Malawak ang glass house kung saan nakatanim ang mga rosas. Hindi mahapdi sa balat ang araw na tumatama dito kaya nagagawa parin nilang magtagal sa loob. May gazebo din doon na may lamesa at upuan.
Ang lawak pala ng lugar na to, naisip-isip ni Isabelle.
Yung mismong main house parang palasyo na. Pang mayaman talaga.
"You have to change the water more often, Isabelle," turo ni Sofia sa kanya bang inaayos nito ang ibang bulaklak sa kabilang table. "Well did you?"
Napatango nalang siya. Ang bossy ng bata. Nakakatakot.
Tinanong nito ang mga bulaklak na binigay sa kanya ni Alejandro. Kailangan parin niyang alagaan para manatili yung pamumukadkad nila. Para maging fresh parin kahit matagal ng napitas.
Pambihira naman kasi, hindi naman pala sa sa mokong na yun yung tanim ang mga rose na binigay sa kanya. Pinapahirapan tuloy siya ni Sofia.
Maingat niyang inilipat ang mga rose isa isa sa kabilang vase. Pinutulan niya muna ang dulo nito ng bahagya para makasipsip ng tubig
Kahit papaano nalilibang siya. Hindi na niya mabilang kung pang ilang vase na ba ang inaarange niya at kung pang-ilang araw na rin ba niya itong ginagawa. Bumibilis talaga ang paglipas ng oras kapag may pinagkakaabalahan. Hindi katulad doon sa malaking bahay, pakiramdam niya ilang taon na siyang nakatira doon.
Napalingon siya sa pinto ng glass house. Paminsan minsan kasi, nakikita niya si Alejandro. Nakatanaw lang sa malayo. Hindi na siya nito nilalapitan. Pero kitang kita niya sa mukha nito na pinipigilan lang nito ang sarili.
Nagigising nalang din siyang may box ng regalo sa ibaba ng kama niya. Kay Alejandro galing.
Mga damit minsan ang laman. Mga alahas. Mga libro. Akala naman nung mokong, madadala siya sa materyal na bagay.
Ang hindi lang mawala sa isip niya, yung ilan sa mga maiiksing sulat nito kasama ng mga regalo.
‘I can’t stop thinking about you, I can’t stop wishing you are here in my arms again. Until forever, my love. My Isabelle.'
May kasama pang rose. Napakagat lang siya ng labi pag naalala niya.
Oo na, kinikilig na siya. Malay ba niyang romantic pala yung manyak na mokong na yon.
Pero nagtataka siya, wala ngayong araw wala si Alejandro sa paligid. Hindi nagpakita. Asan kaya yung mokong?
"Madame." Yumuko ang isang maid sa kanya bago kinuha ang isang vase na natapos na niyang iaarrange. Tumango nalang siya.
Nakakailang. Masyadong magagalang ang mga tao dito. Lalo na kapag kasama niya si Sofia.
Di din niya alam kung bakit kailangang may tatlong naka-uniform na maid na nakapaligid sa kanila. Apat kanina, lumabas na yung isa kasama yung vase. Ihahatid sa isa sa mga kwarto. Isama pa yung kambal na puti yung buhok.
Sila yung pumatay kay Giovanni. Naalala pa niya kung papaano pilipitin ng mga ito ang leeg ng lalaking yon.
Nakatingin lang ito sa kanila. Hindi kumikilos, nakabantay lang.
Ano ba itong mga ito? Royal Guards?
Pero ok na din. At least may nakakausap siya, si Sofia. May sumasagot sa mga tanong niya.
"You'll adjust to our system, Isabelle," ngumiti si Sofia sa kanya nang napansin nito ang pagmamasid niya. "I really don't know if Alejandro will let you stay here for good. Don't worry, until he finds a proper mate, you won't be discarded. Magtatagal pa ang buhay mo."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...