26: She Falls Further

15.7K 305 4
                                    

Napakagat nalang ng labi si Raven sa sitwasyon nila.

Awkward, nakapatong ang Hunter sa ibabaw niya. Kahit sing makakakita, mabibigyan ito ng malisya.

"You could use a room though,"

Nakatayo si Vicky sa may gilid ng pasara palang na pinto. Nakamasid lang. Nakalabcoat pa at nakapusod ang kulay na mais na buhok. Mukhang dinisect nga muna yung bangkay ng hunter kanina. Naamoy pa niya ng bahagya ang dugo nito dito.

”Yung master's bedroom pa kung gusto nyo." Kaswal na alok nito. Parang wala lang dito ang nadatnang eksena.

Agad na tumayo si Kiel. Inabot ang kamay niya at tinulungan siyang bumangon. Nakangiti na ito ng matapunan niya ng tingin.

Mukhang di na badtrip, mabuti naman. Medyo nakakaasiwa lang ang sitwasyon nila dahil sa nangyari kanina.

"Ummm, what happened to that hunter?" Ito lang ang naiisip niyang tanong para mabaling ang atensyon ni Vicky sa kanila. Mang-aasar nanaman to sigurado.

Bakit ba naman kasi biglang sumusulpot?

"Dinispatsa ko na," mabilis nitong sagot nito. Lumakad si Vicky papuntang sofa at naupo. Nagcrosslegs ito at hi-nead to foot ang bodyguard niya. "Kiel, you should sit down. You look really stiff,"

And the way Vicky said the 'stiff' part, pumula ang buong mukha ni Kiel. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o ano. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking nagblu-blush. Bagay naman sa tingin niya. Lalo lang siyang na-attract dito.

Sh*t. Am I really attracted?

"No, I think I need to go." Paalam ni Kiel.

"Oh no, I insist," utos ni Vicky. "Sit down Hunter. Madami akong itatanong sayo."

Vicky, ano nanaman to? Gusto sana niyang itanong. Nahawaan na siguro nang pagkabipolar ni Dom sa tingin niya.

Kahapon lang ayaw nito kay Kiel. Tapos natuwa naman nung nakita ang baril nito. Tapos ngayon, iba na naman ang trip. Ang weird talaga ni Vicky, naisip niya.

Nakita niyang ngumiti si Kiel. Kalmado lang itong umupo sa katapat na sofa.

"Sure."

Nilapag ni Vicky ang isang maliit na glass bottle sa table na may lamang bala. Yung silver bullet na ginamit ni Kiel kanina. Nagflashback sa utak niya kung pano namilipit sa sakit si Joe bago ito mamatay. Lalo na yung mga itim na likidong lumalabas sa—Shit!

Naramdaman niya ang pag-akyat ng Margaritang ininom niya sa lalamunan. Napahawak siya sa bibig para mapigilan ang pagsuka.

"That silver bullet cost around two thousand to three on the black market," usisa ni Vicky. "And your gun, a customized beretta. Sigurado ka bang Hunter lang ang trabaho mo? Bakit ang dami mo yatang pera?"

Humalukipkip lang si Kiel at sumandal.

Always shoot what you aim. Kaya pala, ang mahal pala ng isang bala. Ayaw nitong maaksaya.

"As far as I know, wala naman kayong nakukuhang financial gain sa pagpatay mga tulad namin. Just pure revenge and your own retributive justice. Unless you work under a Coven tulad nung kanina."

"You're assuming too much Miss Victoria," sumagot na si Kiel. "Alam kong na check mo na ang background ko. Bakit pa kailangan nito?" pormal na sagot nito.

Nakakunot na ng noo niya. Parang may masamang hangin na nagsasabi sa kanya na dapat wala siya doon. Na hindi siya kabilang sa usapan.

Well, hindi naman talaga. Hindi na nga siya pinapanin ng dalawa.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon