Nagmadali si Alejandro na pumasok sa nakabukas na gate. He ran as fast as he could. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganto katinding takot.
Sana mali ang pakiramdam niya. Na mali ang hinala niya.
"Isabelle!"
He can smell it from here. Her blood.
Mabilis niyang binuksan ang pinto. Dinig niya ang pag-iyak nito sa buong bahay. Halos madurog ang puso niya nang makita ang mga mansta ng dugo sa sahig. May mga nagkalat basag na bubog at mga piraso ng damit. Sinundan niya ito ng tingin hanggang makita niya itong nakaupo sa isang sulok. Nakayuko.
"Isabelle!"
Agad niya itong nilapitan. Niyakap. Duguan ang katawan nito.
Puro pasa at sugat.
Damn.
Hawak nito ang isang itim na coat at pilit na tinatakpan ang kahubaran.
Pierre.
"Bitiwan mo ako! Binaboy mo ako! Demonyo ka!" paos na sigaw nito habang pinagsusuntok nito ang dibdib niya. "Lumayo ka sakin!"
Hindi niya ito binitawan. Lalo lang niyang hinigpitan ang akap dito.
"Isabelle! Isabelle! It's alright. It's me, I'm here..."
Unti-unti itong tumigil ito sa pagpalag. Lalong lumakas ang pag-iyak. Nanginginig na. Malamig ang balat nito. Alam niyang halos maubusan na ito ng dugo. Bakas pa sa leeg nito ang sugat mula sa matinding pagkakagat.
Kumapit ang mga nanghihinang braso nito sa kanya. "A-Alejandro..." halos bulong nalang ang narinig niya dito. "Sorry... sorry na..."
"Hush now, my love, I know. Nandito na ako, hindi ka niya sasaktan uli."
"A-Akala ko di ka na babalik... Sinabi niyang di ka na babalik," mahinang sambit nito.
"M-mahal na mahal kita. S-sorry na. W-wag mo na akong iiwan."
Those words were bittersweet. He longed for her to say that. Bakit ngayon pa?
"Yes, my love. I promise," mahigpit niya itong niyakap. Hinalikan sa noo. "Rest now, forget everything," bulong niya dito.
"Sleep."
Naramdaman niya ang pagkalma nito. Ang unti-unti nitong pagsandal sa dibdib niya. Lumalim na ang paghinga.
He gritted his teeth.
"He'll pay for this."
***
WALA PARING sumasagot. Napailing lang is Raven. Hindi talaga matawagan ang numerong binigay sa kanya ng kapatid niya.
Nakakainis.
Ilang minuto nang umalis si Alejandro. Nadinig pa niya ang pagharurot ng kotse nito. Talagang nagmamadali. May nangyari ba?
Ano bang sinasabi nitong plano ni Pierre? Kinakabahan siya, anong kalokohan na naman ang ginawa ng kakambal niya? Subukan lang nitong saktan si Ish, baka makalimutan niyang magkapatid sila.
Napatingin siya kay Kiel. May kausap din ito sa phone. Si Vicky. Tinawagan muna nito para ipaalam kung nasaan sila.
Dinig niya ang pinag-uusapan nito. Dadating na ang Daddy niya bukas. Kailangan na nilang makaalis ngayong gabi kung gusto nilang makatakas.
Isa pang problema. Nakakainis.
Sinubukan niya uling mag-dial. Hindi talaga ito sinasagot ni Pierre.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...