74: Embrace

11.1K 222 11
                                    

AN: SPG Warning

Nasa kama na si Raven nang magising. Ramdam niyang wala siyang suot na kahit isang damit. Bukod doon, may mabigat na bagay na nakadantay sa kanya.

Paano ako nakarating dito?

Sino-- "KIEL!"

Napaupo siya sa kama at agad na tinanggal ang braso nito sa bewang niya.

"You! What the f*ck did you do?!" Kinuha niya ang kumot at mabilis na tinabing sa katawan.

"Putsa naman, Raven," sabi nito. Mukhang nagising ito sa ginawa niya  Wala rin itong damit. Pupungas-pungas pa itong umupo at humarap sa kanya. "Ang aga-aga, nakasigaw ka agad."

"Anong nangyari? Bakit tayo magkatabi?!"

Humikab muna ito bago nagsalita. "Muntik ka ng malunod sa bathtub. Nung inahon kita sa bigla kang nanginig sa lamig. Kailangan mong mainitan kaya ako tumabi sayo," paliwanag nito. "Saka nabasa lahat ng damit ko, pinapatuyo ko pa." 

Napahawak nalang siya sa noo. Oo naalala na niya. Yung sa tub. Yung panaginip niya. Sh*t naman kasi, bakit ba sa lahat ng panahon, ngayon pa niya naalala ang panaginip na yon.

"So, ok ka na?" tanong pa ni Kiel.

Napalingon siya dito.

D*mn those biceps. That chest. Tinatakpan pa ng kumot ang abs nito. Gusto niya tuloy hablutin. Sh*t. Temptations!

Umiwas nalang siya ng tingin.

"Please. Just get out. Sa ibang kwarto ka matulog." Taboy niya dito.

"Hindi ako aalis sa tabi mo. Baka kung ano na naman yang gawin mo," sabi ni Kiel sa kanya. "Tara. Matulog na tayo,"

Di siya makapagsalita.

"Gusto mo bang patulugin pa kita?" Sabi pa nito sa kanya.

"B-bahala ka." Humiga na siya at nagtalukbong ng kumot. Kailangan niyang maitago ang pag-init ng pisngi.

Oo nga't malamig ang panahon. Malamig din ang buong kwarto. Pero ang init-init ng pakiramdam niya. Baka di niya mapigilan ang sarili.

"Sh*t naman, Kiel," napamura siya uli ng dumantay na naman ang braso nito sa bewang niya. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan dahil doon. "Umalis ka nga! Wala akong damit!"

"Alam ko. Saka bakit ba? It’s too late. Ang higpit kaya ng yakap mo sakin kanina."

Napapikit nalang siya ng mariin. "Get off me."

Hindi ito sumunod. Lalo ng itong sumiksik. Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito.

D*mn this.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ilang minuto narin itong nakadantay sa kanya. Hihintayin lang niya itong makatulog saka siya lalabas ng kwarto.

"Hindi mo parin ba siya makalimutan, Rave?" bulong nito. D*mmit, matulog ka na!

"Kiel..." Naramdaman niyang humigpit ang yakap nito. 

Naalala niya yung kanina. Umiyak nga pala siya dito noong muntik na siyang malunod sa bathtub. Napananginipan na naman niya ang mga nangyari sa kanya noon.

"Bakit mo ba sinisisi ang sarili mo? It's not your fault."

"Kasalanan ko. Dahil sakin kaya--"

"Walang sumisisi sayo," pinutol nito ang sasabihn niya. "Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan."

Gumalaw siya ng kaunti. Lalo pang napadikit ang katawan niya dito

D*mn. She could feel him now. May boxer shorts pa itong suot. Ang manipis na tela noon nalang ang humaharang sa pagitan nila.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon