Nilalamig siya. Hinigit niya ang kumot papuntang balikat. May narining siyang mga kalansing ng bakal.
Bakit parang may nakakapit sa kamay ko?
Napabalikwas siya ng bangon. Nakita niyang may nakapulupot na makapal na bakal sa kanang pulso. May kadena itong nakakabit naman sa bakal na parte ng kama. Hindi niya mahila. Mahigpit at mabigat.
Walang naman siyang sugat pagkapa niya sa leeg. Pero ramdam na ramdam parin niya na parang may nakatusok na pangil doon.
Shet. Anong nangyari! Anong ginawa nya sakin?
Oo nga nakadamit parin siya. Nakasapatos pa nga eh. Pero bakit ang sakit-sakit ng katawan niya? Bakit siya nakakadena? Ito ba ang parusa niya.
"You're still in one piece, Isabelle. And you’re still here."
Napaatras siya sa headboard ng marinig niya itong nagsalita.
"Pierre?"
Naka three piece suit ito. Pormal na pormal. Peron ganoon parin ang ayos ng buhol. Spiky na parang pinya.
Nakaupo ito sa dulo ng kama. Nakadekwatro pa at nakapatong ang isang paa sa isang malaking cooler. Hawak hawak nito ang dagger na ginamit niya.
"A-asan Alejandro?" Tanong niya. Shet ano ba nangyari? Nakuha na ba?
"Asleep," kibit balikat nitong sagot. "Nagrerecover dahil sa ginawa mo," winagayway pa nito ang hawak na patalim. "Silver, hindi madaling maghilom ang sugat natin dito."
Natin?... Sila… kasama naba siya dun?
Hinila niya uli ang kadena. Talagang sinigurado nitong di siya makakatakas.
“Pakawalan mo ako.” Sabi niya kay Pierre.
"Sorry. Wala akong susi," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "And you’re cute in chains. I prefer that." Ngumisi, nakita niya ang pangil, mahaba nga ito kasya karaniwang tao
Tulad din ba ng sa kanya? Napahawak nalang siya sa bibig. Oo nga, may pangil na din siya.
Luminga linga siya sa paligid. Ganun parin ang kalat sa kwato. Ni hindi nailigpit. Naamoy parin niya ang bakas ng dugo hanggang ngayon. Nagugutom na uli tuloy siya.
"Nasa kabilang wing ng bahay ang kwarto ni Al, malapit sa dting kwarto ni Angie," lumapit si Pierre ng dahan-dahan sa kanya. Binitawan na nito ang patalim sa cooler. Nakangisi pa din.
Mukhang may masamang balak.
"Di niya tayo maririnig."
Nahablot niya ang isang unan at nasapul ito sa mukha.
“Subukan mo lang! Shet ka!” Hinila niya ang kadena. Ano bang laban ba niya? Ni hindi siya makaalis sa kama.
Umatras lang ito at tumawa at pagtayo. "Kidding, I don't sleep with virgins, so emotional and freak out potentional.”
Virgin? Virgin pa siya? Walang nangyari?
No...
Ay. Yes!
"And I don't smell blood between your thighs, that mea--" Nabato niya ito ng isa pang unan sa tabi niya. Tumatawa parin ito.
Di na niya maitago ang pag init ng pisngi. Di niya malaman kung anong kulay ng balat niya. Kung mamumula pa ba ito dahil sa kakulangan ng dugo sa katawan.
Tinupi nalang niya ang tuhod at niyakap ng binti.
Naalala na naman niya. Bakit ba siya nagpaubaya? Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Eternal (Book 1)
VampireEditing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding-hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!". Mabilis parin itong nagpatakbo at napakadilim ng daan. "D...