30: When the Nightingale Sings

14.5K 318 14
                                    

Gabi na pero di parin makatulog si Isabelle. Naalala niya yung ngiti ng mokong na yon noong papalabas na ng kwarto. Ang gwapo lalo pagnakangiti.

Bakit nga ba bugnutin lagi ang histura noon?

Umikot uli siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Wala talaga. Di talaga siya makatulog.

Para siyang teen-ager na kinikilig sa crush niya. Ay shet, sabi niya sa sarili. Hindi pwede yon. May usapan sila ni Pierre. Di siya pwedeng mainlove doon sa mokong.

Tumayo siya sa kama saka binuksan uli ang ilaw.

Kasabay noon, may narinig siyang tunog.

Piano.

Kinilabutan siya. Tumindig ang balahibo.

May nagmumulto ba dito?

Naglakad siya dahan dahan papunta sa saradong pinto ng kwarto at dinikit ang tenga. Sa labas galing ang tugtog. Pamilyar sa kanya nga piyesang iyon.

Kinakabahan man, lumabas siya at naglakad sa mahabang hallway habang sinusundan ng ang tunog.

Nakita niya na may liwanag na nanggagaling sa siwang ng isang pinto. Bahagya itong nakabukas. Sumilip siya at nakita nga niya ang tumutugtog ng piano.

Pierre.

"Why won't you come in, Ish," sabi nito habang tuloy parin sa pagtugtog.

Tinulak niya ang pinto. Malaki ang kwarto pero walang laman maliban sa isang grand piano.

"Welcome to the music room." Bati nito habang nakangiti.

Lumapit siya dito. "Moonlight Sonata?"

Napangiti siya sa pag-pia-piano ni Pierre. Dahan dahan pero dama ang bawat notang tinitipa.

Ang galing.

Napakagat siya ng labi. Sa totoo lang gusto niya sa lalaki yung marunong tumugtog ng kahit anong instrument.

Maya-maya pa tumigil ito. "Sing for me, Isabelle."

"Huh," Bigla siyang natuliro sa sinabi nito. Ramdan niya ang pag init ng pisngi niya. "Hindi, ayoko. Di ako marunong," tanggi niya.

Oo nga sumali siya sa choir para sa scholarship nung highschool pa siya. Alam niyang may boses naman siya kahit papaano. Pero matagal na yun.

"Alam ko namang hindi ka rin makatulog," Ngumiti lang ito sa kanya. "Saka maganda ang boses mo, narinig ka naming kumakanta kanina."

Namin? Kasama si Al?

Bigla siyang namula sa sinabi nito.

Nakakahiya.

Inumpisahan nitong tugtugin ang kinakanta niya kanina.

Memory. Cats, the Musical.

"Sigurado ka? Baka bumagyo pag kumanta ako." Natatawa niyang sinabi. Medyo mahangin na nga labas, naririnig niya.

Seryoso ba?

"Sige na, bibigyan kita ang limang packs ng dugo for free, kahit type AB pa." Sabi nito habang nakangisi.

“Ano bang klaseng suhol yan?”

“Please.”

Ngumiti nalang siya. Tumango. Inumpisahan ang kanta.

"Midnight, not a sound from the pavement

Has the moon lost her memory?

She is smiling alone

In the lamplight

The withered leaves collect at my feet

And the wind begins to moan,"

Nakangiti parin si Pierre kanya. Mukhang ok naman talaga siguro ang boses niya.

"Memory, all alone in the moonlight

I can smile at the old days

Life was beautiful then

I remember

The time I knew what happiness is

Let the memory live again,"

Narinig niyang may pumasok sa pinto. Napatingin siya.

Si Alejandro.

Sumandal lang ito sa pader at humalukipkip. Kumakabog na ang dibdib niya. Parang biglang naging gelatin ang mga tuhod. Dalawa na ang audience niya.

Bumalik ang tingin niya kay Pierre at sinenyasan lang ito na ituloy ang kanta.

"Every street lamp

Seems to beat

A fatalistic warning

Someone mutters

And a street lamp gutters

And soon it will be morning,"

Andoon parin si Alejandro. Nakatitig lang. Matyagang nakikinig. Umiwas siya ng tingin at itinuloy nalang ang pagkanta.

Ang init na ng pisngi niya.

"Daylight, I must wait for the sunrise

I must think of a new life

And I mustn't give in

When the dawn comes

Tonight will be a memory too

And a new day will be--"

Biglang namatay ang ilaw. Tumigil din sa pagtugtog si Pierre. Naririnig niya ang malakas na hangin sa labas.

At kumulog ng napakalakas. Napasigaw siya sa takot pero naramdaman niya na may mga bisig na yumapos sa kanya.

Pie-- Alejandro?

"It's alright Isabelle." Bulong nito habang nakayakap sa kanya. "Kulog lang yon.."

Naririnig niya ang tibok ng puso nito.

Bumibilis.

Lumalakas.

Bumukas na uli ang ilaw, pero di parin inaalis nito ang pagkakayapos nito sa kanya. Lalo pa ngang humigpit. Umangat siya ng tingin at nakita niya ang mga mata nito. Pula. Nakatingin kay Pierre.

"We have company, Al." Sabi naman ni Pierre dito. Pula na rin ang mga mata. Nakikita niya ang pagkabalisa sa mukha nito.

Bigla siyang kinakabahan sa kinilos ng dalawa.

Itinulak niya si Alejandro papalayo.

"Anong nangyayari?"

"Go back to your room." utos sa kanya ni Alejandro.

"May bisita lang kami," sabat naman ni Pierre. "Ako na maghahatid sayo sa kwarto," tumayo ito sa harap ng piano at nilapitan siya.

"Mauna ka na sa baba, Al. Ikaw ang kailangan nila."

Tumango lang ito.

"Be safe, Isabelle."

Ito nalang ang narinig ni kay Alejandro habang hinihila na siya ni Pierre pabalik sa kwarto niya. Naiwan na ito sa music room.

"Ano na bang nangyayari?" tanong niya dito ng makarating sila sa pinto ng kwarto.

"Shh," saway nito sa kanya. "Kahit anong mangyari Ish, wag na wag kang lalabas," itinulak na siya nito papasok sa loob.

"Lock the door and be quiet."

At tuluyan nitong umalis.

Kinakabahan na talaga siya.

May mangyayari bang masama?

            

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon