82: While Your Lips are Still Red

10.9K 229 29
                                    

Everything was moving. Magulo. Paikot-ikot.

Marami siyang boses na naririnig.

Maiingay.

Mabibilis.

Then it stopped.

Inimulat na ni Raven ang mga mata. Masakit ang balikat niya. May bali rin ang kaliwang braso at hindi rin siya gaanong makahinga.

Anong nangyari? Nasaan ako?

Pinilit niyang tumayo. Kumirot ang dibdib niya. Sa tantya niya, tatlo sa mga ribs niya ang may fracture. May malaki siyang galos sa pisngi pero di niya na iyon gaanong maramdaman.

Kwarto. Maliit. Ospital.

Nasa ospital siya? Bakit? Pero di siya pwedeng magkamali.

Anong ginagawa ko dito?

Tumingin siya sa paligid. Kulay gray ang pintura ng dingding ng maliit na kwartong yon. Walang bintana. Lalo siyang nahirapang huminga. Naamoy niya ang sari-saring gamot at mga dugo.

Nakakahilo. Nakakasuka.

Nakita niya ang swerong nakakabit sa braso niya. Mabilis niya itong tinanggal.

Why the hell would I need this shit? Di naman dugo ang sinasalin sa kanya.

"Kiel." Paos ang boses na lumabas sa bibig. Nanunuyo ang lalamunan niya.

Nasan siya?

Hindi pa naghihilom ang lahat ng mga sugat, dumudugo parin. Wala na ang bala sa balikat pero mabagal parin ang paggaling ng katawan niya. Halos katulad lang ng normal na tao. Kulang na siya sa dugo. Alam niyang kailangan niyang masalinan o makainom para bumalik siya sa dati.

Sinubukan niyang bumaba kama.

"Shit!"

Napamura siya nang nahulog sa kinahihigaan. Hindi niya maigalaw ng mga binti.

Gusto na niyang maiyak. Tumama ang brasong may bali sa sahig. Lalo rin yatang nabugbog ang katawan niya.

"Damn you feet! Move!" Sigaw niya.

Ano bang nangyari talaga? Pano siya napunta dito? Bakit buhay pa siya?

Nasaan na si Kiel?

Ilang minuto din bago niya tuluyang naigalaw ang mga paa. Kumapit siya sa bakal na ng kama at dahan-dahan nang tumayo. Binuksan niya ang pinto ng kwarto.

Tahimik sa buong hallway. Gabi na. Iilan lang siguro silang pasyente dito.

Iika-ika siyang naglakad. Dahan-dahan habang nakakapit ang mga kamay sa dingding ng hallway. Lumiko siya isang pasilyo. Instinct lang ang nagsasabi na dito siya dapat dumaan.

Nararamdaman niya, malapit lang si Kiel.

Nakita niya ang paglabas ng isang nurse sa isa sa mga kwarto. Mabilis siyang pumasok sa nakabukas pinto para makapagtago.

Doon. Sigurado siya.

Hinintay niyang lumagpas ang nurse bago siya lumabas at naglakad. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwartong yon. Nakita nga niya si Kiel na nakahiga sa kama. Halos di na niya ito makilala.

Walang malay. Maraming aparato ang nakabit sa katawan. May ventilator, heart monitor at kung ano-ano pang hindi niya mainitindihan. May tubo itong nakakabit sa bibig at nakabenda ang buong ulo. Nakataas ang isang paa nito na nakasemento.

Mahina ang paghinga. Dinig niya din ang mahinang pagtibok ng puso nito.

"K-Kiel..."

Masakit ang mga tama niya, ang mga bali niya. Pero mas masakit makita ang taong nakapaimportante sa kanya na ganto ang kalagayan.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon