1943
Nakatingin siya madilim na kalangitan na naaaninag niya sa bintana ng attic na pinagtataguan. Nakahiga siya maalikabok na sahig kasama ng mga lumang gamit at mga patapong bagay na nakatamabak sa masikip na espasyo.
Ilang oras na ba siyang naroroon? Isa? Dalawa? Tatlo?
Hindi na niya alam.
Si Angelique, kaya nitong bilangin kahit mismo segundo ng oras na lumilipas.
'Isa... Dalawa... Tatlo. Pierre nakikinig ka ba?'
Kahit papaano, kahit alam niyang madalas niyang kayamutan ito noon, hinahanap hanap parin niya kung paano ito maingay na mag bilang ng bawat pumapatak ang tubig sa sirang tapayan nila sa kusina. Kung paano nito bilangin kung ilang minuto bago bumagsak sa lupa ang mga tatulot ng rosas na pinapalipad nito sa kanyang bintana.
'Mag-ingat ka. Maghihintay ako sa pagbabalik mo.'
Ito ang mga huling katagang narinig niya sa kapatid.
Kailangan nilang maghiwalay. Kailangan.
Mas masisiguro ang kinabukasan ng angkan nila kung kahit isa sa tagapagmana ang mabubuhay sa digmaan ngayon.
At siya ang kailangang magsakripisyo.
Bumuga siya ng hangin. Nakikita niya ang usok na lumalabas sa bibig niya. Napakalamig. Malayo sa klima na pinanggalingan niya.
Hindi ito ang inaasahan niya.
Pransya.
Dito siya pinatapon ng kanyang ama. Pinaiwan nito ang kakambal niya sa Pilipinas. Marahil hindi nito nakalkula na maaring sumugod ang ibang kaalyado ng Axis sa bansang iyon. Hanggang ngayon wala parin siyang balita kung ano na ang nangyayari.
Kinakabahan siya. Pero wala siyang magawa. Para siyang preso sa lugar na yon. Pinapanood lang ang mga lumilipad na mga pandigmang eroplano na dumaadaan sa taas nila.
Nadidinig na niya ang malalakas na pagsabog sa di kalayuan. Binobomba na naman siguro sila.
Hindi nila digmaan ito. Sa mga tao. Hindi sila pwede makialam. Matagal ng tapos ang sa lahi nila. Hindi pa siya pinapanganak noon. Ang sinabi sa kanya, ito ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ina. Ngunit siya ang totoong dahilan noon.
Ibinuwis ng kanyang ina na mailuwal siya noon. Kaya siguro ganoon nalang katindi ang galit nang Mahal na Hari sa kanya. Pinatay niya ang pinakamamahal nitong asawa.
Narinig niya ang paglangitngit ng kahoy na hagdan. Napaupo siya sa sahig. Marahil, isang ministro na hinahanap siya.
Sumilip siya sa maliit na pinto at hinintay na lumitaw ang paparating.
Lalaki. Matangkad.
Hindi ito ministro. Tipikal na panlamig ang suot ng dumating na lalaki, hindi ang itim na robang hanggang talampakan.
Halos kasing edad niya lang ito. Mas matanda sa kanya ng ilang taon pero hindi siya sigurado. Sabi ni Victoria sa kanya, mahirap talagang malaman kung gaano na katanda ang mga tulad nila.
"Why are you here, boy?"
Ingles ang tanong. Walang bahid ng dialektong Pranses. Hindi ito marahil taga dito.
Naglakad lang ito papalapit. Walang pakialam kahit madumihan ang mukhang mamahalin nitong suot.
"Sino ka?" Tanong niya. Mali. Natuyuan na siya marahil ng utak sa sobrang lamig. Hindi nito maiintindidihan ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...