"Raven," Tawag ni Kiel habang nakahinto ang motor nito. Naka-red light. Lumingon ito sa kanya at medyo iritable na ang tono nang boses. "San ba talaga tayo pupunta? Mag-iisang oras na tayong umiikot dito."
"Diretso lang, malapit na." Sumenyas siya dito.
Sa totoo lang, di din niya alam kung saan sila pwedeng kumain. Three thousand nalang ang cash niya. Yung cards niya, wala na siyang balak subukan pang tingan. Sigurado pag nagswipe siya kung saan, madali siyang mahahanap ng Daddy niya.
Nag-green na ang traffic light. Mabilis nitong pinaandar ang motor. Buti nakakapit siya agad sa bewang nito ng mahigpit. Manipis na jacket lang ang suot nito ngayon. Naramramdaman na niya ang bawat kurba ng muscles nito.
Marami na siyang nakitang katawan ng lalaki. Mas malaki pa at mas-toned. Pero pag naaalala niya ang katawan Kiel kanina at nasisinagan ng araw, yung balikat na malapad. That chest and those super toned abs, nag-iinit ang pisngi niya.
You and your perverted thoughts Raven -- grrt.
Narinig niya ang ungol ng tyan nito.
Nakalimutan pala niya, di pa ito kumakain. Alak lang yata ang laman ng tyan nito kaya mainit na ang ulo. Kung siya nakakatagal ng gutom, malamang si Kiel hindi. Tao ito, di tulad niya.
"Doon nalang." Sabay turo ng malaking letter M sa taas ng isang poste. Lunch time ngayon maraming tao ang kumakain sa fastfood. Mas maraming tao, mas safe.
Saka isa pa wala na akong pera.
"Drive thru? Sana nagpadeliver nalang tayo."
Napakagat siya ng labi.
Oo nga naman. Bakit naman kasi naging flirt to ngayon? Hinalikan pa siya. Natuliro tuloy ang utak niya.
"Doon nalang tayo kumain sa loob."
Napa 'tss' nalang ito at tumigil ng nakarating sila sa sikat na fastfood chain. Agad siyang bumaba at tinanggal ang helmet saka binitbit. Umakyat na siya sa hagdan para pumasok.
"Tara na, bilis!" Aya niya dito nang lumingon siya.
Nakaupo parin ito sa motorsiklo. Pinagtitinginan na nang dumadaan. Ang gara naman kasi Ducati, lalo na nang nagtangal na ito ng helmet at binuksan ng bahagya ang jacket. And sh*t, buti di ito nakaleather jacket ngayon, baka lalo siyang maglaway.
'O my god. Sino yan?'
Narinig niyang bulong ng isang babae sa katabi nito. Estudyante. Naka uniporme ng school na malapit lang sa lugar. Nasa loob sila at nakaupo malapit sa salamin na dingding.
'Ang gwapo. Nalalalag ang panty ko.'
'Girl, may girlfriend na, sayang.’
Napakunot siya.
Girlfriend?
Kung minsan gusto niyang i-off nalang ang ang lakas pandinig niya. Kung ano-anong usapan nasasagap niya.
"Pumasok ka na," sabi ni Kiel. Naramdaman niya ang paghawak sa nito sa bewang at hinila na siya sa may pinto. Nadistract siya sa mga pinagsasabi nang mga babae, di niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito. "Maarawan ka dito."
"Show off." Ismid nya dito.
"What?"
"Wala."
Mahaba ang pila pag pasok nila. Kakaunti nalang din ang bakanteng silya. "Ako na mag-oorder, maupo ka na dun," sabi ni Kiel, sabay turo doon sa bakanteng upuan sa sulok. "Ano bang gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...