92: Unveiled

10K 239 22
                                    

"Will you stop this Alejandro." Saway ni Cat.

Paikot-ikot ito sa opisina na hawak ang cellphone at may kausap. He was ordering everyone to find that woman. Lahat ng member ng Coven nila. Lahat ng branch maski yung nasa Europe pa. Lahat nang tauhan nila. Nag-aalala ito na baka nailabas na ng bansa si Isabelle at naitakas na.

"Al."

Di parin siya nito pinansin. Humalukipkip nalang siya sa isang sulok ng kwartong yon.

Medyo nakakaramdam siya nang inggit kay Isabelle. Yung pinapahalagahan ng husto.

Ngayon lang niya nakitang ganto kaseryoso si Alejandro. At ngayon lang niya nakitang ginamit nito ang kapangyarihan ng pagiging head ng Coven nila. He usually let everything run by Conztanza. Pumipirma lang. Umuoo sa mga desisyon.

Pero ngayon iba. Mukhang naghahanda ito ng gera para lang makuha si Isabelle.

Ghulay. Ganto ba talaga ito? Ibang klaseng mainlove?

Malayo sa dati nitong ugali ang pinapakita ni Alejandro. Masyado kasing seryoso, minsan lang ngumingiti. Di niya akalaing may soft side din pala ito.

Si Carina nga lang ang nakakapaglabas ng ngipin nito dati, ang nakakapagpangiti dito. Kaya nga hindi rin niya masisi ang babaeng yon kung bakit galit na galit kay Isabelle, nag-assume siguro na ito na ang magiging kasama ng pinuno nila habang buhay.

Kung sa bagay, sila rin naman. Hindi ito trueblood pero sa kabila noon ay tinanggap parin si Carina ng pamilya nila.

Masyado lang talagang magaling umarte ang babaeng yon kaya di nila iyon nahalata.

"Alejandro." Tawag niya uli dito.

"What is it, Cat?!" naiiritang tanong nito sa kanya pagbaba ng cellphone na hawak.

Mainit talaga ang ulo, naiisip niya.

"Are you sure about this? Kapag nalaman ng High Council ang balak mo, alam mo ang pwedeng mangyari."

Pati na narin ng Hari nila. Though ceremonial lang ang posisyong iyon, malaki parin ang impluwensya nito. Lalo na kung involved dito ang mga anak.

Nakalusot na nga si Al sa ginawa nito dati kay Angelique. Tapos gagawa na naman ng gulo.

"To hell with them," sagot nito. "Kailangan kong makuha si Isabelle. Nandito pa siya sa bansa. Malapit lang, nararamdaman ko."

"I know. I know," umirap nalang siya. May kasalanan din naman siya. Hindi na nila ito napigilang umalis. Napakalakas at napakabilis ni Isabelle na maski yung dalawang kambal nilang gwardya hindi ito napigilan. Mukhang di pa alam nito ang bagong kakayahan niya. Ni hindi pa macontrol ng maayos.

"Just one question, Al. Bakit di mo tinuluyan si Pierre? May pagkakataon ka na."

Saglit itong natigilan. Nag-isip. Napatukod nalang ang mga kamay nito sa lamesa doon.

"Kapag napatunayang siya ang ama, they will take the child away from you. And Isabelle too," tuloy niya. "Tuluyan ka ng mawawalan ng karapatan sa kanya. Kahit ituloy mo pa ang balak mo."

Nagulat siya ng inihagis ni Alejandro ang mabigat na lamesa pataas. Halos umabot ito sa kisame bago bumagsak sa sahig at nagpirapiraso.

Ghulay, nagalit na niya ang pinuno niya. Dinig na dinig niya ang mabilis at malakas na tibok ng puso nito.

Pero nagsasabi lang naman siya ng totoo.

"D*mn it," napasuklay ito ng buhok. Naglakad sa sofa at umupo. Mukhang pinapakalma nito ang sarili.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon