85: Escape

10.2K 232 26
                                    

Naupo si Isabelle sa may study table ng kwarto at pinagmasdan ang mga idalawang love birds sa loob ng birdcage. Kakapakain niya lang at mukhang-tuwa tuwa naman ang mga alaga niya.

Nakakatuwa silang tingnan. Mukhang ang saya saya nilang magkasama.

Nagbugtong-hininga nalang siya. Bukod sa mga ito at sa mga libro, wala na siyang ibang mapagkaabalahan.

Hindi naman kasi siya makalabas na ng madalas sa kwarto. Ang wierd ng pakiramdam niya nitong mga nakaraang linggo.

Nahihilo siya, nasusuka. Lagi nalang inaantok. Gusto nalang niyang laging mahiga at magpahinga.

Sabagay, kung lagi naman niyang katabi yung mokong na iyon, mas gugustuhin nalang niya talaga na laging mahiga sa kama. Tapos magpapagulong-gulong lang sila habang magkayakap.

Tapos...

Shut it, Isabelle. Ano ba! Nawala lang virginity mo, ang landi-landi mo na!

Kinagat nalang niya ang labi para matigil na ang utak na mag-isip ng kung ano ano pang kahalayan.

Pero masaya siya dahil ok na uli sila ni Alejandro.

Di siya makapaniwala. Akala niya forever na magagalit yun dahil sa kalokohang pinasok niya. Nakakatawa nga at kung ano ano pa ang iniisip niya, ok lang pala dito ang lahat.

Naiintindihan ni Alejandro ang ginawa niya. Kasalanan naman daw nito kung bakit siya natakot noon. Dapat ay sinabi na daw nito ang lahat noong una palang ang lahat.

Ito narin daw ang bahala kay Pierre.

Kinakabahan siya sa bagay na yun. Sana lang wag nang magkagulo. Hindi rin niya alam kung anong magiging reaksyon ni Raven pag nalaman niya ang lahat ng ito.

Ayan na naman.

Dumiresto siya sa banyo at sumuka. Tulad dati, halos wala namang mailabas ang tyan niya.

Dun sa iniinom niya yatang dugo ngayon. Ewan. Weird lang. Fresh blood daw yun sabi ni Cat. Mas ok daw para sa kanya yun.

Baka naman naninibago lang ang tyan niya. Kung di lang siya naging bampira, iisipin niyang buntis na siya.

Hay, di naman masamang mangarap.

Nagtoothbrush na siya at naghilamos. Inayos ang sarili at lumabas na ng banyo.

Una niyang nadatnan yung bird cage na nakabukas. Wala na yung isang ibon. Nakabukas na rin yung bintana nung kwarto.

Sinong--

"Congratulation."

Napalingon siya sa nagsalita.

"Carina?"

Huling nakita niya dito ay nung muntik na itong masunog sa araw.

Mabuti naman at ayos na ito. Nakaitim na tube dress ito na medyo sexy ang cut. Kitang kita ang makinis na kutis.

Pero bakit niya pinakawalan. Mga ibon niya yun eh. Kawawa naman tuloy yung isa ngayon. Agad niyang sinara ang isang natira bago pa makalabas.

Saka anong congratulation? Nanalo siya sa lotto?

Ngumiti lang si Carina sa kanya. "Pierre must be very happy if he find out about this," lumapit ito sa kanya.

Nalilito na siya. Ano bang pinagsasabi nito. Parang di pa yata ito ok. Naapektohan yata ng araw ng isip. Anong meron kay Pierre?

"He finally have an heir."

Teka. Ano daw? "Ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya. “Ok ka lang?”

Tumaas ang magagandang kilay nito. "So they didn't tell you. Kung sabagay, hindi na nais ipaalam sa iyo ni Alejandro ang nangyari. Hindi lang matanggap ng aking isipan na gagawin niyang tagapagmana ang bunga ng iba."

