58: Old Flame

12.2K 240 0
                                    

Sumakay na ng elavator si Raven papaakyat sa laboratoryo ni Vicky. Nag-aalala siya kung ano na ang nangyayari doon.

Dinala muna ni Kiel si Fritz sa bar habang wala di pa malinaw sa kanila ang relasyon nito kay Vicky.

Mamaya pa ang bukas noon at nandoon din si Dom. Kahit gumawa pa nang masama yung Fritz na yon, kayang kaya iyon patumbahin ng bartender na yon sa tingin niya--

Napatapik siya sa sariling noo sa naalala. Sh*t.

Andon na nga rin pala yung grupo ng mga regular sa bar ni Vicky. Binalaan na siya ni Dom kanina.

Kinapa niya ang bulsa, wala nga pala ang phone niya sa kanya. Naiwan sa kwarto. Di niya matatawagan.

Sh*t talaga, bakit ngayon pa. Ngayon pa siya inatake ng pagkatanga niya.

Naabutan niya si Liz na tulala paglabas niya ng elevator. Halata sa mukha nito ang pag-alala.

Wala na doon si Vicky pero sigurado siyang nagwala yung babaeng yon. Sira na ang mga gamit sa laboratory. Pati ang mga glass partition basag na lahat. 

Pati yung salaming bintana. Mukhang doon hinagis yung file cabinet na bumagsak. Pumapasok ang malamig na hangin sa loob. Nagliliparan na ang mga nakakalat na papel.

"M-Miss Angelique, g-galit na galit siya." Sabi sa kanya ni Liz.

"It's ok Liz," sabi niya. Mukhang na-trauma yung babae sa nangyari. Mabuti nalang din at di ito nasaktan.

"Saan siya pumunta?"

"S-aa penthouse."

Huminga siya ng malaim bago nagsalita. "Magpahinga ka na Liz I'll take care of her." Saka tuluyang umalis.

Malala nga ito, naisip niya. Ngayon lang niya nakitang nagkaganito si Vicky.

Patay ang ilaw sa buong penthouse ng marating siya doon. Mga ilaw lang galing sa labas ng building ang maaninag sa loob.

Dahan-dahan siyang naglakad papasok nang may narinig siyang mahinang paghikbi.

Umiiyak. Si Vicky. Kelan pa ito natutong umiyak?

Nadatnan niya ito sa isang kwarto at nasa kama, nakayuko at nakaupo lang sa isang sulok.

Tulad ng opisina nito, mukhang nagwala rin si Vicky dito. Nagkalat ang mga bubog ng lampshades at mga vase na basag. Kung saan-saan na napunta yung mga unan at kumot. Mukhang naihagis din nito ang bedside table. Nagkalat na rin sa sahig ang ilang syringes nang tranqulizer na tinatago doon.

"What do you want?" mahinang tanong nito sa kanya.

“Are you okay, Vicky?” Stupid question, she thought. Ofcourse she’s not okay.

"I’m ok," sabi nito. Basag ang boses, halatang umiiyak. Inangat nito ng sandali ang mukha para tingan siya, napansing nagkalat na din ang eyeliner nito. "Kung may kailangan ka sabihin mo na."

"You didn't tell me about your mate." Sabi niya dito. Lumapit na siya at umupo sa kama, Pasimple niyang kinuha ang isang syringe sa sahig.

"That was a long time ago, ni hindi ka pa nga pinapanganak noon,” dinig niya ang paghinga nito ng malalim. “So you think I’m pathetic now, do you?”

Umiling siya. Sa totoo lang naguguluhan siya kung paano nangyari yon. Bakit itinago ni Vicky?

 "He's from Schwarze. Magkalaban kayo ng Coven diba?" tanong niya. "Kalaban nila tayo."

“I was young, and stupid. I did loved him Rave,  I believed in him. We we’re the Romeo and Juliet of our time. Akala ko mapaninindigan niya iyon,” sabi ni Vicky. "It was over when he chose his family’s ambition over me. Hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya."

Alam naman niya kung paano napunta ito sa poder ng Coven nila. Nakatakas si Vicky ng minassacre ng Schwarze ang pamilya nito.

Her Coven was the most powerful during that time. They were the Royal’s. The Sang-Real. Their bloodlines can be traced directly from the Ancients. Pinamalakas kaya pinakakinakatakutan din.

Noong panahong yon, nakababa ang turing sa mga ibang Coven ng Sang-Real. Mga tagapaglingkod. Mga alipin. Nagrebelde ang Schwarze dahil doon.

It was a bloody rebellion. And Vicky was the only one left..

"Oo nga’t itinakas niya ako. Dinala niya ako sa Coven ng Daddy mo at iniwan niya ako doon,” sabi Vicky. Dinig na dinig ang paghikbi nito. “Siraulong lalaki. Di mapagkakatiwalaan. Ang sabi niya babalik siya para kunin ako. Naghintay ako. Alam mo ba kung gaano katagal yun? Tapos malalaman ko na bumalik siya sa Coven nila para tulungan pang patayin ang pamilya ko. Bwisit siya. Kung di lang siya member ng High Council, napira-piraso ko na sana ang lalaking yon.”

So, alam pala niyang member ng High Council ang isang yon, Naisip ni Raven. Pero bakit nandito yung lalaki? At nakita niya kanina, mukhang sabik na sabik itong makita si Vicky.

“Anong kailangan niya?” tanong niya.

Gumalaw na si Vicky sa pagkaka-upo. Ibiniba nito ng kaunti ang neckline ng suot na damit. Nakita nga niya ang mga marka doon sa bandang dibdib nito. Hindi nga kapansinpansin dahil laging nakatago.

“See this, Raven?  He marked me. And I did marked him. Siguro wala na talagang choice kundi balikan ako,” sabi nito. “You know we can only mark a person once in our lifetime. Pagtapos noon, di na pwede sa iba. Alam mo naman sigurong namatay na yung Head ng Schwarze diba? At siya na ang bagong pinuno nila.”

“So he needs you… to produce an heir.”

Ganoon naman talaga. Kaya nga habol ng habol si Alejandro sa kanya noon pa. Ang kaibahan nga lang ay hindi siya nito nalagyan ng mark.

Nagtangka oo. Parang ramdam parin niya ang pagkakagat ng demonyong yon sa leeg niya bago—napatungo nalang siya sa naalala. Siguro, ay di talaga sila para sa isa’t isa.

Napangiwi si Vicky sa nasabi niya. “Yes, yun lang. As if papatulan ko pa siya matapos ang ginawa niya,” inayos na nito ang suot. At yumuko uli. “Please Raven, paalisin mo na siya. Ayoko siyang makita.”

Niyakap nalang niya ang babae. Ramdan niya ang pagkabalisa nito. Ngayon lang talaga niya nakitang nagkaganito si Vicky. Kung dati, mukhang nakakatakot na boss ng aura nito, ngayon parang teenager na nakikipagbreak sa boyfriend nitong niloko lang pala siya.

Nakaawa.

“I think you should rest.” Sabi niya dito.

“May gagawin pa ako, Rav—“ di na nito itinuloy ang sasabihin ng itinusok na niya ang tranquilizer sa leeg nito. Mas mabuti siguro kung magpapahinga muna si Vicky, sa tingin niya. Masyado na itong maraming ginagawa.

Naramdaman niya ang pagkalma nito. Tumalab na agad ang gamot.

“Ako na ang bahala sa kanya. Matulog ka muna.”

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon