5: Hero

25.5K 597 27
                                    

Lumakad siya ng mabagal. Alam niyang may sumusunod sa kanya kanina pa. Dinig niya ng mahinang yabag nito. Tatlong lalaki. Bente anyos pataas ang dalawa, ang isa, ang pinakamaliit, katorse o kinse. Lumakad siya sa makitid na eskinita. Madilim ang lugar pero malinaw parin niyang nakikita ang daan.

Isang hakbang.

Dalawa.

Tatlo.

Tumigil siya sa paglalakad. Tumigil din ang mga yabag. Nasa pagitan ang daan ng dalawang abandonadong warehouse. Walang makakarinig. Wala ring makakaalam.

"Swerte to pare! Babae."

Alam niyang lango sa alak at droga ang dalawa. Maliban dun sa maliit. Mukhang napilitan lang ito. Mukhang nag-aalangan pang sumama. Dinig na dinig niya ang kabog ng dibdib nito.

"Holdap to." Unti-unting lumapit sa kanyang likuran ang isa sa malaking lalaki. Tantsa niya, ito ang lider.

Sa kabila ng suot niyang malaking hood ng jacket, nakikita niya kung gaano kasama ang hitsura ng lalaki. Daig pa ang nasabugan ng bomba sa mukha, kulukubot na at maitim, sira-sira pa ang mga ngipin. Nakakadiri.

 "Ibigay mo sakin yang bag mo."

Naramdaman niya ang matulis na bagay sa tumusok ng bahagya sa tagiliran niya. Icepick. Classic. Mukhang wala naman silang mga baril. Mga pipitsuging holdaper lang pala, naisip niya.

"Pare mabango, bata pa, tikman muna natin."

"Kuya wag." Dinig niya ang sinabi ng pinakamaliit. Muntik na siyang matawa. Mukhang iba nga ang batang ito sa dalawa nitong kasama.

Nagbukas na ng zipper ang isa sa malaking lalaki. Ayaw talaga nagpaawat, naiisp niya. Ibang klase rin talaga ang libog ng mga ito.

"Wag na kuya." Saway uli ng bata. Alam niyang takot ito sa mga kasama pero nagproprotesta parin.

"Tangna ka! Kung ayaw mo wag kang sumali." Hinawakan ng lider ang braso at idinikit siya papaharap sa pader. Unti-unti na ring gumagapang ang kamay nito sa pantalon niya.

"Ako muna pare."

Oras na.

Pumihit siya paikot habang iniwasan ang matalas na dulo ng icepick. Hinawakan niya sa leeg ang lider. Itinulak niya ito ng malakas sa pinakamalapit na pader.

Kalahating segundo lang ang itinagal. Sayang. Napalakas ang tulak niya. Sumabog na ang bungo. Meron pa namang dalawa. Yung isa pang malaki muna.

Aktong tatakbo na ito palayo nang mahuli niya. Inipit niya ang leeg at sinandal sa sementadong dingding ng warehouse.

"Huwag! Huwag!" Ito nalang ang narining niya ng tumusok ang mga pangil niya sa leeg nito. Pumalag pa pero wala ring nagawa.

Limang segundo, tapos na ito.

Pinahid niya ang natirang dugo sa labi. Nahilo siya bigla. Epekto nang dugong nainom niya. High sa shabu ang lalaki. Dumaan sa sistema niya ang drogang yon.

"Shit."

"W-wag kang lalapit."

May isa pa pala. Yung pinakamaliit. Yung bata. Humarap siya dito at ibinaba ang hood. Matamis siyang ngumiti.

"Hello."

"W-wag kang lalapit." Ulit nito. Lalong kumabog ang dibdib. Rinig na rinig niya yon.

Payat. Gusgusin. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang determinasyon para mabuhay. Hawak nito ang balisong na nakatutok sa kanya.

"Can I ask a favor?" Tanong niya dito. Humakbang siya palapit, siya namang pag-atras nito.

"Anong peybor peybor. Aswang ka!”

Ouch. Pero totoo naman. Nakalimutan niyang ito pala ang karaniwang tawag sa mga katulad niya sa lugar na iyon.

Pero nakakainis parin, nakapaganda naman yata niya para masabihang aswang.

Pinulot niya ang bag na nabitawan niya kanina. Hinagis niya ito sa bata at nasalo naman agad kahit mabigat.

"There's half a million in that bag. Study. Make yourself worthy. I will let you live,"

Nakatunganga lang ang bata sa kanya. Alam niya kahit papaano, naiintindihan siya nito. "In one condition,” dugtong niya.

Tumango ang bata.

"You won't tell anyone what you saw here,"

Tumango uli ito.

"Go."

Tumakbo ang bata papalayo sa kanya. Mabilis. Hanggang hindi na niya marinig ang mga yabag nito.

 ****

SAGLIT NA TUMIGIL si Raven sa paglalakad. Huminto na rin ang mga yabag na kanina pa sumusunod sa kanya.

"Yan ba ang ginawa mo sa kalahating milyong binigay ko?"

Humarap siya dito. Alam niyang nag-iba na ang hitsura ng batang hinayaan niyang mabuhay noon, halos labindalawang taon nang nakakaraan. Pero pareho parin ng tunog ng tibok ng puso nito.

"Hello."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon