"Imposible Vicky, alam mo kung anong klaseng nilalang si Alejandro," sagot ni Raven kay Vicky.
Romantic type si Isabelle. Naniniwala na dadating na prince charming para kanya. She will not fall for such evil-- sh*t bakit nga ba tinatanong ni Vicky to? "Bakit ba?"
"Oh, well wala lang naman. Curiuos ako kung anong magiging reaksyon mo,” sagot nito. ”I'm late na sa meeting ko with the board. Maloloka na naman ang secretary ko."
Tumalikod na si Vicky at dumiretso sa pinto. Kusa iyong bumukas bago pa man ito makarating.
"O eto na pinabili--" Halos mabitawan nang nagbukas ang dalawang malaking paper bag na bitbit ng makita siya. "Gising ka na pala, Raven." Sabi nito
"I thought you left, Kiel." Sagot naman niya. Hindi ba’t umalis na siya?
Nagpalipat-lipat lang ng tingin si Vicky sa kanilang dalawa pagtapos ay ngumiti.
"Oy wala akong sinabing ganoon ha, pinag-grocery ko lang siya," sabat Vicky habang naglalakad papunta sa pinto. "Ikaw assuming ka. Mukmok ka agad to the highest level. Bye, mag enjoy kayo ha." Sabi nito sa kanya pagsara ng pinto.
Nakatunganga lang si Kiel. Habang siya, di makagalaw sa kinauupuan.
Dalawang segundo din ang lumipas.
Tatlo.
Apat.
And she rolled her eyes. Nakakatawa na ang sitwasyon nila.
"Tatayo ka lang ba dyan? You need help? Mabigat ba yang dala mo?" Di na niya natiis. Tumayo na siya at lumapit. Mabilis na kinuha ang bitbit nito at dumiretso sa kusina.
Canned goods, cup noodles, snacks, ilang kilong bigas. Parang relief goods para sa evacuation center.
Nilapag niya ang ito sa counter at nag simulang ayusin ang mga pinamili.
Napatingin siya kay Kiel. Nakatayo lang ito sa tabi niya. Pinapanood lang siya kung paano kumilos.
"Akala ko tulog ka pa. Dalawang araw ka kasing nakakulong sa kwarto mo," sabi nito.
Dalawa? Ang haba pala ng nasayang na oras.
Naiilang na siya sa tingin nito. Ibinaling nalang niya ang atensyon sa pag-aayos.
"Hindi ba pinalis na kita?" Tanong niya.
Ngumiti ito. "Hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin. Wala rin akong balak magresign, sinabi ko na yon diba?"
"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong niya.
Mapilit talaga ang isang ito. Mukhang hindi nga niya basta mapapaalis. May nabubuong ideya niya sa utak niya, sana nga lang ay pumayag si Kiel.
Tinalikuran niya ito at pumunta sa sala. Dinig niya ang pabuntot nito sa kanya.
“Hey,” tawag ni Kiel sa kanya. "Ibinabalik ko na sayo ito."
Napalingon siya at nakitang hawak na nito ang pendant. Paano nito nakuha yon?
Naalala niya kagabi. Iniwan niya ang pendant sa bedside table niya.
"Pumasok ka ba sa kwarto ko?!" Lumapit na siya kay Kiel na ngayon ay nakangisi na. Sinubukang bawiin ang pendant pero agad ding nailayo ito sa kanya.
"Oo. Kagabi pa ako nandito." Pag-aamin nito.
"Akin na nga yan!"
"Ayoko." Ngumisi lang ito uli. Parang batang inilalayo sa kanya ang pendant tuwing susubukan niyang kunin.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...