40: Fallacy

14.7K 326 17
                                    

Tumayo na si Isabelle sa kama. Pakiramdam niya, napakahabang oras na siyang nakatulog. Natangal na ang pagkakapusod ng buhok niya at kumawala na naman ito na parang malaking pugad sa ulo niya. 

Huminga nalang siya ng malalim. San ba galing yung amoy?

Ang bango ng paligid.

Red roses. Madaming long stemmed red roses. Nasa table. Nakapulunpon ng maayos sa vase.

Lumapit siya dito.

May isang puting rosas din na nakapatong sa lamesa at may nakatuping papel sa ilalim.

Kinuha niya iyon at binasa.

Be ready by 2, Love

Sigurado siyang hindi iyon hand writing ni Pierre.

Kay Alejandro ba galing ito?

Love? Bakit may Love?

2?

Hala, anong oras na ba?

Mukhang mataas na ang araw sa labas Naaningag niya liwanag sa bintana. May maliit na siwang doon kung saan may liwanag na sumisilip galing labas. Sinubukan niyang hawakan pero napaso na naman siya.

Wala na. Ganto na talaga sa siya.

Bampira na talaga.Napahawak na naman siya sa tyan niya.

Hindi lang gutom ang nararamdaman niya ngayon. Para talagang may kulang na sa kanya simula nang nalaman niyang di na siya magkakanak pa.

No. Isabelle. Kaya mo yan. Wag kang iiyak uli. Ok lang yan.

Shet. Alam niyang di sya ok, pero ano pa bang magagawa niya. Ganto na. Ni yung cure na sinasabi ni Pierre di naman maayos ang kalagayan niya.

Hindi na siya siguro makakapag-asawa pa. Magkakapamilya.

Umiling siya. “Ano ba tong naiisip ko,” tanong niya sa sarili.

Hindi niya alam kung anong oras na, baka maghintay pa yung mokong na yun.

San ba kasi sila pupunta? Pano na yung deal nila ni Pierre kung samama siya kay Alejandro?

Bahala na.

Kinuha niya ang natitirang damit sa dresser pagkatapos niyang mag shower. Nag iisa nalang ang laman noon. Black mini dress. May high heels na black na nakaready narin.

Mukhang talagang pinagplanuhan ni Alejandro ang pag alis nila. Kinuha na siguro nito ang ibang gamit doon.

Kinuha niya ang bulaklak na nasa lamesa matapos mag ayos. Fresh pa, mukhang kakapitas lang.

White rose. Napabuntong hininga siya,

Ano na nga ba ang gagawin niya pag tuluyan na ngang makalimutan ni Alejandro ang kaibigan niya? Hindi ba kailangang mainlove ito sa kanya?

Kailangan ba talaga?

Iiwan niya rin naman ito. May pamilya siyang babalikan.

Kaya ba talaga niyang gawin yon kay Alejandro? Parang sumikip yata ang dibdib niya.

Pinikit nalang niya ang mata at inamoy ang rose na hawak.

Nakarinig siya malambing na tugtog ng piano.

Fur Elise.

Si Pierre.

Mabilis siyang lumabas ng kwarto papunta sa music room. Nakita nga niya itong tumutugtog. Ngumiti ito paglapit niya.

"Hi." Tipid na bati niya dito.

"Hi lang?" ngumisi ito. Nag fade na ng kaunti pero nakikita parin niya ang mga itim na marka sa balat nito. "I almost died last night, tapos ‘hi’ lang?"

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon