39: Despair

13.2K 291 7
                                    

Red?

Na conscious siya dahil nakatitig na si Pierre sa mga mata niya. Pula na rin ba tulad nila? Yumuko nalang siya at pilit na hinatak ang kamay. Hindi ito binitiwan ni Pierre. At napakalapit na nito, halos magdikit na ang katawan nila.

"A-ano bang ginagawa mo?" tanong niya dito.

"Sabi mo nagugutom ka?"

Umiling siya.

"Please, wag." Isa ka pa eh. Tukso. Layuan nyo ako. Bakit ba ganto tong mga to?

Narinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Alejandro!"

Di na niya napigilan ang pagsuntok nito kay Pierre. Ang lakas. Tumalsik sa sahig at napahiga.

"Is that all you got?" bumangon si Pierre na parang walang nangyari. Pinunasan ang dugo sa bibig.

Dugo.

Napaatraas sya at napahawak sa bibig.

Bakit parang lumalamig ang paligid? Nahihirapan din syang huminga.

Lumipat ang tingin niya kay Alejandro. Nakatayo lang ito. Nakakuyom ang parin ang kamay at nanlilisik ang pula nitong mata. "You! Stay away from her!"

"That was my line,"

Parang lalong numipis ang hangin sa paligid. Hindi na talaga siya makahinga.

Tumayo si Pierre at humakbang papalapit. Pero agad din itong natigilan. Parang may invisible na pwersa na pumipigil dito. Bumagsak uli si Pierre at napaluhod sa sahig. May kumakalat na itim na bagay sa mga ugat nito. Sa leeg. Sa mukha. Sa mga kamay.

"Y-you're cheating, Al." Kitang kita niya ang pag hihirap sa mukha nito pero nagawa parin nitong ngumisi.

Anong nangyayari?!

Nakatitig lang si Alejandro kay Pierre. Matalim. Tulad nung kagabi.

Nakakatakot.

Siya ba ang gumagawa noon kay Pierre? May super powers ba siya?

"A-Alejandro," nanginginig ang boses niya.

Tigil. Tumigil ka na.

Gusto niya itong sigawan pero parang may humaharang sa lalamunan na niya.

"T-Tama na," halos pabulong na lumabas sa bibig niya.

Nadinig niya ang pagbagsak ni Pierre sa sahig. Tuluyan itong napadapa. Umubo ng kulay itim na likido. Tatakbo sana siya papalapit dito pero napigilan ni Alejandro yung braso niya.

"Ano ba?!" Mahigpit ang pagkakahawak nito. Hindi siya makawala.

"Stay right here," utos nito. Unti-unti ng bumabalik sa dati ang mga mata nito. "Please,"

Natigilan siya.

Binitawan na nito ang braso niya.

"Get out, Pierre." Utos nito

Tumayo lang si Pierre. Pinunasan ang bibig. Dahan-dahan. Alam niyang hirap itong gumalaw. Gusto niyang tulungan pero parang nakapako na ang mga paa niya.

"So that was it, Al?" sabi nito habang papalapit sa kanila. Hinawakan nito ang isang balikat niya bago tuluyang lumakad papuntang pinto.

Kitang-kita niya ang kamay nito. Ang itim na mga ugat, parang sunog na mga linya na nasa balat. Dama niya rin kung gaano ito kalamig

"P-Pierre."

"Sorry, Ish. Nadamay pa kita." Ito nalang ang narinig niya bago nito tuluyang sinara ang pinto.

Nadamay?

"B-bakit mo ginawa yon sa kanya?" Nakakahinga na siya ng maluwag pero nanginginig parin ang boses niya.

"Isabelle, I.."

Isang malutong na sampal ang binigay niya dito.

Shet. Ang sarap sa kamay. Ang tagal na niyang gustong sampalin tong mokong na to. Nagawa niya rin sa wakas.

Pero di niya alam kung bakit sumasabay pati ang luha niya.

