Hindi niya sinunod ang mga sinabi sa kanya nila Sofia. Wala na siyang balak magpahinga. Hindi na rin naman siya makatulog pagkatapos ng mga sinabi nito. Lalo pa nang idinetalye nito ang lahat ng ginagawa ni Alejandro sa kaibigan niya.
Ganoon ba talaga ito kasama?
Hindi makapag isip ng maayos habang nakikita niya at naamoy ang mga rosas na naroon. Naalala niya lang ang lahat.
Kailangan niyang lumabas.
Kailangan niyang mag isip.
Kaya ba ganoon nalang kalaki ang galit ni Pierre dito?
Ngayon naiintindihan na niya. Mukhang nakukuha narin niya ang totoong plano nito. Kung bakit kailangang paibigin niya ito tapos iiwan din.
Hindi kayang labanan ni Pierre si Alejandro kaya siya ang ginawang pain para masaktan ito.
Oo na nga, nakakaramdam siya ng galit sa mokong na yun. Hindi lang dahil sa ginawa nito sa kanya, kung hindi dahil sa ginawa nito Raven.
Pero tama parin ba tong gagawin niya?
Huminga nalang siya ng malalim.
Ano ba talaga tong gulong napasukan ko?
Napayakap nalang siya sa sarili. Kaya ba talaga niya?
Di niya alam kung saan na siya napunta. Naglakad lang siya kung saan. Basta kailangan niyang makaalis sa kwartong yun.
Bakas pa ang mga pasa niya sa balat. Kita parin iyon kahit naka long sleeves siya at nakasuot ng scarf sa leeg.
Nakikita niya ang mga titig ng mga nakakasalubong niya sa hallway. Mga taong ngayon lang niya nakita. May ibang nakauniporme, mga katulong dito, sa tingin niya. Yung iba abala na naglilinis sa paligid.
Nadidinig ang bulungan ng mga ito. Ibang lenguahe, di niya maintindihan.
Mga bampira din kaya sila?
Marami pa palang nakatira dito. Hindi niya ito napansin nung una. Kaya pala maraming kwarto. Di na siya nag abalang maki usisa sa mga ito. Kakaiba ang pakiramdam niya, parang hindi talaga siya welcome doon.
Nakarating na siya sa labas. Puno ng malalagong puno ang lugar kaya nafifilter ang sinag ng araw. Hindi masyadong masakit sa balat.
Wala ng tao sa lugar na iyon. Tahimik.
Huminga siya ng malalim at dinama ang sariwang ang hangin. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakapagpakalma. Ang tagal na niya ring di nakapagpahangin ng ganto.
Tok.
Nakarinig siya ng pamilyar na tunog. Hindi niya alam kung anong klaseng pwersa ang tumutulak sa kanya na sundan ito.
Tok.
Si Alejandro. Kahit malayo, kitang kita niya ito. Wala na namang pang itaas. Basang basa ng pawis ang katawan. Kanina pa siguro ito nasisibak ng kahoy. Mataas na ang tambak na naputol na kahoy sa tabi nito.
Napaatras siya. Nagtago sa likod ng isa sa mga puno doon.
Anong gagawin ko?
"Isabelle,"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Si Carina, may hawak itong tuwalya sa kamay. Alam niyang para iyon kay Alejandro.
"What you doing here? You should rest." Nilapitan siya nito.
"Nainip lang ako sa kwarto," sagot niya dito. "Anong ginagawa niya?"
Napatingin si Carina sa direksyon ni Alejandro. Ngumiti ng pilit. "Anger management."
Huh? Di niya na gets. "Ano yon?"
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...