Shet Isabelle, mamamatay tao…ay di pala siya tao. Mamamatay bampira ka!
Mabilis siyang tumakbo papalabas. Nahirapan siyang mahanap ang main door dahil sa daming pasikot-sikot ng bahay. Napakalaki nga at ang daming kwarto. Ang dami ding pinto.
Nakakahilo. Asan naba?
Lumiko siya sa pinakadulong corridor at bumaba sa hagdan. Nakita niya ang malawak na sala at main door.
Nakita ko na!
Kinuha niya sa paper bag ang hoodie at ang rubber shoes na naroon. Mabilis niya itong isinuot. Sakto. Parang isinukat lang sa kanya.
Ayos palang gumawa ng escape plan si Pierre, naisip siya. Parang sa action movie lang. Di niya akalain na yung mokong na muntik ng gumahasa sa kanya ng tutulong para makatakas siya. Ewan, mabait naman siguro talaga yun, mabait naman si Raven, kambal ng sila diba?
Pero...
Si Alejandro. Paano na?
Inuusig na ba siya ng konsensya niya. Napalingon siya pabalik sa bahay. Parang gusto niyang bumalik at tingan kung buhay pa ito.
No. Isabelle. Kailangan mong makatakas.
May napansin siyang maliit na bagay na nahulog sa sahig. Galing sa bulsa ng hoodie niya.
Susi? Ng kotse?
Bahala na. Kaya ko to.
Binuksan na niya ng malaking pinto. Makulimlim na langit ang bumungad sa kanya. Mukhang uulan.
Walang gate ang bahay pero napapalibutan ito ng matataas na puno at malalagong talahib. Luminga-linga muna siya sa paligid at isinuot ang hood ng hoodie sa ulo. Natanaw niya ng isang pulang kotse na nakatago sa damuhan.
Tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Nararamdaman parin niya ang araw. Mainit. Masakit parin sa balat pero hindi naman siya nasusunog dahil maulap.
Binuksan niya ng kotse. Lumang modelo na ito pero mukhang umaanadar pa.
Inistart niya. Umandar nga. May gas. Full tank. Napatili nalang siya sa tuwa.
Shet! Buti nalang marunong siyang magdrive.
Sinundan niya ang daan na walang mataas na talahib. Mukhang nadaanan na ito ng sasakyan na ng mga nakaraang araw. Malubak iyon kaya dahan-dahan pa ang patakbo niya kahit sinasabi ng utak niya na magmadali na siya.
Mga tatlumpung minuto pa bago nakatikim ang gulong ng sasakyan ng patag na lupa.
Dinirediretso niya ng mabilis ang daan. Maya-maya pa nasa highway na siya.
Pamilyar ang lugar. Kabisado na niya ang daan galing dito. Didiretsohin nalang niya nasa probinsya na siya. Sa pamilya niya.
Malamang nag-aalala na ang mga iyon. Hindi na niya ito natawagan nung gabing nakidnap siya.
Ask for help.
Eto yung last instruction ni Pierre.
Bahala na. Uuwi muna siya, namimiss na niya din ang pamilya niya, ang mga kapatid niya, ang nanay niya. Matagal na rin niya itong di nabibisita. Saka pwede naman siyang makahingi ng tulog dun.
Pero, shet. Pano naman niya mapapaliwanag ang lahat? Baka di siya paniwalaan. Pagkamalan pang baliw. Siya nga, di parin naniniwala sa nangyari sa sarili niya.
Itinuloy nalang niya ang pagdridrive.
Bahala na si Batman.
Ilang oras pa narating na niya ang barangay nila. Ang tahimik ng paligid. Pinark niya muna ang kotse sa tabi ng kalsada, mga ilang metro lang sa tabi ng bahay nila at nagmasid.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...