Nakatayo lang si Isabelle sa isang sulok at tinitingan ang mga maids na nag aayos ng malaking ballroom.
May salo-salo daw mamayang gabi. Yun ang pagkakasabi sa kanya ni Carina kagabi noong dinalhan siya ng dugo. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng salo-salo dito.
Di naman niya alam ang gagawin pagkatapos niyang maayos ang mga bulaklak na gagamitin dito. Hindi niya makita si Sofia kahit halughugin niya ang buong bahay.
Si Pierre din. Si Carina.
Kahit si Bulan. O si Luna, kung ano man doon ang totoong pangalan noon, hindi parin niya nakikita.
Di rin niya makita si Alejandro. Simula noong inihatid siya sa kwarto kahapon, di na niya ito nakita uli. Lovebirds nalang tuloy ang kausap niya.
Ewan. Pero nakakaramdam siya ng lungkot. Di niya nakita yung mokong ng magdamag. Nagbugtong hininga nalang tuloy siya.
Ano ba. Pinagtataguan ba siya mga tao dito?
"Mag-isa ka yata."
Napalingon siya sa may kaliwa. Lalaki yung nagsalita. Kamag-anak din ito ni Al, natatandaan niya ito dun sa malaking opisina. Ito yung nakaupo sa sofa.
"I'm Mario. Isabelle diba?" Nakalahad ang kamay nito.
Tumango nalang siya at kinamayan ito.
"Nice to meet you." Ngumiti ito sa kanya.
Mukha naman itong friendly sa tingin niya. May pagkakahawig si Mario kay Alejandro, kulang lang sa height. Mas matangkad pa nga siya dito. Clean cut ang buhok, nakapolo at naka jeans. Mas casual sa una niyang nakitang suot nito.
"Asan si Al? Hindi mo siya kasama." tanong nito.
"Hindi ko po alam. Di ko din mahanap."
Nahagip ng tingin niya ang dalawang babae na inuutusan ang isang maid doon. Alam niya kasama rin mga ito sa loob ng opisina noon.
"That's my Ines, yung naka black. And Catalina yung nakablue na shawl na redhead, you can call her Cat. Masyado daw pang lola yung buong pangalan niya," turo ni Mario sabay tawa. "Siya ang pinakabata dito, halos kaedad mo lang siya."
Lumingon ang mga babae kanya. Ngumiti si Catalina habang si Ines naman ay umiling lang at naglakad na papalayo. Kinausap nito ang isa pang maid na nag aayos ng kurtina.
Dinig niya ang pag hinga ng malalim ni Mario. "Di parin niya matanggap ang pagdala ni Al sayo dito ni Ines. Masyado pa kasing maaga. Ilang weeks ka palang vampire hindi ba? Don't worry. She'll warm up to you, mabait naman ang asawa ko."
Ah mag-asawa pala sila. Kaya pala mas kamukha nito si Cat.
"Um, kaano ano ka po ni Al?" tanong niya dito.
"Sort of a uncle, though mas matanda siya sakin. Conztanza is my sister-in-law by the way," ngumiti ito uli. "And please. Wag mo akong i-po. Thirty years lang ang tanda ko sayo."
"Ah ok." tumango nalang siya.
Kahit na, mas matanda parin. Mukha nga lang silang magkasing edad.
Lumapit yung isang mamang puti ang buhok. Yung isa sa kambal. Yumuko ito sa harap nila at may inabot na papel na nakatupi.
"Thanks, Castor. You may go." Ani Mario.
Yumuko nalang ito uli at naglakad papalayo.
Na-curious tuloy siya. Laging magkasama ang kambal, bakit mag-isa lang ito ngayon. "Para san yan?" Tanong niya.
"Hinahanap nila si Carmen." sagot ni Mario sa kanya.
"Sinong Carmen?"
"Giovanni's fledging, kasama namin siya nung dumating kami dito," sabi nito sa kanya kasabay ng pagbukas ng papel. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. "So she died as well. She killed herself."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...