83: Bound

11.4K 256 42
                                    

AN: Medyo SPG... medyo lang..

Binuksan ni Isabelle ang gripo, matapos siyang sumuka. Nagtoothbrush siya at naghilamos. Di parin noon matanggal sa pang-amoy ang inilabas ng tyan niya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman. Wala namang dahilan kung bakit naging ganito ang nararamdaman niya.

Napatingin siya sa repleksyon ng malaking salamin sa banyo. Wala naman nagbago sa histura niya, ganoon parin naman.

Pero may nararamdaman siyang kakaiba. Mainit ang pakiramdam niya. Iba ito doon sa naramdaman niya noon nung bago palang siyang naging bampira.

Naghubad na siya ng damit at nagshower. Ninamnam niya ang tubig na galing sa doon. Kahit papaano, nakakagaan ng pakiramdam niya ang lamig na galing doon.

Di nga rin niya maalala kung paano siya napunta dito. Kung paano siya nakabalik ng Paradiso. Paggising nalang niya andoon na siya sa kwarto niya na parang panaginip lang ang nangyari.

Ang natatandaan lang niya ay yung pagsasabi niya kay Alejandro tungkol sa deal. Yung pag-alis nito. Yung pag-alis din ng pamilya nito pagtapos. Tapos nagpaiwan siyang mag-isa sa bahay, nagbasakali pa siyang babalik ito.

Pero hindi iyon nangyari, galit na galit nga ito sa kanya.

Sumakit na naman ang dibdib niya, kumirot sa may bandang puso. Naalala niya kung paano ito tumingin sa kanya. Yung sobrang galit nito. Ramdam na ramdam niya iyon.

Ano na bang gagawin ko ngayon?

Pinapaalis na siya ni Alejandro, ayaw na siyang makita. Pero wala na siyang ibang pupuntahan. Hindi siya pwede bunalik sa pamilya niya. Naalala din niya yung sinabi ni Carina na dapat nasa ilalim sila ng isang Coven kundi, ipapatay sila.

Kung humingi nalang kaya siya ng tulong kay Pierre? Kaso ang usapan nila-- “Aw…”

Sumakit ang ulo niya ng maalala niya ang lalaking yon. Parang may nangyari pero di naman mailabas ng utak niya kung ano. Basta alam niyang may kinalaman si Pierre.

Tinapos na niya ang paliligo. Kinuha niya ang towel at isinuot ang bath robe. Lumabas siya ng banyo habang pinapatuyo ang buhok.

Nagulat siya nang nadatnan niya doon si Cat na nakaawang ang bibig. Nakatingin ito sa kanya. May dala itong cooler. Malamang blood packs ang laman.

Nagtataka siya kung bakit ito ang nagdala noon sa kanya. Pwede naman isa sa mga katulong ang inutusan tulad ng ginagawa ni Sofia dati.

"Isabelle, ok ka na?" nag-aalalang tanong ni Cat.

"O-ok lang ako. Bakit?" May nangyari ba para di ako maging ok?

Kumunot ang noo ni Cat sa kanya. "Wala bang masakit sayo?"

Nagtataka siya sa tanong nito. "Umm... Sumuka ako kanina. Medyo nahihilo lang. Saka naiinitan. Medyo maalinsangan."

Nakita niya ang pamumutla ng mukha nito sa mga sagot niya.

"Bakit?"

"W-wala. It's nothing," sagot ni Cat pero nakatitig parin ito sa kanya. "Wala ka bang naalala?"

Umiling siya. "Wala eh. Paano nga ba ako napunta dito? Naiwan niyo ako sa bahay diba? Nagulat nga ako nandito na ako."

"Kas--" Bumuka ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero agad ding isinara at kinagat ang labi. Lumapit nalang ito sa lamesa at inilapag na ang cooler doon.

"Fresh blood ito, inumin mo agad ha," ngumiti ito nang pilit at umatras na papuntang pinto. "Babalik nalang ako mamaya--"

"Wait," aniya. Napakapit siya sa braso Cat para pigilan itong lumabas. Nakita niya ang pagngiwi nito sa ginawa niya.

Requiem: Eternal (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon