27: And She Falls Further, Still

14.7K 316 7
                                    

Hindi niya mapigilan ang kabog ng dibdib. Ramdam niya ang bawat talim ng talahib na sumusugat sa balat niya habang tumatakbo siya papalayo.

Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makaalis dito.

Napatigil siya. Nasa likod niya lang ang lalaking humahabol sa kanya. Naamoy niya ang mga dugo ng kaibigang pinatay nito kanina kanina lang.

"Tama na," pinigilan niya ang boses na manginig. Natatakot siya. Alam nya kung gaano ito kalakas. Alam niyang wala siyang kalaban laban dito. "Itigil na natin to, Alejandro."

Ramdam niya ang paglapit nito sa kanya. Ang pagyapos ng matitipunong braso nito mula sa kanyang likuran.

"You're mine, Angelique," bulong nito. "Hindi ka nila maagaw sakin."

Bumangon siya mula sa kama at sinuklay ang mahabang buhok. Basa iyon ng pawis. Basa din ng pawis ang damit niya. Ang tagal na din mula ng mananginip siya ng ganoon.

Dahil yon sa pagtawag ng kapatid niya.

Naalala na naman niya ang lahat.

'Is Isabelle there?' Bungad na tanong ni Pierre kay Vicky. Mabilis niyang inagaw ang cellphone nito.

"Piere?! Where the hell are you?!" Sigaw niya dito. Sh*t. "Pano mo nakilala si Isabelle?"

Rinig niya ang mahinang mura nito sa kabilang linya. "She's alright Angie. She will be. Hindi siya masasaktan ni Alejandro." And then he hung up.

That f*cking bastard. That confirms it. Na kay Alejandro ng ang kaibigan niya.

Shit. Sinubukan niyang i dial ang numerong ginamit nito. Out of reach.

Wala na. 

Lumakad siya mula sa kama. Pumunta sa banyo para mag shower. Dinama ang bawat na malamig na patak nito. Sh*t talaga. Pano ba siya nakapunta dito?

Sinaksakan na naman siya ng tranquilizer ni Vicky. Nabasag niya ang marble counter nito sa kusina. Nasira din niya ang cellphone nito.

Di niya napigilan ang galit niya.

Lumabas siya ng shower room. Nag sipilyo at pinunasan ang buhok. Tiningnan ang repleksyon sa salamin.

True blood vampires stop aging on the day of their awakening.

Hindi niya at makakalimutan ang araw na iyon. Iyon din ang araw na nawala ang lahat sa kanya. Sinira ng demonyong yon.

Lumabas na siya ng banyo at sinuot ang robe. May narinig siyang mahinang ingay sa labas ng kwarto niya.

Si Vicky? Anong oras na ba?

Binuksan ang kwarto at sumilip. Tanghali na. Maliwanag ang kabuuan ng bahay. Maaliwalas. Wala si Vicky, di niya maramdaman ang presensya nito.

Naaninag niya ang tao sa labas. Lalaki. Nasa balcony at naka masid sa lang sa nagtataasan gusali sa paligid nila. Nakahubad ang pangtaas nito at nakapajama lang. Naka kitang kita niya kung papaano ng flex ng mucles nito sa likod ng pumihit ito para lingunin siya.

D*mn Kiel.

"Bumalik ka na sa loob," narining niyang sinabi nito. Nakangiti. "Mainit dito."

Tuloy tuloy lang siyang naglakad papalapit.

Nakita niya ang gulat sa mga mata nito ng masinagan siya ng araw.

"Hindi ako nasusunog," kailangan pa niyang kumpirmahin iyon para maalis nito ang pagkakatitig sa kanya. "I'm a trueblood, hindi mo pa ba alam?"

Kung ordinaryong bampira lang siya, sobrang init ng araw ngayon, maabo na.

Napangiti lang ito. "Mainit parin ba ang ulo mo?"

"Medyo," pinilit niya ding ngumiti. Huminga siya ng malalim. "Anong ginagawa mo dito? Overtime ka? Wala akong pang dagdag sa sweldo mo."

"Pinababantayan ka ni Vicky, sisirain mo daw ang penthouse niya pag gising mo." Ngumisi lang ito.

Close na sila?

"Kasama ba sa pagbabantay ang pagbabalandra ng abs mo?" Di niya maiwasang tumingin sa katawan nito.

Damn. Those. Abs.

Asan na yung patpating bata sa eskinita?

Lalo lang lumapad ang ngisi nito. "You like it?"

"Do you?" balik niyang tanong. Nakakatitig din ito sa kanya. Alam nitong bathrobe lang ang suot niya. Bagong shower pa. Hindi na nya kailangang maging mind reader pa para malaman ang tumatakbo sa utak nito.

"Mas gusto ko kung wala na yung robe."

"Don't temp me, Hunter." Napangiti siya. Kahit papaano nawala ang bigat ng nararamdaman niya.

Tumingin siya sa paligid. Kulay asul ang langit. Tahimik. Malayo sa gulo sa ibaba.

Nagulat siya ng pumulupot ang braso nito sa kanya mula sa likuran. Nararamdaman na niya ang bilis ng pag tibok ng puso nito. Ang mga muscles nito.

"Tutal wala ka na namang pampasweldo," bulong nito. Ramdam niya ang maiinit na hininga nito sa kanyang leeg. "Pwede na rin."

D*mn.

"Kung ihagis nalang kaya kita pababa dito?"

Kumalas ito sa kanya. "Mainit parin pala ang ulo mo," tumatawa itong tumingin pababa. "Sabi nga ni Vicky, masama ma kang magalit."

Ano pa ang pinagsasabi ng babaeng yun?

Kumunot ang noo nya.

Saka..

"Akala ko ba acrophobic ka?"

"Hindi naman," ngisi nito. "May hula lang sakin na dito ako mamatay, mahuhulog daw sa mataas na building."

"Huh? Sino naman?" Na curious din siya sa buhay nito. Ilang araw na ba nyang kasama si Kiel?

"Yung matanda sa Quiapo. Matagal na, nung palaboy pa ako."

Napangiti siya. "Naniniwala ka?"

"Oo, sinabi rin kasi niyang makikita kita," Narinig niya ang pag bugtong hininga nito. "Ang babaeng magpapabago ng buhay ko."

Uminit ang pisngi niya sa mga sinabi nito.

Naramamdaman na naman niya ang malikot na isda sa tyan.

Ano ba wala ng alak dyan.

Sh*t lang Raven. Hindi pwede.

"Nag breakfast ka na ba? Baka gutom lang yan?" Pinilit niya pakalmahin ang sarili. Pumihit siyang patalikod at naglakad na papasok. "Magbihis ka na nga, sa labas nalang tayo kumain."

Hinila siya nito papalapit at naramdaman niya ang labi nito sa kanya. Sandali lang ang halik pero parang isang libong boltahe ng kuryente ang tumama sa kanya.

"What th--"

"Pwede nang paunang bayad."

Tinulak niya ito papalayo. Nakangisi parin.

"Bastard, bilisan mo magbihis ka na." Tumalikod siya at mabilis na pumasok sa kwarto. Sinara niya at nilock ang pinto. Napasandal.

Sh*t Raven. Hindi talaga pwede.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon