"I really love your hair, Isabelle," ani ni Carina sa kanya habang inaayusan. “So pretty.”
Ngumiti siya. Kaunti nalang malapit na siyang maniwala. Kanina pa siya nito binobola.
Madaming kinuwento si Carina tungkol kay Alejandro. Tungkol sa pamilya nito. Kahit papaano naaaliw siya. Lalo na kapag nanagalog ito. Ang lalim. Nose bleed na nosebleed na siya pero nakakatuwa paring pakinggan. Isa pa, ilang araw din naman siyang walang narinig na ibang tao maliban kay Alejandro at Pierre.
Mas ok nang may makausap na makata kaysa naman wala.
Tuloy-tuloy lang ito sa pag kwento habang inaayos ang buhok niya.
Required pala kina Carina na matuto ng legwahe ng bansang tinutuluyan. Kaya pala ang lalim managalog nito, matagal na pala siya Pilipinas, simula nang ginawa siyang bampira ni Alejandro. Pero hindi daw ito nakikihalubilo sa mga tao. Bihira lang lumabas ng Paradiso.
"The Valerius bought this place sixty years ago. It's an abandoned church, Alejandro renovated everything to look like this," kwento pa nito. Minsan, nababali ang English nito. Halos katulad na ng accent ni Pierre. Taga-France nga pala ito dati. Magkakakilala kaya sila?
Di na niya maisingit ang tanong dahil dirediretso lang ito sa pagsasalita.
"They usually use this place for events. They hosted the congregation ten years ago. You should have seen it." excited na tuloy ni Carina.
"Congregation?" tanong niya.
"Pagpupulong iyon ng mga truebloods."
Andami pa palang di alam. "Trueblood si Al, hindi ba?" tanong niya uli.
Tumango si Carina. "Truebloods were born vampires. They are the only one who can change humans into one of us."
"Bakit?"
"Ikakamatay ng ordinaryong tao ang pag-inom ng ating dugo, Isabelle. Hindi sila magiging tulad natin," sagot nito.
"That's the way it is. A way to prevent the vampire strain from spreading I guess. And the High Council law requires us to be under a Coven or else they will put us to death."
Ang higpit pala ng batas nila. Patay agad? Agad-agad? Kaya siguro siya itinago ni Alejandro.
"Ano ba yung Coven?" Katulad ba ito sa mga napapanood niya?
Ngumiti ng malapad si Carina sa kanya, sandaling nag-iisip bago nagsalita. "Vampire Clan. Family," "Pamilya. Angkan. Halos magkakamag anak silang nandito. Maliban sa mga tulad natin. Some of us were made to serve them,"
Napatingin siya dito. Serve? Anong klaseng serbisyo kaya ang—
Napakagat siya ng labi. Hindi naman siguro pareho ng trabaho nito dati.
"There, I think you're ready."
Napalingon siya sa salamin. May naiwang piraso doon ng basag na bubog kaya naaninag pa nya ang hitsura.
Nagmukha siyang tao. Kelan ba siya huling nag ayos ng ganito?
Nakaside ponytail ang kulot niyang buhok. Hindi gaanong makapal ang make-up at mukhang natural lang. Bagay ang ayos niya ngayon sa piniling damit ni Carina sa kanya.
Mababa ang neckline, pero di naman malaswa tingan. Sakto lang ang haba nito, mga three inches mula sa tuhod niya.
Ready na ba para saan? Di nga nya naitanong dito kung bakit ba siya binihisan at inayusan.
"I'm really sure they will like you."
Natigilan siya. Masyadong na occupy ang utak niya ang mga sinabi ni Carina. Idagdag pa yung ginawa nung mamang manyak sa kanya kanina sa library.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...