Ilang oras ring napaikot-ikot sa buong bahay si Isabelle. Di siya parin siya mapakali kaya naupo nalang siya sa hagdan ng patio, nagbabakasakaling marinig niya ang pagdating ng sasakyan ni Alejandro.
Mukhang di na nga talaga ito babalik, naiisip niya. Kahapon pa ito umalis. Napayakap siya sa tuhod at napayuko.
Ang sikip-sikip ng dibdib niya. Ang sakit. Parang sa bawat paghinga ay dinudurog ang puso niya.
Ngayon pa lang nagsisink-in sa kanya ang lahat.
'I'm letting you go.'
Di na naman niya napigilang umiyak. Kasalanan niya talaga.
Bakit nga ba nakipagdeal siya ng ganoon kay Pierre? Ngayon sising-sisi siya.
Wala na rin naman. Kahit anong gawin niya, hindi narin naman maibabalik ang mga nangyari.
Pero di naman siya nagsisisi na sinabi niya kay Alejandro ang lahat. Mas ok na yun kaysa tuluyang iwan ang Coven nila ng dahil sa kanya. Natatakot din siya sa mga sinabi ni Sofia na makakaya na ni Pierre na patayin ito kapag nangyari iyon.
Lalo siyang napaiyak. Mag-isa nalang tuloy siya dito. Agad din umalis ang pamilya nito matapos ang nangyari. Nadinig nila ang lahat. Nakita din nila kung paano padabog na lumabas ng bahay si Alejandro at magpaharurot ng kotse papaalis.
Ipinagpasalamat pa nila na ganoon ang ginawa nito. Mas mabuti na daw kasya magwala na naman at mawala sa sarili, mas marami pang mapapahamak.
Pero natatakot parin siya. Baka kung anong gawin ni Alejandro na ikasakit nito.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa madilim na langit. Maulap. Natatakapan noon ang kalahati palang na buwan.
Agad siyang napatayo ng may marinig siya na sasakyang papalapit.
Si Alejandro na ba yun?
Malayo-layo ang bahay sa mismong gate, malawak ang driveway at ang garden nito sa harap. Kung si Alejandro nga ang dumating, kayang kaya naman nitong pumasok.
Sino bang--
"Pierre?" Nakita niya itong nakasandal sa pinto ng nakaparadang kotse nito sa labas ng gate.
"Hi." Bati nito sa kanya paglapit.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong nito. "Wala naman si Alejandro diyan diba?"
Napakagat siya ng labi. Binilin sa kanya nila sa Sofia bago umalis na wag magpapasok ng kahit na sino. Yun ay kung gusto pa niyang mag-stay sa bahay na iyon, kung wala siyang balak umalis.
"Isabelle?" Lumapit na rin sa gate si Pierre. Mga itim na rehas nalang ang pagitan nito sa kanya. "Did he hurt you? Bakit ka umiiyak?"
Umiling siya.
Naramdaman niya ang ilang patak ng ulan. "P-pumasok ka na. Sandali lang, bubuksan ko lang ito."
Natatandaan pa niya ang combination ng lock ng una silang pumasok ni Alejandro dito. Itinuro ito sa kanya. Parang noong isang gabi lang,.masaya pa silang magkasama.
Huminga nalang siya ng malalim para mawala ang alaalang iyon sa isip. Baka mapaiyak na naman siya.
"Doon tayo sa bahay, baka umulan na."
Binuksan niya ang gate at umasok na si Pierre sa loob. "Nasabi ko na sa kanya."Alam niyang magagalit ito. Sinira niya ang plano nito para kay Alejandro.
"I know. Kaya nga ako nandito," sabi ni Pierre pagpasok sa pinto ng bahay. "Nice place. Kanino daw ito?" Naupo na ito sa isa sa mga sofa doon.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...