Poor girl.
Iyon nalang ang naisip ni Cat habang chinicheck ang IV ng tulog na tulog na babae sa kama. Simula nang ibinalik si Isabelle sa Paradiso, di parin ito nagkakamalay. At sa ayos nito kanina, di na niya kailangang usisain kung ano ang nangyari.
This is not Al's doing. Naamoy niya sa katawan nito ang totoong may sala.
Si Pierre.
Ramdam na ramdam niya ang galit ng pinuno nila kanina ng dumating.
Nakakatakot. Nakakakilabot. Nakita na niya na noon kung paano magwala si Alejandro dati. Alam niya kung gaano ito kalakas. At di niya pinangarap na maiwan sa kwarto kasama ito kapag nangyari yon.
Kung di nga lang niya talaga kailangang gamutin agad si Isabelle.
Buti nalang at napilit ni Contanza na ilayo muna si Alejandro sa babae. Kung hindi, di pa niya matitingan ng maayos kung gaano kalaki ang pinsala nito.
Nagbugtong-hininga nalang siya at umupo sa silyang malapit sa kama.
Ginawa na niya ang lahat ng nalalalaman niya. Wala paring progress. Sumara na yung malalim na saksak ni Isabelle sa may bandang tyan, tumigil na din ang pagdugo. Pero hanggang ngayon, di parin gumagaling ang mga pasa at iba pang sugat. Tuloy tuloy lang ang pagsalin ng dugo dito pero wala paring nangyayari.
Ilang oras na. Kung magtutuloy pa, delikado, baka di na kayanin ng katawan nito.
Ano ba, Isabelle? Ayaw mo na bang mabuhay?
Alam niyang silver dagger ang ginamit na panaksak. Napigilan na ang pagkalat na ang lason sa katawan nito, pero kung may tinamaang internal organs, patay na agad ito malamang.
Bakit di pa tinuluyan ni Pierre? Sinadya pa nitong iwan at maabutan ni Alejandro na ganoon ang kalagayan.
My ghulay!
Napahawak siya sa noo sa naisip.
Ang babaeng ito ang ginantihan ni Pierre para saktan si Al, katulad ng ginawang pananakit noon kay Angelique. Kung anong nadatnan na ayos nang kapatid, ganoon din nito iniwan si Isabelle.
Nakakaawa talaga, nadamay pa sa gulo nila.
Oo nga, malaking gulo din ang dinala ng babaeng ito sa Coven nila. Their cousin was sentenced to death because of her.
Pero ginusto naman ni Giovanni yon. Ilang beses na rin itong nagtangkang magpakamatay. Laging gumagawa ng gulo para sila na mismo ang magpataw ng parusa dito. Noon pa mang namatay ang totoong mate ni nito, sawa na itong mabuhay. Nawala sa tamang pag iisip. Kamatayan lang daw ang paraan para magkasama sila uli.
My ghulay uli!
Kung mamamatay ngayon si Isabelle, paano na? Baka may Giovanni the 2nd na naman sila. At baka lalong lumalala ang pagwawala ni Alejandro.
Or worst.
"Naku, parang-awa mo na Isabelle. Mabuhay ka, please." mahina niyang bulong.
"Maari bang pumasok?"
Nagulat siya ng may lumitaw na babaeng nakaputi sa nakabukas na pinto. Parang multo. Napatayo tuloy siya kinauupuan at napaatras.
Mas matindi pa ito sa multo. Nagpapalpitate yata ang puso niya ng makilala ang babae.
Luna.
Anong ginagawa nito dito?
"Catalina?" malumanay na sabi nito sa kanya.
"The name is Cat, please," ngumiti siya ng pilit. Pang lolang pangalan. Nakakainis.
"Pumasok na po kayo." sabi niya dito.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...