16: Silver Bullet

18K 363 7
                                    

"Joe. Two-nine-eight."

Ito lang ang narinig ni Raven kay Kiel. Nakatitig ito ng matalim sa nakaposas na hunter.

"Heh, so you found another c*nt to f*ck. Bet she's tighter than that blonde bitch." Ngisi nito.

"Kiel!" Nahablot niya ang braso at napigilan ang pagsugod. "Ano ba!"

Napamura nalang ito at kinuyom ang palad.

Lumipat ang tingin ni Raven sa bihag na hunter. Malaki ang pangangatawan. Dayo. Malakas ang loob. Ni hindi niya ito nakikitaan ng kaba. Nakangisi lang itong nakatingin din sa kanila.

Doon niya rin napansin, iba ang amoy ng dugo nito. Mabilis din ang paggaling ng sugat nito sa leeg.

"Magkakilala pala kayo, Kiel," ani ni Vicky. Kalmado ito pero hindi maitatago sa kanya ang pagkainis nang makita ang kasama niya.

“Hi, Joe. My name is Victoria, and you’re hunting under my territory.”

"What the hell is this, Vicky?" tanong niya. “Bakit kailangan mo pang dalhin dito ang isang ito?”

"You’re a walking lie detector Raven, mas mabuti kung nandito ka," bumaling ito sa nakaposas na hunter. "Speak up, Joe."

Interogation pala ito. Dammit! Ano bang gulong nangyayari?

"Bitch! I aint--" di natapos ang sasabihin ni Joe ng lumapat na ang suntok ni Dom sa panga nito. Halos umikot ang ulo nito sa lakas.

Balewala. Tumatawa parin itong lumingon sa kanila. Tumutulo ang dugo sa bibig.

Ano bang isang to? Parang nasasaniban, naisip niya.Parang may mali talaga.

"Enough Dom,” saway ni Vicky. "Just a name Joe, just give me a name, whose Coven are you working for? Who sent you?" halatang naiinis na.

Coven?

"Anong kinalaman ng mga Covens dito?" tanong niya.

Bakit ako lang yata ang walang alam.

Di siya pinansin. Ang lahat, nakatuon ang atensyon kay Joe.

"I ain't gonna to tell you, bitch," tumawa lang ito binalewala ng sakit na natanggap. Ni hindi pumiglas sa pagkakaposas. "Just kill me! Suck me!" tumingin ito ng matalim kay Dom. Ngumisi. Ginalaw galaw pa nito ang balakang. "Yeeahhh suck me! "

Kitang-kita ni Raven ang pagpula ng mga mata ni Dom. Nakalabas na ang pangil. Handa ng patayin ang kanina pang tumatawang bihag.

"Dom! Lumabas ka muna!" mabilis na utos ni Vicky. "Bilis!"

Too late, humahakbang na ito papalapit.

"Dominic," pinigil niya ang braso nito. "Tigil na." Marahan niyang sabi.

Alam niya ang mga pinagdaanan ni Dom sa kamay ng hunters na gaya nang isang ito. He was a captured slave sa New Orleans noong eighteenth century pa. Napagtripan lang gawing bampira ng unang naging amo, tapos pinakawalan sa village. Dahil bago palang at di pa kontrolado ang sarili, naghasik ito ng lagim sa lugar na yon. Hanggang sa mahuli ito ng mga hunters doon. Pinahirapan. Inabuso. Pinaglaruan. Muntik ng mapatay pero iniligtas ito ng pamilya  nila. He was loyal to their family since then. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman nito ngayon.

"Dom." Ulit niya sa pangalan nito.

"Kill that bastard for me." Tumalikod na ito. Dinig niya bigat ng paghinga habang lumakad ito papalabas ng pinto at pabagsak na isinara.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon