He shot it!
Kitang-kita niya kung papano bumagsak ang katawan mula sa taas ng isang building. At alam niyang head shot din ang tama nito. Halos fifty feet ang layo ng target mula sa itaas ng isang building na malapit pero nagawa parin itong barilin ni Kiel.
Malayo na yun sa distansya na kaya ng senses niya.
Pero si Kiel? Tao ba talaga ito?
"Snipers. Meron pa sa kabilang building," sabi nito pagbitaw sa kanya. Itinago nito ang baril at mabilis na binukasan ang pinto ng likod ng bar. "Pasok na sa loob!"
Rinig na rinig nya ang dalawang balang tumama sa bakal na pinto bago pa man ito tuluyang maisara.
"P*ta, ayaw parin tumigil," bulong ni Kiel. Kitang-kita niya ang pagka-inis nito. "Umalis na tayo dito."
"Baby Rave!" Sigaw ni Dom sa kanila. Nakita siguro nito ang paghangos nila papasok.
"Hunters, sa labas." Sabi niya paglapit niya dito. Alam niyang naalarma din ang ibang bampirang naroon. Pero tuloy parin ang tugtog at wala paring pakialam ang mga tao. Maingay parin. Masaya.
"I'll secure the perimeter," nagbago ang boses ni Dom. Lumalim. Sumenyas ito sa mga bouncers, sa security, pati sa tatlong kalahi nilang naroon. Naging alerto na ang lahat.
"Walang makakapasok na Hunters dito," tumingin ito ng matalim kay Kiel. "You're still alive?"
Ngisi lang ang sinagot nito.
"Oh shut it, Dom," napairap nalng siya. Malamang alam ni Dom ang binalak niyang gawin kay Kiel kanina. "Call Vicky, now."
"Just go. Ako na bahala," sabi ni Dom sa kanya. Iginiya sila sa isang pinto. "Doon muna kayo sa safe room,"
"And I'm watching you Hunter." Habol pa nito bago pa man sila tuluyang makapasok.
Tuloy-tuloy sila sa isang mahabang corridor. Nakasunod si Kiel sa kanya.
Para sa sampung milyon gagawin ng mga Hunters na yun ang pasukin ang teritoryo nila? Nagawa na nilang magulo ang apartment niya, maraming tao ang nakakita. Nang nakadinig. Desperado na yata talaga ang mga iyon sa pera.
Binuksan niya ang pinto sa dulo ng corridor.
"Dito. Pumasok ka na." Sabi niya ng nakitang nakatunganga lang si Kiel sa kanya.
Maliit lang ang kwarto. May isang two seater sofa at bakal na silya na halos kinakalawang na. Carpeted ang sahig pero maalikabok ang paligid, halatang napakatagal nitong hindi nagamit.
Kita rin ang mga bakas ng tuyong dugo sa paligid.
Safe Room? Mukhang alam na niya ang silbi ng kwartong yon.
"What?" Tanong niya kay Kiel. Nakatitig lang sa kanya, kanina pa. Alam niyang may gusto itong sabihin sa kanya. "Magsalita ka na kung may sasabihin ka. Hindi ako mind reader no."
Kailangan ko pa bang tutukan to ng baril?
Shit. Silang dalawa lang pala sa kwarto. Naramdaman niya ang pag-init ang pisngi. Tumalikod siya para di makita ni Kiel ang pamumula niya. Naalala niya yung ginawa niya kanina.
Focus. Saway niya sa sarili. Huminga siya ng malalim. It was only a kiss.
"Hindi sila titigil sa tingin ko." Seryong sagot ni Kiel.
"Ganon ba talaga sila ka mukhang pera?" Napaupo siya sofa. Binalewala ang alikabok nito.
Kung laging may bubuntot sa kanyang mga hunters, mahihirapan siyang tuntunin kung saan dinala ni Alejandro si Isabelle.
41 20 KARINA
Hindi maintindihan ang nakasulat sa papel na bigay ni Dom. Adress ba ito?
Napapikit siya at napahawak sa noo. Tumatakbo na ang oras. Wala sanang gawin ang demonyong yon sa kaibigan nya.
"Hindi lang naman pera ang reward sayo,"
Napamulat nalang siya ng umupo Kiel sa tabi niya. "More than that. Hindi naman talaga hunters na yon ang humahabol sayo, yung mga amo nila."
Amo? "What is it then?"
Hindi na nito nasagot ang tanong ng may biglang bumulaga sa pinto.
Lalaki. Caucasian. Nakaitim.
Kitang-kita niya kung paano ito bumagsak sa sahig na parang inihagis na basahan.
Nakatayo na si Kiel, nakaharang na ang katawan nito sa kanya. Pero mukha namang wala ng laban ang lalaking nakadapa sa sahig.
Three ribs cracked. Dislocated shoulder. Bukod dun malaking butas ito sa leeg na parang natuklap na balat. Nakagat ito. Amoy na amoy niya ang pag tulo ng sariwang dugo.
Pero parang may mali.
Balewala lang ang lahat ng damage sa katawan sa lalaki. Tumatawa pa ito na pilit tumayo.
"Sorry for that Baby Rave." Rinig niyang sinabi ni Dom pagpasok ng kwato, bumalik ang malambing na tono ng boses nito. Binitbit ang lalaki patayo na parang napakagaan na manika at inuupo sa bakal na silya. Nakita niya ang tattoo nito sa kamay.
"Hunter?"
"Yes Raven, nahuli yan ni Simon," dinig niyang sabi si Victoria. Tuloy tuloy ito sa kwarto na may hawak na hand cuffs.
"Nagutom yata yung lokong yun. Nangagat." Kaswal nitong sabi habang pinosasan ang bihag na hunter upuan.
Simon? Isa yata sa mga bampirang naroon. Hindi na siya nag usisa pa.
"Bitch!" Mura ng bihag na hunter pag layo ni Victoria. Nabaling ang tingin nito sa kanya. Ngumisi.
"Oh, hello there princess."
At kay Kiel.
"Six - four -nine."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...