52: Deep Within

12.6K 269 13
                                    

 

Naamoy ni Isabelle ang mabangong paligid nang magising siya

Madilim pa pero may kakaunting liwanag nang sumisilip sa kurtina. Kakasikat palang siguro ng araw. Mabigat ang mga mata niya. Nakatulog na siya sa pag-iyak niya.

Gumalaw siya at napangiwi. Ang sakit nang katawan niya. Nang leeg. Nang mga kamay at braso. Hindi nya halos maigalaw. Kahit hirap, pinilit parin niyang bumangon.

Tumingin siya sa paligid.

Kahit saan siya lumingon puro malalaking red roses ang nakikita niya. Ito din yung naamoy niya.

Itinaas niya ang kumot, nakita niyang wala siyang damit. Napahawak nalang siya sa ulo ng maalala niya ang lahat. Bumalik na sa isip niya ang nangyari kagabi.

Tumigil na si Alejandro sa paggalaw ng makita siya nitong umiiyak. Nagbago ang tunog tibok ng puso nito. Hindi niya maintidihan kung bakit.

"Isabelle.. I.." Ito lang narinig niya mula dito. Binitawan na siya nito. Lumayo at umupo sa gilid ng kama. Lalong lumalim ang paghinga. Tinakpan nito ng kamay ang mukha. “Damn it, I’m so sorry. Hindi ko sinadsadya.”

Pinilit niyang umupo. Tumalikod siya at inaayos ang sarili at pinunasan ang luha sa pisngi. Niyakap niya ang mga binti para itago ang kahubaran.

Kahit anong gawin niya, di parin tumitigil pagtulo ng luha niya.

Naramdaman niyang tumayo na si Alejandro mula sa kama.

“Damn it!”

Lumingon siya dito at nakita niya ito ng mabilis na naglakad papuntang pinto. Ni hindi siya nito nilingon. Lumabas lang ito at pabagsak na sinara.

Totoo nga ang lahat, hindi iyon masamang panaginip sabi niya sa sarili.

Pinulupot niya ang kumot sa katawan at mabilis na naghanap ng maisusuot. May malaking T-shirt siyang napulot.

Huminga siya ng malalim. Wala na siyang nagawa kundi isuot iyon. Pirapiraso na ang damit niyang nagkalat sa lapag.

Napatingin siya sa mga kamay. May mga pasa iyon. Nangingitim na. May mga sugat siya sa dibdib. May mga marka ng halik. Alam niyang namamaga din ang mga labi niya.

Kinikilabutan siya ng maalala ang mga ginawa ni Alejandro sa kanya. Ang mga halik, ang mga haplos ng mainit na kamay nito.

Namalayan nalang niya na tumutulay na ang sariling kamay sa leeg.

Shet. Ano bang ginagawa ko.Ano bang iniisip ko.

Hindi tama. Hindi tama tong nararamdaman niya. Gusto niyang sampalin ang sarili ngayun din. Muntik na siyang gahasain, ganto pa ang nararamdaman niya.

'You can't replace her.'

Parang nasaksak ng ilang libong beses ang puso niya nang naalala niya ang sinabi nito.

Si Raven parin. Natural lang dahil ito naman talaga ang asawa ni Alejandro. Katawan lang gusto nito sa kanya. Siguro habang hindi pa niya nakukuha ang kaibigan, siya ang balak na gawing parausan nito.

Sabi na nga ba. Tama at di siya naniwala sa mga sinabi sa kanya nito noong nakaraang gabi.

Napahawak si Isabelle sa dibdib at huminga nang malalim. Alam niyang kailangan makalimutan ni Alejandro ang kaibigan niya. Pero hindi naman siya papayag na ibigay dito ang sarili kapalit ng kalayaan niya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon