Nagbugtong-hininga nalang si Isabelle sa loob ng library. Kumuha siya ng ilang libro sa shelf para bitbitin sa kwarto niya. Doon niya balak basahin ang mga iyon.
Wala dito si Bulan, sa isip-isip niya. Hindi rin niya mahagilap kung saan ito nagtatago. Gusto sana niyang makausap uli ito. Ang dami niyang gustong itanong para maliwanagan naman siya sa nangyayari sa paligid niya.
"Hello there!"
Napalingon siya sa pinto. Nakita niya si Pierre na naglalakad na papasok ng library. Nakangisi ito sa kanya. "Sabi na nga ba nandito ka."
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Oh, c'mon Ish. Minsan na nga lang kitang masolo eh."
Mga ilang araw na rin itong nandito sa Paradiso. Palagi nga niya itong nakakasalubong sa hallway. Minsan nakatanaw lang sa kanya mula sa malayo. Mukhang binabantayan talaga siya.
Kaso hindi naman ito makalapit dahil lagi naman niyang kasama si Alejandro. Halos di na nga humiwalay sa kanya yung mokong na yon simula noong nag-usap sila doon sa may pool. Lagi na siyang sinasamahan kahit saan siya pumunta. Maski sa pamimitas niya ng mga roses sa Greenhouse ni Sofia. Lagi tuloy aburido yung bata sa kanya dahil nakakaistorbo daw ito.
"Magbabasa ka rin ba?" Tanong niya kay Pierre. Tumitingin din kasi ito ng mga libro sa shelf.
Ngumisi ito. "No, hinahanap kasi kita. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa kanya.
"May..." Huminga siya ng malalim at niyakap ang mga libro sa dibdib. "Hinahanap ko si Bulan. Nakita mo ba?"
"Si Luna?"
Tumango siya.
"Don't worry about her, Ish. Makikita mo rin siya. Hindi naman siya makakalabas dito sa Paradiso," sagot ni Pierre. "She's a prisoner, dito siya nakakulong."
"Hala? Bakit?"
Nagkibit-balikat si Pierre. "Something happened. Alam mo bang siya daw yung pumatay sa Dad ni Al?"
Tumango nalang siya. So, iyon pala ang parusa ni Bulan, naisip niya. Pero di naman niya ginawa iyon diba? Ang sabi ni Bulan sa kanya, si Alejandro ang pumatay sa--
"Kumusta ka na, Ish?" Doon niya napansin na napakalapit na pala ni Pierre. Nahawakan na rin nito ang pisngi niya at dahan-dahang inaangat. "May ginawa na naman ba siya sayo?"
Umiling siya. Iniwas niya ang mukha sa kamay nito. Napaatras siya tuloy sa isang malaking poste sa library.
"Bakit ka nga pala nandidito sa Paradiso? Di ba, hindi ka naman member ng Valerius?" Tanong niya.
"I have to serve him Isabelle, isa rin iyon sa parusa ko bukod sa chip dito sa dibdib ko. Hanggang Head ng Coven si Al, kailangan ko silang pagsilbihan,” paliwanag ni Pierre. “Ewan ko ba sa kanya kung bakit binuhay pa ako noon. Siguro dahil magkaibigan kami dati,” humakbang pa ito uli papalapit kanya.
“We use to be best buddies way back. Siya ang nagturo sakin ng tamang paggamit ng pysch. We shared everything. Secrets, drinks… women.”
Napahawak siya sa dibdib ni Pierre para pigilan ito sa paglapit pa. “T-teka..”
Tumawa ito sa ginawa niya. "You know, Ish. You should stop doing that." Sabi nito sa kanya.
Napaangat siya ng tingin dito. "Ano?"
"You are holding my chest. My heart, Isabelle," halos pabulong nitong sambit. "Gesture yan sa amin ng nagtatapat ng pag-ibig sa mga tulad namin." Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampiriEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...