54: Broken Pieces

13.5K 240 3
                                    

1946

"Saan ka nanaman ba tutungo?" tanong ni Victoria sa kanya.

Kahit kailan, mausisa talaga ang babaeng ito, naiisip niya. Naabutan niya itong nagpupulbo sa harap ng salamin. May pagpupulong na naman siguro. Ilang araw na naman itong mawalala at mga katulong nalang nila ang makakasama niya.

Matagal na niyang nais mapabilang sa pulong. Ang mabisita ang iba't ibang lugar. Ang iba't ibang teritoryo ng ibang angkan. Sawa na siyang makulong sa bahay na ito.

Nagbugtong hininga na lamang siya.

Hindi pa maari. Hindi pa ganap ang pagiging bampira niya. Ilang taon pa ang hihintayin bago lumabas ang kapangyarihan niya. Sa edad niyang labimpito ngayon, mga lima o pitong taon pa.

"Diyan lang, sa tabi-tabi." Sagot niya dito.

"Bakit ka may dalang tampipi? May laman pang mga damit," tumaas ang kilay nito. Napatigil sa paglalagay ng kolorete sa mukha. "Tatakasan mo na ba ang iyong asawa? Baka makatulong ako." Ngumisi ang repleksyon nito sa salamin sa kanya.

Hindi talaga reto si Victoria sa lalaking pinili ng kanyang ama. Ilang araw palang matapos ang kasal, alam na niya pagkadisgusto nito kay Alejandro.

"Ibibigay ko lang ang mga lumang damit kay Pedro." sagot niya dito.

"Sinong Pedro? Yung makisig na lalaki na naghahatid ng gatas dito tuwing umaga?"

Tumango nalang siya.

Makisig? Ni hindi niya makitaan ng kakakisigan ang lalaking yoon. Kahit saan anggulong tingnan, mas lamang ang asawa niya. Batid niya ang balak ng lalaking yun na umakayat ng ligaw noon pa. Pero hindi, huli na. Hindi rin papayag ang kanyang ama.

"Ikakasal na ang kapatid niya, si Krising, natatandaan mo? Ibibigay ko lamang aking mga lumang damit. Hindi ko na rin naman magagamit ito kapag umalis kami dito. Malamig sa Italya, maninipis ang damit ko. Baka magpabili nalang kong bago."

"Bahala ka na nga. Bakit hindi mo nalang ipahatid iyan?" tanong uli ni Victoria.

"Gusto ko ding magpaalam. Aalis na kami sa makalawa, hindi ba?"

"Oo nga pala. Bakit nga ba hindi nalang kayo sumabay kay Pierre? Pinauna pa siya ng iyong ama,"

Nagkibit-balikat nalang siya. Hindi niya rin alam kung bakit. Tatalikod na sana siya ng bigla uli itong nagsalita.

"Angie," seryoso ang tono nito. Luminga linga pa para tingnan ng paligid kung may nakikinig sa kanila. "This would sound weird since you're married," 

Napalingon siya kay Victoria. Anong gustong ipahiwatig nito?

"Stay away from your husband. Not until your awakening. Mas makakabuti din kung mananatili ka muna dito at huwag munang sumama sa kanya."

"Bakit?"

"Kilala ko siya. Kilala ko ang pamilya niya. Nakalimutan mo na yatang halos kasing edad ko ang kanyang ama? Alam ko ang mga nangyari noon sa kanila, kung papaano nakuha ng ina niya ng buong Coven ng Valerius para sa asawa mo." 

Hindi niya talaga maintindihan. Narinig na nga niya ang ilang balita noon noong dumalo siya ng isang piging nila. Ang ina daw ni Alejandro ang dahilan ng pagkamatay ng ama nito. Nagtaksil daw ang ama nito kaya napilitang patayin ng ina para hindi ito iwan at ipagpalit sa iba. Marami pang istoryang kumakalat, hindi na niya pinakinggan. Wala naman maitutulong mga haka-haka nila.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon