakit ang kaswal lang nito mag kwento? Parang wala lang. Walang liko liko.
Alam naman niyang wala siyang panama sa ganda nito. Tapos may past pa pala sila.
Sandali. Nag seselos ba siya? Bakit?
Binuksan ni Carina ang cabinet. Maraming laman iyon. Karamihan mga dress at mga gowns. Hindi naman siya gaano interesadong tingnan kaya di na siya lumapit.
"I have to prepare you. The whole familly will be there, Isabelle," lumingon ito sa kanya. "Huwag kang mag alala, wala na si Giovanni doon."
"Hindi yon.." Napatungo siya.
Ngumiti lang si Carina. Kumuha ng isang damit doon at nilapag sa kama. Umupo.
"Sit here, please."
Sumunod nalang siya at umupo sa tabi nito.
"Look," ipinakita ni Carina ang pulso sa kanya. Madaming puting guhit doon. "Old scars won't heal after we changed. Mine stayed this way, reminding me everyday of what I used to be,"
Napakunot siya ng noo. Ibig sabihin tao din si Carina dati.
"I used to work in a brothel. In France. That was after the war. And I used to cut myself, hoping that the pain would wake me up from that nightmare. Silly isn't it?"
Ano nga ba yung brothel?
Casa?
Bahay ng mga babaeng--
Napakagat nalang siya ng labi. Nakita niyang huminga ng malalim si Carina. Nangingilid na ang mga luha nito. Na gi-guilty tuloy siya. Pinaalala pa niya.
"Sorry." Ito nalang ang nasabi niya.
"Oh, don't be, I'm not. I did what I have to do," Pinilit nitong ngumiti ito. Itinuloy lamg ang kwento.
"My last client tried to kill me. He stabbed me thrice and threw me out of the window, naked. Alejandro found me there. Lying on the ground, freezing and close to death. He changed me Isabelle. He gave another chance to live."
Si Alejandro din pala ang gumawang bampira dito. Napatingin tuloy siya leeg ni Carina. Makinis. Walang kamarka marka. "He didn't marked you?" tanong niya.
Umiling ito. Tumayo na sa kama at kinuha ang damit.
"We did share a bed but I never had his heart. He was so obsessed with his wife back then."
"Pero ngayon?"
"He found you Isabelle. True bloods can only mark one person in their lifetime,"
Itinaas nito ang damit at iniabot sa kanya. "This will look good on you, try it."
Kinuha niya ang damit. Kulay dark blue na sleeveless dress iyon. Maiksi, hindi aabot ng tuhod niya. Kinuha niya ito at hinaplos. Mukhang mamahalin.
Nagbugtong hininga siya.
Kung isang beses lang pala pwedeng maglagay ng mark, bakit hindi ni Alejandro nilagyan si Carina? Bakit hindi din si Raven?
Bakit siya?
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...