70: Conscience

11.5K 235 2
                                    

Nagbugtong-hininga nalang si Raven sa loob ng kotse. Parang nagsisi na siya na pinapunta nya pa doon sa Penthouse si Fritz. Di niya inii-expect yon na may mangyayaring ganoon. Akala niya galit na galit si Vicky at tuluyan nang mapapatay ang lalaking yon.

That was unexpected. Ayaw na niyang alalahanin ang mga narinig sa penthouse. Tumitinding ang balihibo niya.

Ilang minuto lang nag-make out na yung dalawa. Ganoon ba kabilis magpatawad kung mate mo na mismo ang kaharap?

Anong bang gagawin ni Vicky pagtapos? Iiwan na ba sila? She swore allegiance to their house. Pero si Fritz parin ang mate nito. Na head ngayon ng kalabang Coven.

Nahawak siya sa sintido sa pag-iisip. Sinabihan niya si Dom na balitaan siya nito kung anong mangyayari. Sinabihan din niyang huwag nang istorbohin yung dalawa sa penthouse. Alam niyang nag-aalala ito kay Vicky pero sinigurado niya dito na di ito sasaktan Fritz.

"O, anong plano mo ngayon Raven?" tanong ni Kiel sa kanya.

"Hindi ko alam." Sagot niya.

Plano. Wala siyang plano. Hanggang ngayon di parin niya alam ang gagawin niya.

Pano pa ba niya maiililigtas ang bestfriend niya? Isabelle's been damned by her ex-husband. Di niya alam kung bakit.

Sh*t, bakit nga ba?

Yung aksidente sa highway noon, naalala niya. Malamang ginawa ni Alejandro yun para mabuhay si Ish. Bakit naman nito bubuhayin pa ang kaibigan niya?

"Hey Rave? Saan nga tayo pupunta? Kanina pa tayo nasa Tagaytay." Sabi nito sabay tigil ng sasakyan.

"Di ko alam, bahala na. Saan ba magandang pumunta ngayon?"

Ngumiti lang ito sa kanya. "Wait here." Sabi nito. Bumaba lang ito ng sasakyan at pumunta sa malapit na tindahan.

Binuksan nalang niya ang bintana at huminga ng malalim. Pano nga ba sila nakarating dito? Kanina pa pala sila nagbabyahe.

Nasa Tagaytay na nga sila. Malamig ang simoy ng hangin. Natatandaan niya ang lugar na ito pero ang dami nang pinagbago. Wala pang ganitong kalsada noon. Palibasa kakatatapos palang ng gera noong huli niyang punta, wala parin ang bahay sa paligid. Bundok pa talaga.

Bumalik din agad si Kiel. May dalang tatlong box ng buko pie at dalawang malaking bote ng mineral water.

"Kumain ka muna, masarap yan. Namumutla ka na, eh," sabi nito sa kanya. "Hindi ka kumain kanina bago tayo umalis." Inabot sa kanya ang bote at binuksan ang isang kahong dala. Kulang nalang subuan siya nito. Para siyang batang aalagain.

Kumuha na siya ng isang slice at kumagat. Doon niya napansing gutom na siya. Ilang araw na nga rin pala siyang di nakakainom ng dugo. Simula yata ng noong nabaril siya.

"Damihan mo ang kain, tapos uminom ka. Tatawagan ko si Raffy para makakuha ng blood bags."

Napangiti nalang siya. Nakakatuwa naman ang pag-aalala nito. "Kiel."

Lumunok muna ito bago mag salita. "O?"

"Malapit na dito ang bahay nila Ish. Puntahan muna natin sila, makikibalita lang ako."

"Sigurado ka?" tanong nito. "Alam mo na ba ang nangyari sa kanila?"

"Hindi. Hindi nga. Di ko pa niya nasabi na nakidnap si Ish."

"Akala nila si Isabelle yung bangkay ng hunter na napatay mo."

*****

DALAWANG oras ang inabot bago sila nakarating kina Isabelle. Madalas siyang bumista doon noon. Isinasama siya ng kaibigan sa pag-uwi paminsan-minsan. Halos apat na taon ba naman silang magkakilala, close na rin siya sa pamilya nito.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon