Buhat-buhat parin si Isabelle hanggang makarating sila sa kwarto. Ibinaba rin siya ni Alejandro ng marahan sa kama pagpasok.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito. Hawak-hawak nito ang balikat niya. Bumaba ang kamay nito sa braso at kamay niya. Tinitingnan ang bawat galos na nakuha sa pagtakas.
Halos magaling na karamihan. Hindi na nga niya maramdaman ang sakit.
"Sinaktan ka ba nya?"
Ah hinde muntik lang akong ma-rape nung isa pang mokong na yun. Gusto sana niyang sabihin pero tumango nalang siya.
"Bakit mo ba ginawa yon?" tanong nito uli.
Ay? Meron bang nakidnap ang di nag-aasam na tumakas?
"Ano pa bang kailangan mo sakin. Hindi ko naman kilala yung asawa mo ah," sabi niya dito. Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang makita ang pagkatopless nito.
Ang hirap hindi tumingin. Ang macho. Ang ganda na abs, eight packs ba ito? Ang laki ng chest. Yung biceps ang sarap panlambitingan.
Yan nanaman, natatakam na naman siya. Parang gusto niyang hubadin ang tshirt nito at ibalik para lang matakpan ang katawan nito. Eh kaso naman siya naman ang nakahubo kung nagkataon.
Pakiramdam niya nakakasala siya sa nakikita.
Napalunok siya. "Gusto ko nang umuwi."
"You can't," napasuklay nalang si Alejandro ng buhok. Nababadtrip na ito sa tingin niya. "Alam mo naman kung ano ka na ngayon. You're not even--"
"Ayokong maging tulad niyo." Pinutol na niya ang sasabihin nito.
Oo, mahilig siyang manood ng vampire movies. Lalo na kapag naiimagine niya na totoo yung mga gwapong bida doon. Yung tipong magpapakagat na siya ng kusa.
Kaso iba tong sitwasyon ngayon. Kahit pa sabihing mas gwapo ang mokong na ito kaysa napapanood niya. Totoo na ito. Hindi na fiction. Hindi na rin special effects o contact lens ang mga pulang mata nitong nakatitig sa kanya
Nakakatakot.
"Damn it Isabelle," niyugyog ni Alejandro ng marahan ang balikat niya. "It's too late. Wag mo nang uulitin ang ginawa mo. Delikado ka sa labas."
"Dapat hinayaan mo nalang akong mamatay noon eh. Dapat di mo nalang ako binuha--"
Grtttttt
Shet. Bakit naramdaman na naman niya ang gutom nya kung kelan nagdradrama siya.
"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya.
Narinig kaya na naman nito ang ungol ng tyan niya?
Mukha nga.
Nakatulala ito sa kanya na parang nagtatanong.
"No," Narinig niya ang pagbugtong hininga nito. Itunulak siya sa kama at tuluyan siyang napahiga.
Oh no! Anong gagawin sakin ng gwapong mokong na to?
Virgin pa ako!
"You really need this."
Lumaki ang mga mata niya ng makita niya kung papaano nito kagatin ang sariling braso, tumulo ang ilang patak ng dugo nito sa kamay. Napalunok siya.
Ang bango. Lalong tumindi ang gutom niya. Ang uhaw.
Mabilis na nahagip ni Alejandro ang dalawang kamay niya at mahigpit na hiniwakan sa may taas ng ulo.
Di na siya nakapag-react pa nang siilin nito ang labi niya ng halik. Maiinit. Malalim.
Naramdaman niya ang pagsalin ng maiinit na likido sa bibig niya. Wala na siyang nagawa kundi lunukin ito.
Nakakabaliw. Parang lumulutang ang pakiramdam niya.
Ganto pala ang pakiramdam ng nahahalikan?
"Isabelle." Narinig niyang bulong nito ng mahiwalay ang labi niya. Nakalimutan niyang magwala, magpumiglas. Parang na hypnotize na siya sa titig nito. Sa mga mata nito.
Nawala na panunuyo ang lalamunan niya pero napalitan ito ng ibang klaseng uhaw. Hindi niya maipaliwanag.
Muling lumapat ang labi Alejandro sa kanya. Lalong lumalim ang halik. Nabitawan na nito ang mga kamay at dumulas ang mga kamay nito sa likod niya. Napapikit nalang siya ng maramdaman niya ang pagdikit ng mainit na katawan nito. Unti unti na rin nitong naitataas ang tshirt na suot niya.
"Alejandro," sambit niya ng bitiwan nito ang labi at tumulay ang mga halik nito sa kanyang leeg. Nadadala na siya sa pinaggagawa nito sa kanya. Halos hangin nalang ang lumabas sa bibig niya. "Please,"
Mali. Hindi tama. Ni hindi nya ito masyadong kilala.
Kidnapper to. Masamang tao. Vampire pa.
Saka isa pa...
May asawa na to diba? Malaking kasalanan ito.
"Wag."
Naramdaman niya ang pagtigil nito sa ginagawa, dahan-dahan itong tumayo sa kama.
Nang nagmulat siya ng mata, nasa pinto na ito. Napaupo nalang siya at ibinalik sa dating ayos ang suot.
Shet. Nakakahiya.
"Stay." Utos nito bago lumabas at pagbasak na isara ang pinto.
Nadinig pa niya ang malakas na kalabog sa labas na parang sinuntok na kahoy.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...