Kinakabahan na siya. Ano ba talagang sinasabi nito? "C-Carina, ano bang gusto mo?"

"May nais lang akong ipaalala sa iyo," itunuro nito ang isang kahong nasa kama niya. "Go ahead. Open it."

Dahan-dahan siyang lumapit. Nanginginig ang kamay niyang binuksan ito.

No.

Yung dagger. Kilalang-kilala niya yun. Naamoy niya ang sariling dugo mula doon.

Naalala na niya. Unti-unti nang bumabalik sa utak niya. Yung dahilan kung bakit siya nakabalik dito sa Paradiso. Naalala na niya ang ginawa sa kanya ng lalaking yun.

Lahat.

Napaluhod nalang siya at napayakap sa sarili. Nanginginig ang buong katawan niya.

Nandidiri siya sa sarili niya. Yung pagpunit nito ng damit niya. Yung pagkagat nito sa leeg. Yung--

Akin ka na.

Paulit-ulit na nagrereplay sa isip ang mga salitang iyon.

"Ang pangalan mo ang binabanggit ni Pierre habang sumisiping siya sa akin, Isabelle. Ngayon naiintindihan ko na. Ikaw pala talaga ang nais niya."

"T-tumigil ka." Tinakpan na niya ang tenga. Alam na niyang magsasalita uli ito.

Bakit? Bakit ba kailangan pa niyang maalala? Bakit ba ito ginagagawa ni Carina?

"Isabelle," lumapit si Carina sa kanya at bumulong. "Who performed best?" Ngisi pa nito.

"Tumigil ka na." Madiin na sabi niya dito.

"Mas magaling ba si Alejandro para sa iyo kaya bumalik ka sa kanya?" Dagdag pa nito.

"TAMA NA!"

Di niya alam kung pano niya nagawa. Natagpuan nalang niya ang sarili na sakal-sakal si Carina gamit ang isang kamay. Nakaangat na ang dalawang paa nito sa lupa. Di na makahinga.

Agad niya itong binitawan. Bumagsak ito sa paanan niya.

"Y-you're pregnant Isabelle." Tumatawa pa ito habang tumatayo.

Natigilan siya.

Paano? Kailan?

No. No.

Napahawak siya bandang tyan niya.

"You are carrying HIS child."

Napaatras siya. Hindi pwede. Hindi pwede ang demonyong yon ang ama nito.

Agad siyang tumakabo. Binuksan ang pinto at lumabas.

Litong-lito na siya. Pano nangyari yun?

"Isabelle! Bakit ka lumabas," dinig niyang boses ni Cat ng nakasalubong niya ito. Kasama nito si Sofia.

"Makakasama sayong ma-stress, baka--" natigilan ito at napatiningin kay Sofia na nakakunot na ang noo. Di na ito makapagsalita

"Isabelle, bumalik ka na sa kwarto mo." Utos ng batang babae sa kanya.

Umiling siya.

Napaatras.

Alam nila ang lahat, tinago nilang lahat sa kanya. Bakit?

Tumakbo na siya papalayo.

"Isabelle!"

"Ghulay! Sino nagsabi sa kanya!" dinig pa pa niya ang nagpapanic na boses ni Cat.

"That ungrateful bitch, Castor, Pollux!"

Nakalayo na siya ng lumabas ang dalawang lalaking puti ang buhok sa harap niya. Hinaharangan nito ang dadaanan niya.

"Tabi!"

Di ang mga ito kumilos.

"SABI NG TABI!"

Di niya maipaliwanag ang nangyari. May kung anong pwersa mula sa loob niya ang lumabas, nakita nalang niyang tumalsik ng malakas ang dalawang lalaki. Malayo ang pinagbasakan nito. Parehong namimilipit sa sakit.

Shet. Shet. Shet.

Pano ko nagawa yon!

Tumakbo na siya uli. Mabilis.

Di niya namalayan na nakalabas na siya ng Paradiso.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon