88: Vengeance

10K 258 25
                                    

Hindi na makahinga si Pierre. Sobrang sikip na ng dibdib niya. Yumuko nalang siya sa manibela habang tinitiis ang sakit.

“Isabelle…”

He deserved this. He deserve this kind of pain. Kulang pa nga itong kabayaran sa kasalanang ginawa niya kay Isabelle.

Hindi na siya nito mapapatawad pa. And it was his fault. Nagpadala siya sa galit niya. Nasaktan na niya ng sobra-sobra ang babaeng mahal niya.

Ilang sandali pa naramdaman na niya ang unt-unting pagkawala ang sakit.

Sa dibdib. Sa buong katawan. Unti-unti nang nasasanay ang katawan niya sa lasong umaagos sa dugo. Namanhid na rin yata ang buong pagkatao niya.

Ilang oras pa ay nakayanan na niyang sumandal uli sa upuan. Kailangan niyang bumalik.

Inistart na niya ang kotse. Mabuti nalang at liblib ang daang iyon. Walang magtataka at mag-uusisa kung anong bakit nakatigil lang ng ilang oras ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada.

Huminga siya ng malalim.

Malamang alam na ni Angelique kung anong parusang ibinigay sa kanya ng High Council. Nakita mismo nito ang pagkalat ng lason sa katawan niya.

Dumagdag pa siya sa problema nito. Baka sisihin na naman ng kapatid ang sarili. Kailangan niyang ipaliwanag ito nang mabuti.

Alam niyang sinisisi din ni Angelique ngayon ang sarili dahil sa pagkamatay ni Kiel. Nahihirapan na siyang makitang ganoon ang ayos nito. Malungkot. Wala nang ganang mabuhay.

Mas matindi pa ang sitwasyon ng ngayon. Nagawa nitong bumalik sa dati matapos ang ginawa ni Alejandro sa dito. Sa tingin niya ngayon, hindi na. Hindi naman niya kayang ibalik ang buhay ng taong yun.

Ipinark na niya ang kotse sa harap ng Manor. Pumasok nalang siya sa loob at naupos a isang sofa. Kailangan na niya munang magpahinga. Mamaya nalang niya susundan si Isabelle. Malamang ngayon ay naihatid na ito nila Dom kay Vicky. Pagtapos noon ay ilalayo na niya ito. Kung saan di na ito masusundan pa ni Alejandro.

Saan nga ba magandang pumunta?

Paris? Tokyo?

Hindi nga pala niya naitanong kay Isabelle noon ang mga pangarap nitong puntahan, o pasyalan. Sabagay, sandali lang naman sila lagi nakakapag-usap. Hindi siya makalapit, lagi lang siyang nag-aabang ng pagkakataong makasama ito. Lagi lang nakatanaw mula sa malayo at pinakikingan ang malambing na boses.

Hindi na ngayon. Makakasama na nang tuluyan ang babaeng mahal niya.

Gagawa siya nang paraan.

May narinig siyang sasakyang paparating. Ngumisi nalang siya.

Sabi na nga ba.

"Isabelle!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw nito sa buong bahay.

"Oh shut up, Alejandro. Bahay ko parin ito." Walang ganang niyang sagot.

"DAMN YOU!"

Naramdaman niya ang mga kamay nitong kinukwelyohan siya. Naiingat na siya nito sa kinauupuan.

"WHERE IS SHE?!"

"Too late, Al."

Always too late.

Malakas ang pagsuntok nito sa panga niya. Lumipad siya kung saan. Hindi niya alam kung saan siya bumagsak. Basta nakadinig siya ng mga pagbasag at pagtusok sa kanya ng ilang basag na bubog.

Hindi niya maramdaman ang sakit mula sa mga iyon.

This is nothing.

Tumayo lang siya. Wala siyang pakialam kahit hindi na gumaling ang mga sugat na natamo niya. Nalalasahan na rin niya ang dugo sa bibig. Nadislocate yata ng kaunti ng panga niya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon