Naramdaman ni Raven ang pagbuhat sa kanya ni Kiel. Ni hindi na niya halos maimulat ang mga mata. Nakakapit parin ng madiin ang kamay niya sa sugat, pinipigilan ang pagdudugo.
Pinipigilan din niya ang sarili niya.
"Hold on, just keep the pressure."
Unti-unti nang kumakalat ang lason. Pakiramdam niya, pinupunit na nito ang mga laman niya sa loob ng katawan. Naiisip niyang mas mabuti na ito. Kahit papaano, nagagawa ng matinding sakit na iyon na mapanatili ang katinuan niya.
"Malapit na tayo..."
Narininig niya ang tunog ng elevator. Ang pag-pasok nila pinto.
Papano nakahuha ng access to?
Maingat siyang binaba ni Kiel sa sofa.
"Stay right there, don't move."
Iniwan siya nitong nakahiga. Narinig niya ang pagbukas-bukas nito ng cabinet na parang may nihahanap.
Pinilit niyang umupo. D*mn. Ang sakit talaga. Bakit ba siya naging pabaya?
Malawak ang sakop ng Schwarze. Malamang kaya nitong mag-provide ng ganoong klaseng bala sa mga tauhan nila.
Hindi gaanong malalim ang tama niya sa tagiliran. Walang ring internal organs na natamaan. Pero silver parin yung bala. Kung ordinary lang naman ang tumama sa kanya, kanina pa nailabas ito ng katawan.
"Here," sabi nito sa kanya paglapit uli. Dala na nito ang medicine kit. Pinahiga uli siya ni Kiel sa couch.
"Just lay down. Tatanggalin ko na ang bala," tuloy pa nito kasabay ng pagpunit nang kanina pang duguang pantaas niya.
Pumikit nalang siya. Alam niyang kapag di pa natanggal ang bala, ano mang oras kakainin na ng lason ang buong katawan niya tulad dun sa hunter na nabihag ni Vicky.
Ilang saglit pa, naramdaman niya ang malamig na tubig na binuhos sa sugat. Ang unti-unting pagpasok ng tweezers para makuha ang bala. Kinagat niya ang mga labi para mapigilan ang pagsigaw.
Masakit. Sobrang sakit.
"It's out," narinig niyang sabi ni Kiel. Naramdaman niyang pagsasara nang sugat, nawawala na rin ang epekto ng lason.
Yumuko si Kiel at akmang bubuhatin siya. "Ililipat kita muna sa--"
Tinabig niya ang mga kamay nito. "Get away from me!" sigaw niya. Ngayon wala na ang bala, lalo lang lumala ang pagkauhaw niya. "Now!"
Natatakot siya kung anong magawa niya kay Kiel. Naririnig na niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Ang dugong dumamadaloy sa ugat. Parang tinatawag na nito ang lalamunan niya.
Delikado na ang sitwasyon nito. Ano mang oras, mawawala na siya sa sarili at masasaktan niya ito.
"Raven. Kailangan mo ng dugo," hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Namumutla ka na."
Tinanggal niya ang kamay nito at itinulak papalayo. "Wag ka nang lumapit. Please. Get away from me."
Hunter si Kiel. Alam nito ang nangyayari kapag nasa limit na nang pagkauhaw ang mga tulad nila. Nakita nito ang ginawa niya sa hunter na doon apartment pero bakit ayaw parin siyang sundin?
"Ang tigas ng ulo mo," hinubad na ni Kiel ang jacket nito. Pati na rin ang silver na kwintas na nakasabit sa leeg. "Here. Take mine."
Napaawang siya ng bibig. What?
Ngayon lang na may nag volunter na magbigay ng dugo sa kanya. Na nasa katawan pa.
"Lumayo ka na, please." Pakiusap niya. Hirap na hirap na siyang pigilan pa ang sarili.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...