36: A Burden to Keep

15.4K 319 22
                                    

Hindi maintindihan ni Raven kung bakit aligaga si Vicky.

"Ano bang meron?" Tanong niya dito pagtapak palang ng laboratory.

Sari-saring chemical ang naamoy niya. Lalo na yung amoy ng formaldehyde na umaalingasaw pag pasok.

 “Vicky?”

Di parin siya nito sinagot. Napahawak lang ito sa batok at tuloy tuloy habang nakasunod siya. Pumasok sila sa maliit na kwarto na nagsisilbing opisina.

Dito siya nagising noong isang araw, natatandaan niya. Makalat parin pero maaliwalas na ang amoy sa loob.

"Are you ok, Vicky?" Tanong niya uli.

Mukhang di pa nga ito nagpapahinga. Namumutla na. Malalim na ang mga mata. Nahalata na niya iyon dahil wala itong make-up ngayon. Typical vampire na ang hitsura. Mukhang ilang linggo na rin itong hindi umiinom ng dugo.

"Ok lang ako." Sagot nito sa kanya.

Napansin niya ang halo-halong mga papers sa lamesa nito. Lalo na ang isa sa nandoon.

SA-03 Valerius

Bakit may file ng Coven na iyon dito? Anong SA-03?

Narinig niyang bumukas ang glass door nito. Pumasok ang babae. Early twenties siguro. Nakapusod brown nitong buhok. Makinis. Mukhang may kaya bago ito-- d*mn, another one?

Natigilan ang babae nang makita siya. Naamoy yata ang dugong nasa damit niya. Kitang-kita niya kung papaano pumula ang mata nito. Napalunok habang nanginginig na nilapag ang dala nitong tasa. "H-here's your coffee."

"Thanks Liz. Pakikuha mo na din si Raven."

“No, I’m good.” Tanggi niya.

Tumango lang ito at nagmamadaling umalis.

"What the hell Vicky, she's new?" Tanong niya pagkaalis nito. "Alam ba ito ng High Council? Ni Dad?" tanong niya.

It was Vicky's blood that changed that girl. Bago palang kaya naamoy niya. Pero bakit?

"Your Dad knows, and I don't care about the High Council. Mas nakakatataas naman ang Daddy mo sa kanila so ok lang ito."

Tumaas nalang ang kilay niya. "Why?"

Yung receptionist na pang-gabi at yung ibang mga gwardiya kasama sa mga iyon, though hindi si Vicky ang nag-sire, alam niyang under din ng Coven nila. Hindi niya mahulaan kung anong binabalak nito. Kung bakit nito pinapadami ang bilang ng mga members nila. It's like they are going to wage war or something na kailangan nila ng maraming tauhan.

“Naghahanda lang ako. You know all these troubles that your dad is causing,” sagot nito. "Kailangang may maiwan dito para sa negosyo ko."

Lalong kumunot ang noo niya. "Her?"

"Oh, c'mon Angelique. Look at Liz. She's pretty, kamukha ko, I can pass her as my niece or daughter. Walang maghihinala kapag nawala ako bigla."

Napaupo siya sa silyang andoon.

It makes sense actually. Fifteen years na ring hawak ni Vicky ang Victory Pharmaceuticals. Sa totoo lang marami na ring naghihinala kung bakit hindi nagbabago ang hitsura nito. Mukha itong nasa mid twenties pero ang pakilala nito sa mga tao ay thirty-eight na. But since gamot at health supplement nga ang products ang company, Vicky can always point out that it's because of the supplements that she's taking. Which is a good thing, nakakapagpataas yon ng sales.

Pero hindi naman pwede forever na ganoon. Magtataka at magtataka parin ang mga tao.

"Enough of these. Bakit mo nga ba ako kakausapin? And who's Luna?"

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon