Umiikot ang utak ni Raven sa sakit ng magising. Lalo lang nagpalala ditto ang samo’t saring kemikal na naamoy niya sa paligid. Napaupo siya sa leather couch ng marinig ang pagbukas pinto.
"Goodmorning," bati ni Vicky sa kanya. "Or should I say good afternoon, ang tagal ng tulog mo. Ganon ba kalala yung tranquilizer na ginawa ko."
"Try mo kaya sayo." Pabalang niyang sagot dito. Ginawa na naman siyang guinea pig nito sa mga gamot na ginagawa.
Ngumisi lang ang babae sa kanya.
"Dito ka muna sa ngayon habang mainit pa sayo ang mga Hunters. Wala kang choice."
She hates this place. Di siya makahinga.
Nasa isa sa mga kwarto ng laboratory ni Vicky sila ngayon. Sa building na pagmamay-ari nito. Alam niyang pribado ang lugar na iyon at kaunti langang nakakapasok. Maliit lang ang kwarto kung nasaan siya, part lang naman ito ng malawak na laboratyo nito.
Ten square meters sa tansya niyang sukat ng kwarto. Lalo pang pinaliit ng salasalabat na wire na nakakalat sa paligid na di nya malaman kung saan-saan nakakabit. Tulad ng opisina nito company, may malaki ding flatscreen monitor sa dingding.
Madumi ang paligid. Madaming nagkalat na bote sa isang tabi. Maalikabok din.
Shit naman, naturingan CEO ng kumpanya, hindi marunong maglinis.
"Pasensya na. Under maintenance yung ibang room. Dito lang ang may aircon sa office. Pinapaayos ko pa kay Dom ang tutulugan mo."
Opisina pala ito. Akala niya bodega.
Oo nga pala. Wala na siyang apartment na titirahan ngayon. Wala siyang choice kundi magtago muna dito. Pinasabog nila yung LPG tank para mabawasan ang ebidensya. Si Raffy na daw yung bahala sa iba. Sino ba yung babaeng yun na kausap ni Kiel? Nakalimutan atang bangitin ng bodyguard nya ang mga kasabwat nito.
"Wala na bang ibang place?" Reklamo niya kay Vicky. Ayaw niyang tumira sa ganto kaduming kwarto.
"You want my penthouse sa taas? Private din doon."
Napahawak siya sa ulo at sinuklay ang buhok. Daig pa ng sampung hangover ang epekto ng tranquilizer na tinurok sa kanina. Sumasakit din ang balikat niyang sinaksakan nito kanina.
"Asan na si Dom?" Tanong niya. Kung ito ang nagsabi sa lalaking yon, malamang alam nito kung saan makikta si Alejandro.
Kailangan niyang makita si Isabelle. Natatakot siya sa pwedeng gawin ng demonyong yun sa kaibigan.
"Dominic says he's sorry, alam niya kasi marami nang naghahap sayong mga hunters dahil sa bounty ng Daddy mo. So he thought na makakatulong yung lalaking yon,” sabi nito. Umupo si Vicky sa swivel chair at humarap sa kanya. “Hindi naman niya alam na malalim ang issue ng husband mo,"
"Ex." Linaw niya.
"Alright," ngumiti ito sa kanya. "Hindi pa naman official ang annulment ng marriage nyo ha."
"Vicky..." Saway niya dito. Ayaw na niyang pag usapan ng bagay na yon.
"So nakahanap ka na ng bago?" asar pa nito sa kanya habang tila may hinahanap sa makalat na table. "Yung kasama mong fafa kagabi?"
Fafa?
"Shut up." Lalong sumasakit ang ulo niya sa pinagsasabi nito.
"There, found it," bulalas ni Vicky na parang bata na nakakita ng kendi sa basurahan. Maliit na remote control pala ang hinahanap nito.
"That Kiel, he's your bodyguard diba? I found some records and files. Hindi mo naman sinabi na hunters pala ang type mo,"
Pinindot nito ang maliit na remote at bumungad ang napakalakas na liwanag sa monitor. Halos masilaw siya. Nandoon ang mugshot ni Kiel. Medyo bata-bata pa ito sa picture, parang seventeen-eighteen lang ang edad. Di pa nalalayo ang histura nung una niya itong nakita.
"Infairness, gwapo siya nung bata. Pero mas gwapo ngayon." Puna ni Vicky.
"San mo nakuha to?" tanong niya. Pakiramdam niya parang pumitik ang utak niya sa sobrang liwanag. "Asan ba si Kiel?"
"Pwede ba, makinig ka muna sa report ko. Ni research ko pa yan, nag-effort ako."
Binasa niya ang iba pang detalye sa screen.
Q-00649
Ezekiel Martinez
27
Philippines
"O, anong meron?" tanong niya.
Di agad sumagot si Vicky. Pumindot lang ito sa remote at bumungad naman sa kanya ang mga litrato ng anim na babae. Kilala nya ang mga iyon.
Heiresses.
Damn she hate that system. Kumonti ang bilang nila matapos ang ilang sunod sunod na gera. Isama pa ang mga hunters na umuusig sa kanila. Kailangan nilang magparami ng lahi kaya parang hamsters na pinagpares pares ang mga anak ng mga malalaking pamilya. At kasamaang palad nakasama siya dun.
At sa kasamaang palad din, napunta siya sa ayaw siyang tigilan kahit anong pagtakas ang gawin niya. Ilang dekada ding sunod nang sunod ang lalaking iyon. Ilang dekada na din siyang nagtatago.
"Di ko na sila iisa-isahin pa. Nakilala mo na yung iba sa mga soiree noon," dugtong ni Vicky. "Karamihan sa kanila kasalukuyang nawawala. Except kay Mariana," tinuro nito ang babae nasa dulong kanan. South American ito. Anak ng miyembro ng High Council at head ng Coven doon.
"Well, either nagtrending ang pagiging runaway bride mo at talagang ayaw nila sa pinares na lalaki para sa kanila, or--"
"Anong kinalaman ni Kiel dito?" Tanong niya.
"There are records na si Kiel mo ang huling kasama nila bago sila nag lahong parang bula." dugtong nito.
"And what happened to Mariana?" Sa lahat, ito ang nakilala nya ng matagal. They were friends nung nasa Brazil pa siya. Ito ng huling lugar na pinagtaguan niya bago siya bumalik dito sa Pilipinas.
"She was found dead with the ashes of her lover by her side just a month ago," tuloy-tuloy na sagot ni Vicky. "Alam mo naman ang pamilya niya, masyadong mahigpit.”
Sh*t.
Alam niya ang ibang kalahi nila ay gumagamit nang mga hunters para patayin ang kapwa. Mga hunters na pera lang ang katapat.
Kiel was one of them. Malamang may masamang balak din ito sa kanya. Lalong sumakit ang ulo niya.
Pakiramdam niya siya ang may kasalanan ng lahat. Kung sana ay di na nya ito binuhay pa noon.
May isa na siyang sakit ng ulo dadagdag pa ng isa.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...