Huminga nalang ng malalim si Raven. Di parin mawala sa kanya ang pag-alala dahil sa nangyari sa bar kanina.
Maraming nang mga security personel ang nakapalibot doon ngayon. Mga tauhan ni Vicky. Mga sinanay para mga pagkakataong ganito.
Marami ding tao ang nakapaligid. Mga nakikiusyoso kahit na nilagyan na ng kordon ang bar.
Friday ngayon. Gimik night ng karamihan. May mga nagalit sa biglaang pagsasara ng bar. May mga mukhang nadismaya.
Kung alam lang nila.
Di pa mawala sa isip niya yung hitsura ng mga bampirang pinatay ni Fritz. Lasog-lasog nga ang katawan ng mga yon. Nagkalat ang dugo sa paligid.
Hindi niya alam kung bakit pa ginawa iyon ni Fritz at kung anong motibo doon.
"Pinalinis ko muna ang mga katawan doon bago ako tumawag ng mga pulis, sinabi namin na may bomb threat kaya sarado ngayon," ani Dom. Nakatanaw lang ito mula sa mga salaming bintana ng penthouse. Sinisilip ang mga pangyayari sa baba.
"Maapektohan ang status ng bar, pero mas ok na ang ganito. Sana lang hindi na lumaki. Mahirap kalabanin ang media."
Ok ang naiisip ni Dom. Mas masamang balita nga naman kung malalaman nila ang patayang nangyari kanina. Mas mahirap lusutan yon.
"Aray, Raven." Biglang napangiwi si Kiel habang nilalagyan niya ng benda ang dibdib nito. Napadiin yata.
"Sorry. Don't move." Kinagat niya ang labi at nagpatuloy ng ginagawa.
Kanina pa siya nahihirapang pigilan ang sarili. Nanunuyo na ang lalamunan niya sa amoy ng dugo. Dapat pala hinayaan nalang niya si Dom ang magtahi ng mga sugat ni Kiel dahil mas sanay ito sa mga dugo ng tao.
"You need at least a week to recover, Hunter." Ani ni Dom nang tumingin sa kanila.
Umupo na si Kiel ng maayos sa sofa. Nahihirapan parin itong huminga. "I don't need to rest."
"No," sabi niya dito. Umiling siya. "Magpahinga ka nalang Kiel."
Lumingon lang uli sa kanila si Dom at tumikhim. "I need to go, Baby Rave. Aasikasuhin ko muna yung bar. Iwan ko muna kayo."
Tiningnan niya ang nakasaradong pinto ng kwarto ni Vicky. Nadidinig pa niya ang mahinang hilik nito, effective talaga yung tranquilzer.
Mas mabuti na sigurong di nalang nila istorbohin. Saka na nila sasabihin ang ginawa ni Fritz na gulo dito.
"Sure Dom. Kami na bahala kay Vicky." Sabi niya.
Tumango lang si Dom at lumakad na papuntang pinto papalabas. Magiging abala ito alam niya.
Maraming kailangang kausapin at maraming kailangang pagtakpan. Ito ang mahirap sa panahon ngayon. Maramig bagong technology. Madaling kumalat ang balita. Malamang, trending na ang nangyari ngayon.
"Sigurado kang di mo na ipapaalam kay Vicky?" tanong ni Kiel sa kanya. Sinipat-sipat nito ang nakabendang dibdib.
"No need. She needed that rest. You should have seen her, kailangan na niya ng pahinga."
Kinuha ang mga kalat na bulak, benda at gamot sa lamesa. Dumiretso na siya sa kitchen. Itinapon ang mga kalat at binalik sa medicine box ang mga gamot.
"Thank you nga pala." Napalingon siya kay Kiel. Nakita niyang nakasandal sa isang poste doon at nakangisi.
Umirap nalang siya. "Yes, you should thank me. Ikaw dapat ang bodyguard diba? Bakit ako gumawa ng trabaho mong protektahan ka?"
"Ang init naman ng ulo mo," sabi Kiel paglapit. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa balikat niya. "Sorry na."
"Will you just sit down," tinanggal niya kamay nito at lumayo. "Malalim yang sugat mo."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...