"Seryoso ka?!" Di na napigilan ni Isabelle ang pagtaas ng boses niya.
Hindi niya alam kung anong naisip ni Alejandro at gusto siyang ipakilala sa pamilya nito. Hindi niya alam ang gagawin niya.
Baka iharap siya dun sa nanay, naisip niya. Lalo siyang kinabahan.
Sandaling tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking kahoy na pinto. Nadedesenyuhan iyon ng mga metal na vines at mga rosas.
Napalunok siya. This is it pansit!
"I'm dead serious," sabi ni Alejandro sa kanya. "I want them to meet you."
"Bakit mo ba ako kailangang ipakilala pa? Papakasalan mo na ba ako?"
Napatakip nalang siya ng bibig. Alam niyang kulay hinog na kamatis na naman ang pisngi niya.
Assuming naman siya masyado. Kasal agad? Shet. Ano bang pinagsasabi ko?
"We can arrange that if you want,"
Shet. Anong ibig sabihin nun--- paano--saan--kelan-- bakit? Shet talaga.
Hindi na makaproseso nang maayos ang utak niya. Naubos na ang kakaunting dugo niya sa katawan at napunta na lahat sa mukha niya dahil sa sinabi nito.
"But for now my love, kailangan kitang ipakilala. They will accept you, you don't have to worry."
Lalo lang siyang kinabahan. Hindi naman siya magtatagal na ganito. Babalik din siya sa pamilya niya. Sa totoong mundo niya.
Bumukas na ang malaking pintong kahoy bago matapos ang pag-iisip niya. Pumasok na doon ang sasakyan.
Bumaba si Alejandro. Maya-maya pa binuksan na nito ang sa pinto sa tabi niya. "Come." Utos nito.
Sumunod nalang siya kahit na sobrang kumakabog ang dibdib niya. Hinawakan niya ang rose nang mahigpit nang hinila na nito ang kamay papalabas.
"Anong lugar ba to?" Tanong niy kay Alejandro
Iginala niya ang mata sa paligid. Maraming kotseng nakagarahe sa loob noon. Vintage na ang iba, pero mas marami paring mga bagong sasakyan.
Ngumiti ito sa kanya. "You'll see."
Ngumiti talaga? Namamalik mata ba ako?
Pangatlong beses palang nyang nakita ang pag ngiti nito. Slight lang yung pangalawa. Yung una-- shet--ayaw na niyang maalala yung una.
Wala na siyang nagawa at sinundan nalang si Alejandro. Nahipnotismo na naman yata siya ng ngiti ng mokong.
Oo na, inaamin na niyang makalaglag panty na talaga ang kagwapuhan nito lalo na kapag ngumiti. Kaya lalo siyang kinabahan. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya dito. At kung anong binabalak nito sa kanya.
Na-realize nalang niya na nasa loob na pala sila. Nakatingala na siya sa magarbong crystal chandelier sa mataas na kisame.
Nakakalula. Napakalawak nang lugar. Parang isang malaking ballroom ng isang mamahaling hotel.
May malaki at engrandeng spiral staircase na nasa harap nila. Nasisinagan iyon nang liwanag galing sa bilog na bintana sa taas nito.
Nadinig niya ang mangilan-ngilang taong nakatayo at nagkwekwentuhan malapit sa hagdan. Tatlong babae saka dalawang lalaki. Tumigil ang mga ito ng makita silang pumasok. Pero agad ding bumalik ang mga ito sa pagkwekwentuhan matapos siyang tingan mula ulo hanggang paa.
Maliban sa isa. Hindi umalis ang tingin sa kanya nung isang malaking lalaki na blonde ang buhok. Nakahalukipkip lang ito at nakasandal sa isang poste ng hagdan. Napakapit tuloy siya nang mahigpit sa braso ni Alejandro.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...