Di man lang nito ininda ang sampal kahit na medyo nasaktan ang palad niya sa ginawa niya. Manhid ba?

"D*mn," Napasuklay lang si Alejandro ng buhok. "I'm just trying to protect you. Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sayo nung tumakas ka?"

Gago pala to! Yung ginagawa niya sakin, nakalimutan na niya?!

Tinalikuran nalang niya ito at nagmartsa  sa kama. Naupo at pinunasan ang luha niya mukha. "Lumabas ka na."

"Don't trust him, Isabelle," naramdaman ang pag upo nito sa tabi niya. "I know him more than you do."

"So, hindi totoo na hindi na ako magkakaanak?" tanong niya dito. Pinipigil niya ang pag patak uli ng luha niya. “Sinabi niya sakin yon.”

Tumahimik lang ito.

"Totoo yun diba?"

"Yes."

"Bakit di mo sinabi?"

"Hindi na importante--"

Napatayo siya sa kama at nasampal na naman niya ito. Bahala na kung sakmalin siya nito pagkatapos o gawin yung ginawa nito kay Pierre. Pero shet talaga.

"Gago ka din no?! Anong hindi importante?! Nanahimik ako sa bahay tapos kinidnap mo ako! Ginawa mo akong ganto! Ok na eh. Konti nalang, tanggap ko na! Kaso yung di na ako mag kaka-baby? Alam mo ba kung gano kasakit yun?"

Hindi niya napansing humihikbi na pala siya.

Shet talaga. Kelan pa ba siya naging iyakin. Tumalikod nalang siya para punasan ang mga luha niyang ayaw tumigil sa pagtulo.

"Look, I'm sorry," naramdaman niya ang mga kamay nito sa balikat niya.

"For everything. Hindi ko masabi sayo dahil baka magalit ka," bulong nito. Pinaharap siya nito at niyakap. "Stop crying. Please. Ayokong makita kang umiiyak."

Wala na siyang nagawa, napasubsob nalang siya sa balikat nito. Napayakap na rin siya ng mahigpit. Inubos na niya ang lahat ng luha na mailalabas habang hinahaplos nito ang likod niya.

Hindi niya alam kung ilang segundo, o minuto ang lumipas na nakayap ito sa kanya. Basang basa na ang suot na tshirt nito sa kakaiyak niya.

Bakit ngayon lang niya napansin na naka tshirt na pala ito?

Nakakainis. Naiinis siya sa sarili niya dahil nagpadala na naman siya dito.

Dinig na dinig niya ang malalim na pag hinga ni Al. Ang mabagal na tibok ng puso. "Isabelle."

Marahan niya itong itinulak papalayo. Hindi parin siya makatingin ng diretso.

"We'll leave tomorrow, away from here," Dinig niyang sabi nito.

Napakunot ang noo niya. Bakit? Saan?

"Mas ligtas ka doon. Mas makakapag adjust ka," pinahid nito ang mga natirang luha niya sa mukha. "Wala nang mga hunters doon. Di nila tayo masusundan."

Nakatungo lang siya. Di siya makapagsalita. Wala naman siyang magagawa. Andito na.

Dinig niya ang bugtong hininga nito. "Rest now." Marahan siya nitong hinalikan sa pisngi. "Goodnight."

Kumakabog na naman ang puso niya. Ang lakas.

Bakit niya ginagawa yun? Kung normal na sitwasyon lang, kanina pa siya nagpagulong gulong sa sahig sa sobrang kakiligan sa sweetness na pinapakita ni Al.

Pero hindi. Inaalala parin niya ang kasunduan nila ni Pierre.

"Alejandro," bangit niya ng bitawan na siya nito at naglakad na papalayo. "Please,"

"Wag mo na uulitin yung ginawa mo kay Pierre."

Umiwas lang ito ng tingin sa kanya ng tingan niya ito. Parang may tinatago.

"Just rest."

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon