19: Run, Isabelle Run.

16.9K 352 14
                                    

Nagmamadali siyang bumalik sa kwarto ng naka bathrobe. Nakakahiya naman siyang abutan sa hallway na ganun ang hitsura niya. Ganoon nga pala ang mga lumang bahay, nakahiwalay ang paliguan sa main house. Buti nasa dulo lang ng hallway ang pinto nito. Pero sa sobrang excited niyang maligo, naiwan niya ang mga paper bag sa loob ng kwarto. Hindi tuloy siya nakapagbihis. Hindi niya ininda ang sugat sa paa. Parang din hindi na nya ito maramdaman. Wala na agad. Ganun lang?

Buti nalang kumpleto ang gamit sa banyo. Kumpara sa bahay, mukang bago ito. May tub din ito kaya nakapagbabad siya ng matagal. Feel free daw, edi ginamit na nya ang pwede nyang magamit na shampoo, sabon, lotion, at kung ano ano pa. Pambabae halos lahat ng nandoon, heto nga at hot pink pa ang tuwalya at ang robe. Feeling niya tuloy ang bango bango na niya.

Weird. Lalaki ba talaga ang may ari ng bahay.

No. Yung Pierre na yun? Hindi, lalaki yun. Sayang naman ang kagwapuhan pag nagkataon.

Saka baka may ibang banyo pa naman sa paligid. Mukhang madami pa siyang di nakikitang parte ng bahay.

Shet. Ano ba tong pinagiisip ko.

Kinuskus nya ng tuwalya ang basang buhok pag pasok. Ito ang nakakainis sa buhok niya. Napakahirap patuyuin sa sobrang kulot. Minsan na niya itong pinutol ng sobrang iksi ng highschool. Hindi bagay. Mukha daw siyang lalaking basketball player.

Si Raven lang naman ang gandang ganda sa buhok niya. Minsan napagdiskitahan nitong magpaperm para pareho daw sila, pero kinabukasan bumalik din sa pagkastraight ang buhok nito. Hindi yata tinatablan ng kahit anong hair product, bumabalik parin sa dati.

Kamusta na kaya ang babaeng yun?

Ano bang drama ni Raven sa buhay? Ngayon lang niya nalaman ang lahat. Wala naman itong kinuwento. Ni hindi nga nya alam ang tungkol sa lovelife nito. Sabagay, hindi naman siya mausisa talaga. Hindi parin siyang naniniwalang bampira din ito. Hindi halata.

Pero kahit na. Kahit naman ano pang klaseng nilalang ang kaibigan niya di naman nagbago ang tingin niya dito. Mabait naman ito. Di naman siya kinagat o ano paman sa loob ng apat na taon.
Kung may masama mang balak ito sa kanya edi sana matagal na nitong ginawa.

Hay ewan. Raven pag nakatakas ako dito sasabunin kita ng todo!
Isusumbong ko din ang kamanyakan ng asawa mo.

O ex. o ano pa man ang status nyo.

Oo nga no. Si Raven nga lang pala ang kilala niyang walang facebook.

Nagsimula niyang bulatlatin ang paper bag. Naghanap na siya ng maisusuot, medyo nilalamig na siya. May isang collared blouse dun. White. Masyadong formal, parang office attire ang dating. Same lang halos ng sinusuot niya sa banko. No.

Napanguso siya.

Anu bang peg ng Alejandro na yon?

Kinuha niya ang isa pa. Pink floral dress iyon. Chiffon ang tela, flowy. No. Isa pa, yellow naman. No parin. Little black dress na backless. No. May party bang pupuntahan?

Black denim jeans. Pwede na. Hanap nalang siya ng top. Ano ba naman kasi tong mga damit na to?

Nakakita siya ng short sleeves na black, boat neck at stretched ang tela. Pwede na rin.

Naalala niya wala papala siyang underwear. Nag halungkat uli siya. Nakita niya ang ilang set ng panty and bra. Lace. Sexy lingerie talaga. Napanganga nalang siya. Mahalay talaga ang pag-iisip ng mokong na iyon. Wala naman siyang choice. Kasya wala naman siyang suotin.

Ininusog niya muna ang mabigat na lamesa sa pinto. Baka naman biglang pumasok habang nag bibihis siya. Luminga linga siya sa paligid. Baka may camera. Ay shet. Dapat chineck nya muna kung may CCTV din sa banyo.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon