Pinaikot-ikot ni Isabelle ang puting rosas sa kamay niya. Di siya mapakali. Kinakabahan siya sa pupuntahan nila.
Wala naman sinabi si Alejandro kanina bago sila umalis. Mukhang mainit ang ulo.
Nagkasalubong lang sila sa hallway pag labas niya ng pinto sa music room. Nagkatinginan. Hindi na ito nagsalita. Mabilis lang nitong kinuha ang kamay niya at hinila na siya papalabas. Di man lang nito naalala na nasusunog siya araw. Ramdam parin niya ang paso sa balat niya.
Hanggang ngayon nagtataka siya, ba't tong mokong na to, kayang tumagal sa liwanag.
Tahimik sa loob ng kotse. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Di niya alam kung pano ito tatanungin. Magkakatuyuan na yata sila ng laway.
Ang dami niyang gustong itanong, hindi niya alam ang uunahin niya.
Nakatingin sa bintana ng kotse ng biglang may na nag-over take na malaking truck sa kanila. Mabilis ang takbo. Malakas ang pag busina.
Napapikit siya ng madiin. Pakiramdam niya biglang huminto ang tibok ng puso niya.
Nakakatakot. Bumabalik sa utak niya yung aksidente.
"It's ok Isabelle. Gusto mo bang huminto?" tanong nito habang binabagalan nito ang takbo ng sasakyan.
"O-ok lang ako," huminga nalang siya ng malalim bago imulat ang mga mata.
Kahit naman huminto sila hindi naman siya makakalabas ng kotse. Ang taas ng araw. Alam niyang masusunog siya.
"Bakit sa ngayon mo naisipang umalis?" tanong niya. "Maliwanag pa." Kung night club nga yung Paradiso malamang sarado pa yun sa gantong oras.
"Akala ko mas magiging komportable ka, ayokong maalala mo uli ang nangyari sayo."
Saglit siyang napatitig kay Alejandro. Seryoso ang pagkakasabi noon.
Napatungo nalang siya. Nag-alaala pala ang mokong na to, sa isip-isip niya. Lalo lang tuloy siyang kinakabahan.
"Alejandro," pinaikot na naman niya ang stem ng rose na hawak. "Sorry kung nasampal kita."
Saglit itong napalingon sa kanya. Huminga ito ng malamin. "It's nothing."
"Yung kagabi, akala ko ikaw yung--"
"You talked to him," lumingon ito uli sa kanya ng saglit. Kumunot ang noo bago binalik sa kalsada ang tingin. "Alam ko. Nakita ko. Lahat"
Sabi na nga ba. Kaya badtrip to ngayon.
Kasama ba yung kiss?
Sandali lang yun. Smack lang. Wala lang.
Wala lang ba talaga?
"Al, sorry na." Ito nalang ang nasabi niya Hindi niya alam kung bakit umiinit ang pisngi niya ngayon
"What did you call me?" Nakakunot patin ang noo nito.
"Umm.. Al ang tawag ni Pierre sayo diba?" tanong niya. "Gusto ko lang malaman kung ano talaga nangyayari. Wala akong kaalam alam sa lahat ng gulo niyo."
Naghintay siyang magsalita ito. Wala rin. Nakakunot parin ang noo.
Napanguso nalang siya. Sana naman kasi mag-explain. Yung walang paliguy-ligoy.
Bigla nitong iniliko ang sasakyan sa may matataas na talahiban. Tumalon naman ang puso niya sa sobrang gulat.
Shet. Ayoko na!
Di na talaga ako sasakay ng kotse pag itong mokong na to ang nagdridrive kahit kailan. Shet!
Dirediretso lang ito. May masikip at lubak na daan doon na sinusundan nila. Napapikit nalang siya uli.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampirosEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...