Di siya makapaniwala.
Paano nangyari na yung babaeng yun ang nanay ni Al?
Bulan, goddess of the moon sa Tagalog mythology, naalala pa niya ang history subject niya noon.
Oo nga naman.
Luna.
Malayo sa iniisip niyang donyang mataba na may hawak na wine glass habang pinapaypayan ng mga alalay niya.
Shet, paano ko naisip yun.
Saka bakit di ito nagpakilala? Pa-mysterious effect pa.
"Isabelle, lubhang mapanganib kung lalapit ka sa kanya. Kinatatakutan siya ng lahat dito." Sinabi sa kanya ni Carina ng bumalik na sila sa pag lalakad.
Kinatatakutan? "Bakit?"
"Siya ang pumatay sa dating namumuno ng Valerius, ang ama ni Alejandro,"
Pero bakit iba naman ang ikinuwento ni Bulan sa kanya? Hindi kaya pinagtakpan lang nito si Al?
"Hindi ko mawari kung anong nais niyang mangyari nang ipagkasundo pa niya si Alejandro sa anak ng karibal niya. Nais din yata niyang maghiganti doon."
Wait, si Raven? Anak nung babaeng tinutukoy niya. Yung pinangakuan ng ama ni Alejandro?
Grabe, ang gulo ng istorya nila. Daig pa talaga ang teleserye plot.
"May nais ba siyang ipagawa sayo?" tanong pa nito.
"Meron pero--"
"If she wants you to do something, do it, Isabelle. Your life depends on it."
Nakakatakot naman ang banta ni Carina.
Nalala din niya ang nangyari kay Giovanni noon. Yung nagpagulong-gulong ito hanggang balian ng buto. Si Bulan ba ang may gawa noon?
Shet nakakatakot nga.
Lumingon siya sa pinanggalingan nilang hallway. Malayo na ang library, gusto sana niyang bumalik para kausapin pa ito. May gusto siyang itanong.
Bakit nito gusto nitong ipapatay si Raven?
"Isabelle, halika na. Naghihintay na siya sa iyo." Nasa may hagdan na si Carina ng tawagin siya nito.
Tumango nalang siya. Sinabayan na niya ito ng bumaba sa hagdan.
Sino ba kasi yung--
"Hello, Ish!"
Nasa baba si Pierre. Inaabangan siya. Naka-suit parin, tayo tayo parin ang buhok nito. Walang pinagbago kahit ilang linggo sila di nag kita.
Napatigil siya sa paghakbang sa gitna ng hagdan.
Hindi naman niya inaasahan na ngayon agad ito dadating. Ang bilis naman. Akala niya mamaya pang gabi. O bukas. Sa makalawa. O sa isang linggo. Di pa talaga siya handa.
Sinalubong muna nito si Carina. Ngumiti at marahang hinalikan sa pisngi.
"A ce soir, Adeline." Dinig niyang bulong ni Pierre dito.
Ngumiti si Carina. "Je serai là."
French din nga pala si Carina. Natural na magkaintindihan sila. Kung ano mang pinagusapan nila, lalo lang nitong nagdagdag ng kaba niya.
Tumingin ang babae sa kanya. "Maaari kayong mag usap dito. Walang makakarinig." Ngumiti ito sa kanya bago naglakad ng papalayo si Carina.
Naiwan parin siyang nakatayo sa hagdan. Umakyat na si Pierre para lapitan siya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...