96: End of a Dream

11.7K 270 46
                                    

'That arrangement was a mistake, Sweet Pea, I admit it. Pinaalalahan din ako ni Luna noon pero nagmamadali ako. Ganoon ang tingin ni Victoria. Masyado ka pa daw bata para maikasal. Pero hindi ko sila pinakinggan. Nang mga oras na yon, takot akong makuha ka ng mga Schwarze. Nagbanta na sila. At alam kong tutuparin nila yon...'

Napapikit nalang si Raven nang maalala niya ang mga sinabi ng Daddy niya. Nasa loob na siya ng helicopter ngayon. Hinihintay nalang niyang mag take-off at dalhin siya kung saan.

Suot na niya ang eleganteng black gown na inihanda nito para sa kanya. Pati na rin ang mga alahas. Nakapag-ayos narin siya ng buhok at nakapag make-up.

Huminga siya nga malalim habang tiningnan niya ang sariling repleksyon sa bintana. Somehow she missed this. Ngayon lang siya uli nag-ayos ng bagay sa estado niya.

She's Angelique du Soliel. A Trueblood. A Princess. An heir of the Soleil Coven. The daughter of the most powerful vampire.

Ilang dekada niya ring tinalikuran ang lahat ng ito.

'Kaya kang ipagtanggol ni Alejandro. Ang malaking pagkakamali ko, hindi mo pa kayang ipagtanggol ang sarili mo sa kanya..'

She was seventeen at that time, not even a fully awakened.

At tama ang ama niya. Wala nga siyang kakayahang ipagtanggol ang sarili niya. Wala siyang kalaban laban sa nagwawalang bampira.

That was then. Iba na siya ngayon.

'His mother told me about his outburst, his rage. Hindi ko pinansin yon. Tutol man si Luna pero wala din siyang magawa, High Council na rin ang nag-utos na ituloy ang kasal. Nawalan si Luna ng kapangyarihan matapos mamatay ang pinuno ng Valerius. But she made me promise one thing; na kahit anong mangyari, hindi ko maaaring saktan ang anak niya, at ganoon din siya sa inyo.

Kung wala ang sinumpaan ko noon, matagal ko nang ginawang abo si Alejandro dahil sa ginawa niya sayo...'

Kinagat nalang niya ang labi. Alam niya ang bigat ng pangako ng mga tulad nila. Kailangan iyong tuparin kahit anong mangyari.

Pinangunahan lang talaga siya ng galit. Nang takot. Kahit alam niya ang sobrang pag-alalala ng Daddy niya sa kanya.

He was never there for her because she never let him. Maling ibinunton niya ang galit dito.

'Matagal na kitang pinasusundan. Sa France. Sa U.S. And then ten years ago, you disappeared without a trace. Pinahanap kita kay Pierre pero bigo din siya. Nagpanic ako kaya naglabas ako ng reward sa kung sino mang makakapagbalik sayo sakin.

Kung hindi pa nakawala si Fritz at hinanap si Victoria, hindi ko malalaman na nasa Pilipinas ka na uli.

Gusto ko silang parusahan sa pagtatago sayo pero naiintindihan ko. Si Dominic na rin ang nagsabi na ginawa nila iyon dahil natakot sila sa para sa kaligtasan mo. Sila lang ang natakbuhan mo ng mga panahong iyon. I should be thankful instead...'

Kanina niya lang nalaman na si Fritz pala ang nagsumbong sa Daddy niya kung nasaan siya ngayon. Kapalit noon ang basbas nito sa relasyon nila ni Victoria.

Hindi niya magawang magalit. Malaki ang utang na loob niya kay Vicky. Ni hindi pa pala siya nakapagpasalamat dito. Mas mabuti sigurong hayaan nalang niyang maging masaya ito kasama ni Fritz. Sa mate nito.

Kinagat niya ang labi.

Si Isabelle.

Hahayaan na rin ba niya itong masaya kasama ni Alejandro?

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon