"It's nothing."
Ito lang ang nasabi ni Raven kanina bago sila lumabas ng kwarto.
It's nothing. Nothing talaga. Saka bakit ba niya kailangan pa niyang i-explain kay Kiel. Ano ba nya ito? Bodyguard lang naman niya.
Alas singko na ng umaga. Naglilipit na ng mga kalat sa bar sina Dom at ang iba pang staff. Inihahatid na ang mga lasing na lasing na tao na nakatulog na sa loob.
Napanguso nalang siya. Isa sa tatlong bampirang naroon kanina ang naiwan. Target nito ang babaeng naka black mini dress na nakasalampak sa sahig. Lasing. Sabog. Ewan.
Typical vampire scheme, she thought.
Ihahatid kunwari ang biktima, pero bago yun, alam na. Mabubuhay pa naman, wala pa siyang naririnig na tinutuluyan ng mga ito.
A pint of blood wouldn't hurt. Hindi naman karaniwang nahahalata ng biktima na nakuhaan na sila ng dugo. Parang matinding hangover lang ang mararamdaman pag gising sa umaga. Ni hindi nga nag iiwan ng sugat o kahit anong marka ang kagat nila.
And speaking of hangover. Napatitig nalang siya sa katabi.
Ten bottles of Red Horse. Awesome Kiel. Awesome.
Ang dami nang nainom pero parang walang nangyari. Kalmado parin ang tibok ng puso nito. Naka upo lang sa barstool katabi niya. Nag yoyosi. Puno na halos ang ashtray na nasa harap. Hindi na siya nito kina usap pagkalabas ng safe room. My god? Ilang kaha na ba?
Napaismid siya.
Mukhang di pa naman ito lasing. Siya ata.
Imposibleng mangyari. Downside ito ng pagiging bampira. And being a trueblood, mas malakas talaga ang resistance niya sa alak. Sana nga pwede siyang malasing sa kakainom nitong Blue Margarita sa harap niya, para naman kahit papaano, maranasan niyang maging manhid sa problema.
Shit, ano ba kasalanan ko sa mundo. Bakit ako ginaganito?
Bakit ba ako pinamimigay kung kanikanino ng Daddy ko?
Ang tanda tanda ko na ano ba?!
And sh*t. Si Ish, nadamay pa sa kalokohan ko.
Ano ng gagawin ko ngayon?
"Ihahatid na ba kita?"
Halos napatalon siya sa gulat sa sinabi ni Kiel. Naptigil siya kakaisip. May caffiene ba ang alak at naapektohan ang sistema niya?
"Where?" tanong niya dito.
"Saan ka na tutuloy ngayon?" pinatay nito sa ashtray ang huling sigarliyo na nasa bibig.
"Dyan sa tapat," yumuko siya at inilapat ang braso sa table. Ayaw pa niya sanang umalis. "Victory Towers, penthouse."
"Baby Rave, sarado na kami," ani ni Dom habang nililinis at inaarange ang mga baso sa lalagyan.
Malambing na uli ito. Pero nakakakilabot ang hitsura nito kanina. Ngayon lang uli nangyari ito, yung sobrang galit na galit.
That bastard hunter, may sinabi din ito tungkol kay Kiel. Kaso mukhang badtrip ito kaya di na niya naitanong kung ano.
"Hinahanap ka na din ni Vicky sakin." dugtong pa nito.
Naglabas lang ng card si Kiel para bayaran lahat ng nainom nila. "Tara." aya nito.
Wait, he's paying? How cute.
"Raven?" Napatanong nito ng napansing nakakatitig na siya ng matagal.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...