51: Voices

13.2K 234 4
                                    

“Please, Vicky. I need to see your records,” pakiusap ni Raven dito. “May titingnan lang ako,”

Napabuntong-hininga lang ang babae sa kanya. Nilapag nito ang isang beaker sa lamesa.

“And why would you need it?” tanong ni Vicky sa kanya. “For goodness sake, that was ten years ago. Bakit mo ba gustong malaman kung sino-sino ang mga pumasok sa teritoryo ko noon?”

Tinitiis niya lang ang amoy ng laboratory nito, sana naman may mapala siya.

“I just need it.” Sagot niya.

May hinala na siya kung sino ang lalaking nakasuit sa alaala ni Kiel. Sino ba naman kasi ang naghahabol sa kanya sa matagal na panahon? Yung demonyong ex niya malamang.

Kataka-taka lang dahil hindi naman iyon mahilig pumorma ng ganoon. Naka-suit? T-shirt lang yata ang alam na damit noon. Nagsuot lang yon ng maayos noong kasal nila. 

Isa pa, sa tagal-tagal ng panahong paghahabol sa kanya ni Alejandro, ni minsan ay di yon gumamit ng mga utusang hunters.

“Alright. Wag mo lang akong istoborhin,” sabi ni Vicky. “Ask Liz, may access na siya sa files ko sa gusto mong hanapin. Busy din si Dom, siya lang pwede mong utusan.”

Tumaas ang kilay niya. Ilang buwan palang ang assistant nito, pinakatiwalaan ni Vicky ng ganoon?

Weird, she thought. “Why wont you just give the password an—“

“NO,” madiing sagot nito sa kanya. “Not that I don’t trust you,” lumingon sa kanya sa Vicky saglit. “Well I really don’t trust you. Baka kung ano pang usisain mo doon.”

Umirap siya. “As if naman. Records lang naman ha. May scandal ka ba doon na pwede kong i-leak?”

“Goodness, Angelique. Busy ako. Wag ka nang mang-istorbo.”

Na-curious tuloy siya kung anong pinagkakaabalahan nito. Nakakamoy siya ng kakaunting dugo sa mga chemical na pinahahalo-halo Vicky.

“What is that?” hindi na niya napigilang tanungin.

“Nothing, Raven,” sabi nito sa kanya. Ni hindi siya nito tiningnan. Busy parin sa kinukutingting nito. “Leave and mind your own business.”

“Okay.” Sagot niya. Naglakad na siya papalayo dahil mukhang maiinit ang ulo Vicky.

May kakaiba talaga sa babaeng yon nitong mga nakaraang araw, naiisip niya. 

Lumabas na siya ng laboratory ng makasalubong naman niya ang assistant nito.

“Liz,” tawag niya Raven. Tumigil ito at lumingon ito sa kanya. “You're Liz, right?”

Tumango ito. May hawak-hawak itong karton at mukhang may mabigat na laman sa loob. Gusto niya sanang tanungin pa kung ano yon pero mukhang nagmamadali.

“Can I ask a favor? Pwedeng pakikuha yung records nang mga vampires na pumasok sa territory ni Vicky ten years ago? Alam ko nakarecord iyon sa old files niya. Can you copy it for me?”

Tango uli ang sagot sa kanya.

Shit, nahawaan na ng weirdness ang isang ito. “Alright, pakidala nalang mamaya sa penthouse ha.”

At tulad ng inaasahan niya, tumango lang ito uli.

Dumiresto na si Raven sa harap ng elevator. Nagulat pa siya sa pagbukas noon dahil andoon na si Kiel sa loob.

“Bakit di ka nagpaalam?” bungad nito sa kanya. Nakahalukikip ito sa isang sulok doon.

Umirap nalang siya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon