68: Two for Tragedy

11.3K 254 7
                                    

Npabuntong hinging nalang si Raven.

"Bakit siya andito?!" This time, si Vicky na ang nagtataas ng boses. Kulay pula na ang mga mata nito. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong katingkad na kulay. Kasing tingkad ng kulay ng mata ng Daddy niya.

Di siya makapagsalita dahil alam niyang galit na galit na ito.

"Did i miss something?" sabat ni Fritz. May dala itong isang bungkos na roses at isang kahon na sa tingin niya ay chocolate.

"No, get out of my property, you bastard!" sigaw nito kay Fritz. Nanginginig na ang boses nito.

"No Fritz, you can stay." sabi naman niya.

"You women." umling-iling lang ito. Ibinababa nito ang dala sa may coffee table. "Fine I'll stay. The princess said so."

"Why are you following her! I'm you mate!" Vicky hissed. "GET OUT!"

Dinig niyang bilis nga tibok ng puso nito. Nakikita naman niya ang tuwa sa mukha ni Fritz sa narinig dito. Inaamin parin ni nitong mate si Fritz sa kabila ng lahat.

"She invited me, Gummibärchen. Well…"

Ancient rule of invitation. Naalala niya, once na naimbitahan sa isang bahay or teritoryo, malaya na silang gawin kung anong mag gusto nila sa lugar na iyon. Kahit ang High Council kinikilala parin ang batas, matindi ang parusa sa mga hindi sumusunod doon.

"Gummybear?" Gummibärchen?  Napatanong niya. Ano yun? terms of endearment nila? Gusto na niyang mapangiti ngayon pero pinigilan niya.

"D*mmit," sabi ni Vicky saka tumalikod. "I can't believe you betrayed me Angie."

Napalingon siya kay Fritz. Naglipat-lipat lang ito ng tingin sa kanilang dalawa. Nagtataka kung anong nangyayari. Di pala niya nasabi na ayaw itong makita ni Vicky. "Victoria, I--"

"Pwede ba lumayas ka dito! Get out! Both of you!"

Imbis na umalis ay lumapit lang si Fritz. Hinawakan nito ang balikat at pinaharap. "We need to talk."

Itinulak nito ang lalaki. "You dare come back to me." Nahablot nito ang isang lamp shade at binato ito sa direksyon ni Fritz. Agad din namang nakaiwas.

"Kuschelbär. Wollen Sie mir ein paar Minuten zuhören?" Tanong ni Fritz.

Will you listen to me for a few minutes? Hindi siya gaanong bihasa sa German na lengwahe pero medyo naintindihan niya yon.

"W-hy would I listen to your lies!" Tumulo na nang tuluyan ang luha ni Vicky. "Dammit. Your Coven killed my family!"

Kailangan ba nyang talagang panoorin to? Unti-unti na siyang napapaatras sa kinatatayuan. Naririnig na niyang nag cra-crack ang mga babasaging bagay dito sa loob ng penthouse. Maski mga bintana.

Psych?

Vicky's getting out of control, ramdam niya. Ganto rin siguro ang nangyari sa opisina nito. She’s a former Sang-Real, alam niya kung gaano kalalakas ang mga yon.

Hinagip ng mga mata niya ang lalagyan ng tranquilizer. Sh*t, masyado pala siyang malayo.

"Victoria." Lumapit uli si Fritz at pilit itong niyakap. Pinipilit ding kumawala ni Vicky pero wala talaga itong balak pakawalan.

I've seen this part. Naalala niya ang ginawa niya kay Kiel.

Oo. Ginagawa din niya ito para sa taong yun.

Dinig niya ang pagiyak ni Vicky habang yakap ito ni Fritz. Di na ito pumipiglas. Nakasubsob nalang ang mukha nito sa dibdid ng lalaki.

"I hate you, you liar," dinig niyang sabi ni Vicky. "You said you'll come back fo me."

Lumingon si Fritz sa kanya. "A few minutes princess. You've done your part. Thank you." Malumanay nitong sabi.

Kinagat nalang niya ang labi.

"Hurt her and I'll kill you," banta niya dito bago lumakad papalayo. "Nasa labas lang ako."

Malaki nga ang kasalanan ng babaeng yun dahil sa pagtatago ng kalagayan ni Ish at ang estado ng kapatid niya. Hindi ibig sabihin noon ipagkakanulo na niya ito. Ginawa lang niya ang gustong mangyari ni Fritz dahil sa banta nito. Hindi niya nga lang iniiexpect na iiyak si Vicky ng ganito.

Vicky still loves him after all. Ramdam niya iyon nang yumakap na si Fritz dito. Kahit anong deny nito at tago, hindi parin napipigilan.

D*mn Love.

"Baby Rave! How's Vicky?" salubong ni Dom sa kanya paglabas ng pinto.

Tumambay pala tong dalawang ito sa waiting area labas.

Nakita niya si Kiel na naghagis ng sigarilyo sa sahig at pinatay. Agad itong lumapit sa kanya at hinapit siya papalapit. Napasubsob siya dibdib nito.

"Raven! Anong ginawa mo! Shit!" Ang higpit ng yakap. Di siya makahinga. "Pano kung saktan ka nong gagong yun?"

Alam niyang alalang-alala ito. Nasabihan niya si Dom tungkol sa plano niya. Sinabi niyang hayaan lang nitong pumasok. Sumunod naman ito. Alam din nito kung gaano kalakas si Fritz. Hindi naman niya kasi inasahang susunod si Kiel dito.

Dinig niyang tumikhim si Dom. Agad naman siyang pinakawalan ni Kiel.

"Sigurado ka ba dito," tanong ni Dom.

Tumingin lang siya kay Kiel. Buti naman at hindi ito sinaktan tulad ng usapan nila. Kinabahan diya na baka totohanin ni Fritz ang banta nito.

"Oo."

Nadidinig pa niya ang pag-uusap ng dalawa. Sumisigaw si Vicky. Nagpapaliwanag si Fritz.

Nakakarinig din siya ng pagbasag ng mga gamit at kung ano ano pa. Dama pa niya ang ilang saglit na pagyugyog ng floor na iyon.

Mukhang away na naman.

Alam na niya kung gaano kalakas yung dalawa. Mahirap na pumagitna. Buti at lumabas muna siya.

"Ano ba talagang nangyayari?"

"Shut up, Kiel. Mamaya na." Saway niya

Mukhang nakikinig si Dom. Nakatingin ito sa pinto.

Maya-maya pa tumahimik. Nawala ang mga sigawan at mga basagan ng bagay-bagay. Napalitan ng kung anong kaluskos. Mga ilang minuto din.

'Fritz..no.. no..' Boses ni Vicky. Medyo paos.

Sh*t. Nagpapanic na ang utak niya. Dumiretso siya sa tapat ng pinto. Anong ginagawa nito kay-- natigilan siya. Hindi na niya nagawang buksan pa.

'..not now. They'll hear us. Ah..ah..'

Nakarinig din siya ng kung anong ungol.

Was that springs? creaking springs?

Oh. D*mmit. D*mmit!

"Dominic no!" Pigil niya sa braso ni Dom. Mukhang alak na nitong sirain ang pinto at sugurin ang dalawa sa loob. Alam niyang nadinig nito ang lahat.

"Si Vicky! Si Vicky!" Piglas nito.

"Kiel baba na tayo!"

Humawak na din si Kiel sa nagwawalang si Dom kahit kita sa mukha nito ang pagkalito. Pinindot nito ang elevator pababa. Pinagtulungan nilang ipasok si Dom sa loob.

"D*mn, that was awkward."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon