Maingay na ang bar ng pumasok si Raven. Madami ng tao. Magulo. Mausok.
Katapat lang ang bar nang building na tinutuluyan niya kaya nilakad lang niya ito. Ni hindi siya nagpaalam kay Vicky na lalabas siya ngayon, pipigilan siya nito kapag nagkataon. Buti at kasalukuyang busy ang babae sa labroratory nito kaya nakatakas siya.
Tatlong vampire ang nandodoon na nakikihalo sa mga tao. Ang bar ni Vicky ang madalas na hunting ground ng mga kalahi niya. Nawawala ang inhibisyon ng mga tao kapag nakatikim ng alak o ano pa man. Mas madali magtiwala. Mas madali makuha. Hindi na nila namamalayan na nakuhaan na sila ng dugo paggising.
Madami na ring tao sa dance floor, nagsasayaw sa music na pinapatugtog ng DJ. Kailangan pa niyang sumiksik bago makarating ng bar kung saan andoon ang hinahanap niya.
"Rave!" Sigaw ni Dom nang makita siya. Bukod sa bodyguard, bartender-slash-manager din ito ng bar na pag-aari ni Vicky. Dito siya laging nakatambay kaya madalas siyang makita nito.
"I'm so--"
"Shh," Saway niya. Mainit pa din ang ulo nya. Wala siyang balak makipagbiruan. "Not now, Dominic,"
Naupo siya sa bakanteng bar stool. Sa pinakasulok at pinakamadilim. Iyon lang parte ng bar na may malaking espasyo at kakaunti ang tao. Sinundan siya ni Dom matapos utusan ang iba pang bartender doon.
"I need to talk to you. Paano mo nacontact si Alejandro?" mabilisang tanong niya. Malayo naman ang mga ibang bampira. Nasa dance floor. Busy. At kahit pa madinig siya, wala na siyang pakialam. "San ko siya makikita?"
"Rave, are you going to--"
"Stop this shit, Dom. Kung hindi mo alam, malaki ang atraso sakin ng demonyong yon!" napagbagsak niya ang kamay sa bar table.
"Sorry na. Akala ko kasi..."
"He's my ex-husband. Ex. Ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya."
Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang pigilan ang sarili. Maraming tao. Mahirap kung magwawala siya dito.
"He went here, Baby Rave. Hinahanap ka niya," mahinahong sagot ni Dom. Bahagya itong yumuko na parang iiyak na bata.
Baby Rave. Mahilig talaga itong tawagin siya nang ganoon. Palibasa mas matanda sa kanya ito. Malambing din ang pagkakasabi, nagpapaawa. Malayo sa hitsura nang nagsasalita. Nasanay na siya sa pag-iiba ng asal nito. Dissociative identity disorder ang meron ito sa tingin niya. Alam niyang matindi ang pinagdaanan ni Dom kaya may mga ganoon itong klaseng moods.
"Nasa panganib ka daw." Tuloy ni Dom.
Nasa panganib? From him?
"And you believed it?" Tanong niya dito.
Wala pang nakakapagsinungaling sa kanya. Malaki ang naitulong ng mahabang taon na pakikisalamuha sa iba't ibang klaseng tao. Napag-aaralan na niya kung sino ang nagsasabi ng totoo sa hindi sa pamamagitan ng pagkilos at pagbilis o pagbagal ng tibok ng puso.
Sa case ni Dom, alam niyang totoo ang sinasabi nito.
"Baby Rave, I'm so sorry. Kaya ko lang nasabi sa kanya kung saan ka nakatira ngayon dahil doon. Alam ko ang reward ng Daddy mo. Ang dami ko nang naririnig dito na nagplaplano kung paano ka makukuha," sabi nito. Luminga-linga pa ito sa paligid. Sinisipat ang mga kauri nilang naroon. "Nag-aalala lang ako."
Maski pala ang ibang bampira dito interesado na sa kaniya.
She sighed. "Alam mo ba kung san siya makikita?"
"I don't know," sagot nito. May kinuha ito sa bulsa ng polo nito. Isang papel ang inabot sa kanya.
"But he did gave me this, ibigay ko daw sayo kapag nakita kita."
41 20 Karina.
"Ano yan!" May biglang umagaw sa kanya ng papel sa galing sa likuran.
"Kiel!"
D*mmit. Bakit hindi ko naramdaman ang paglapit niya?
"Hey, my princess," nakangisi nitong sabi sabay upo sa katabing stool. "Did you miss me?"
"Akin na yan!" Sabi niya dito, sabay agaw uli ng papel at nilagay sa bulsa.
Shit. Ito pang isang problema.
"What are you doing here Hunter?" Galit na tanong ni Dom. Nag-iba na ang boses nito. Malalim.
Mood swings... mahirap ito. Lalo na masama ang unang enkwentro nila kagabi.
"Bodyguard ako ni Raven."
"You're not welcome here."
"What, akala ko ba freezone to? Pwede kami ditto."
"Not for you."
"Kiel, Can we talk?" Putol niya sa pagtatalo ng dalawa. Masama na ang tingin nito sa isa't isa. Baka magkagulo pa. Delikado.
"In private."
"Sure," nakangising sagot nito sabay tayo. Mukhang iba ang nasa utak nito. Magagamit niya iyon. "Tara."
"Baby Rave.." Sabat ni Dom ng makitang patayo na din siya.
"I can handle this Dom," paalam niya dito. "Don't tell Vicky."
Hilahila niya ang Hunter sa braso palayo at papunta sa may fire exit ng bar. Binuksan niya ang bakal na pinto at lumabas.
Sinundan siya ni Kiel, ito na rin ang nagsara ng pinto.
Madilim sa eskinitang iyon. Wala ng tao at malayo sa maingay na tugtugan sa loob. Nakatambak din ang basura at hindi na ginagamit na bagay ng bar.
Parang ganto rin ang eskinita kung saan sila unang nag kita.
"Ano nangyari sayo?" Tanong niya. "Hindi ka na nagpakita sakin simula kagabi."
"Pinalayas ako nung sinugod mo, pinakaladkad ako sa guard." Napakamot ito ng ulo, parang batang nahihiya.
Shit, don't give me that look.
"And?" Naramdaman niya na bumilis ang pagtibok ng puso nito nang lumapit siya nang isang hakbang.
"She told me she's your Aunt. Hinayaan ko nalang," sagot ni Kiel. Napaatras ito sa paglapit niya. Napasandal sa sementong pader.
Aunt? Napangisi nalang siya. Si Vicky talaga.
"Hinintay nalang kita. Nung lumabas ka ng building--"
Napalunok si Kiel nang lumapit pa siya. Halos magkadikit na ang katawan nila.
"Sinundan mo ako dito," tuloy niya.
Nararamdaman ang init ng hininga nito.
Ng katawan nito.
Dahan-dahan niyang pinadaan ang kamay sa dibdib nito papababa. Nararamdaman niya ang bawat paggalaw ng muscles nito.
Damn this.
Nakita nya ang pagtataka ng tumingala siya. "Kiel."
"Hindi kasama ang pagiging midnight snack sa trabaho ko Raven." Halos pigil nitong sabi.
"Shut up, Hunter," hinila niya ito palapit.
"Kiss me."
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...